Chapter 58

545 16 8
                                    


"Tanga ka pala eh."

"Ako pa?"

Oo nga siguro, kasi tinanong ko pa. Eh kahit naman hindi ko pa itanong iyon eh. Alam ko na ang sagot.

"Oo, paano ba naman? Hindi mo man lang inayaan na sumagot yung tao. Nagtanong ka pa."

"Ayokong marinig yung sagot niya."

Mabilis pa sa alas kwatro ang pagbatok saakin ni Jovs.

"Aray naman!"

"Wag mo nga akong ineechos, anong ayokong marinig ang sagot niya? Wala kang maloloko dito. Nagtanong ka kasi gusto mo marinig yung sagot niya, gusto mong marinig na walang nagbago." Seryosong sabi niya.

"Natatakot ako Jovs, paano kung hindi yun yung sagot niya? Jovs. Sinabi ko noon na sa oras na mas piliin ni Mika si Cha kaysa saakin, then i le-let go ko si Mika. Kaya lang sa ngayon kasi, parang hindi ko pa kaya."

Akma naman niyang babatukan ako ulit, pero this time ay nahawakan ko na ang kamay niya.

"Hay nako Rachel! Ganito lang iyan. Kung nakaya mo ng magtanong, tiyak kakayanin mo din marinig yung sagot. Kahit gaano kasakit pa iyan." Jovs. "Pero kilala ko naman si Mika, kapag nagmahal yan. Mahal kung mahal." Dagdag pa niya.

"Ano sa tingin mo yung dapat kong gawin Jovs?"

"Sa tingin kong dapat mo siyang puntahan sa bahay niya, at makinig sakanya. Maawa ka naman sa daliri nun, naka 100 missed calls na and 60 texts. Hindi ka man lang ba nakokonsyensya ah?"

-



"Queeny!"

Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ay agad naman niya akong niyakap ng mahigpit.

"Mika."

"Ano bang nangyari sayo? Bakit hindi mo sinasagot yung mga calls and texts ko?" Tanong niya.

"Mika."

"May problema ba?"

"May nagbago ba?"

Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "Nagbago? Anong nag bago?"

"Yung nararamdaman mo."

Napaiwas naman ako ng tingin, at hinawakan naman niya ng mahigpit ang kamay ko.

"May kailangan bang magbago?" Hinarapan naman na niya ako sakanya. "Rad, wala ka bang tiwala saakin?"

"Hindi naman sa ganon-- kaya lang kasi."

"Kaya lang kasi?"

"Mika, alam ko kung gaano mo siya kamahal..noon."

"Ikaw na nga nagsabi oh. Noon, ibig sabihin non tapos na. At kung alam mo kung gaano ko siya kamahal noon, sana alam mo rin kung gaano kita kamahal ngayon, naalala mo yung sinabi ko sayo dati? Na kahit anong mangyari ikaw at ikaw ang pipiliin ko. Queeny, hindi nagbago yun" At niyakap ako ng mahigpit.

"Im sorry."

"Ayoko ng sorry, sayo na sorry mo."

Hay mika. Binatukan ko nga.

"Aray! Ayoko naman talaga ng sorry! I love you ang gusto ko! Anebe?!"

"I love you. Okay na?"

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon