"There is someone.."

Pansin ko din na parang sirang plaka ang musika at paulit-ulit ito sa there is someone na lyrics. 

Pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko dahil dahan-dahan na siyang kumilos para sundan ako. Mas lalo din akong natakot nang itutok niya sa akin ang armalite na hawak niya kaya napapikit ako ng mariin at hinintay na marinig ang ingay ng armas na hawak niya.

Pero ilang segundo ang umabot at tanging pag-click lang ang nadinig ko mula sa armalite. Dali-dali naman akong dumilat nang malaman kong wala ng bala ang kaniyang armas. Nagkatitigan muna kami ng lalake na halos wala ng mukha.

Tumili ako nang tumakbo siya patungo sa akin na nakataas ang kutsilyo at handang isaksak sa akin. Tumakbo naman ako palayo sa kaniya at paikot-ikot lang kami sa isang carousel na patuloy din sa pagikot kahit na walang sumasakay doon. 

"There is someone.."

Pawis na pawis ako sa takot at pagod na pagod. Walang tigil kami sa pagiikot sa carousel hanggang sa tumigil siya at tinapon ang kutsilyo sa akin pero mabilis ko naman 'yon nailagan. Mas lalo pa siyang nagalit at hinabol ulit ako.

Sunod naman naming iniikutan ang malaking poste kaya hindi nagtagal, nahawakan niya ang dulo ng damit ko kaya lumakas ang tili ko. Umiiyak na din ako't humihikbi dahil sa nangyayari.

"Don't touch me! Jerk!" pilit kong tanggalin ang kamay niya pero mas malakas siya sa akin kaya naitulak niya ako at nauntog ang ulo ko sa bench. 

Kahit na sumakit ang ulo ko sa pagka-untog, nilingon ko pa din siya at napatili muli dahil nakataas ang kamay niya't hinablot ang buhok ko. Ilang ulit niya akong inuuntog hanggang sa naramdaman ko nalang na may tumulo na likido mula sa ulo ko--sarili kong dugo.

"Tulong!" sigaw ako ng sigaw at pilit na sipain palayo ang lalake. Pero 'di hamak na mas malakas siya sa akin kaya patuloy pa rin niyang inuuntog ang ulo ko.

Muli niyang tinaas ang ulo ko. Ramdam ko ang sakit sa anit ko dahil buhok ko ang hinawakan niya.

Nahihilo na din ako. Parang umiikot ang paningin ko at hindi ko na maigalaw ang sarili kong katawan. "Tulong.."

"I'll be waiting.. for now and forever.."  

"Agnes!" 

Dali-dali akong dumilat at napaupo. Nahilo ako sa ginawa ko kaya napahawak ako sa ulo ko. Sht.

"Agnes, ayos ka lang?" nagaalalang tanong ni Jenny na nakahawak pa sa balikat ko. Dahan-dahan lang akong tumango at tiningnan sila isa-isa.

Oh God, what happened?

"Kanina ka pa iyak ng iyak," sambit ni Hazel kaya natigilan ako at napatitig sa kaniya.

"Hindi ka namin magawang gisingin," sabi naman ni Chris na katabi lang si Joseph.

"Humihingi ka ng tulong," natulala ako sa sinabi ni Francis.

Umayos ako ng upo at isa-isa ulit sila tiningnan. Maayos lang ang kalagayan nila, pwera nalang kay Caleb na nakahiga sa lupa na may benda sa ulo at binti.

Muli kong naalala ang nangyari. The Carnival, the creepy dead people around me and the man with armalite. Sheet of paper, akala ko totoo 'yon. Akala ko natuluyan na ako. Akala ko mamamatay na ako. Thank God, I'm still alive and it's just a nightmare. 

Tumayo ako at ngayon ko lang napansin na may benda din pala ako sa ulo at sa--tyan?

"Nabagok ulo mo, Agnes. Ilang ulit kasing muntik nadapa si Caleb dahil nanghihina na siya," 'tila nabasa naman ni Selena ang nasa isip ko kaya napatango nalang ako.

Mystique PuppeteerWhere stories live. Discover now