Chapter5: APOT AT KIDLAT

Magsimula sa umpisa
                                    

"Weh? Eh bakit namumula ka dyan, Steve! Hahaha!" dudang salita ni Katherine. "Ay, kinikilig talaga ako! In love na si Steve!"

"Hindi po, sabe!" naiinis na sagot ni Steve sabay labas ng bahay at sumakay sa backseat ng kotse ni Jun-Jun.

Pagkalock ng pintuan ng bahay ay sumunod na din si Katherine. Abot teynga pa rin ang ngiti hanggang sa pagkasakay niya.

Hindi din naman maitago ni Jun-Jun ang saya habang pinapanood ang paglalakad ng asawa pasakay ng kotse. Kitang-kita na sobrang in love ito.

Napatingin na lang si Steve sa ibang direksyon.

Kailan kaya ako makakatagpo ng mamahalin ko? Di sinasadyang napaisip si Steve na agad naman umiling. Anak ng tokwa! Ano ba ang iniisip ko!? Tsk!

Bago pa sila tuluyang umalis, lumingon si Jun-Jun kay Steve, seryoso ang mukha.

Tinulak nito ang makapal na itim na frame ng kanyang salamin sa ibabaw ng kanyang matangos ma ilong, isang mannerism na napapansin ni Steve kay Jun-Jun.

"Kailangan mo na silang pakawalan."

Huh?!

Nagulat si Steve. Hindi niya naintindihan.

"Alam namin ni Katherine na bumabalik pa rin sila para guluhin ka."

Hindi nakapagsalita si Steve. Alam na niya kung ano ang tinutukoy nito.

"Steve, we can see what other people can't see. At gaya namin, ikaw ay ganun din. Normal na sa atin ang makakita ng mga engkanto, diwata, maligno, Himaw... at lalo na ang mga multo. Sa totoo lang kung mga di matahimik na espiritu o mga kaluluwang ligaw lang ay madali na namin mapapaalis ni Katherine at matutulungan pang makatawid sa kabilang buhay ang mga ito. Pero iba ang mga gumugulo sa iyo, kahit kami hindi namin maintindihan. Para bang hindi mga multo... parang lubos na masama ang pinanggalingan ng mga ito..."

"Steve, please. Sabihin mo sa amin kung ano talaga ang gumagambala sa iyo. Malakas ang presensya nila kanina sa kwarto mo." pakiusap ni Katherine, puno ng pag-aalala.

Yumuko lang si Steve. Ayaw niyang makita ang mukha ng mag-asawa. Ramdam niya ang sinseridad ng dalawa at ang wagas na pagnanais na makatulong pero hindi niya magawang sabihin ang lahat.

Hindi pa.

Naisin man niyang sabihin pero may kung anong pwersa ang nagpapatikom ng kanyang bibig. Malakas din ang kutob niyang mapapahamak ang mga ito. Kahit hindi niya aminin, ayaw niyang may mangyaring masama sa kanila!

"Steve!" galit na tawag ni Jun-Jun. Hindi na rin niya napigilang tumaas ang boses. Nauubusan siya ng pansensya dito.

"Honey, kalma ka lang." pagpapahinahon ni Katherine sabay haplos sa balikat ng asawa.

Huminga ng malalim si Jun-Jun at muli nang humarap sa kanilang dadaanan.

"Steve, hindi lahat ng bagay ay sinasarili. Kung kailan mo ng tulong, humingi ka ng tulong. Nandito kami. Wala kaming ibang nais kundi ang kabutihan mo lamang. Tandaan mo yan."

"Sana pakinggan mo ang mga sinasabi namin. Pamilya ka na namin, Steve. Mahal ka namin."

Nakaramdam ng kirot si Steve sa dibdib. Hindi niyang napigilang tumingin sa maamong mukha ni Katherine.

May nais sabihin si Steve pero walang boses na lumabas sa kanyang labi.

"Okay lang kung hindi ka pa handa na sabihin ang lahat. Basta nandito lang kami ng Tito Jun-Jun mo."

Tumango na lang si Steve.

"Halika, maglaro tayo!" alok ng tatlong boses.

Muling nangilabot si Steve. Kahit ayaw niya ay di niya napigilang lumingon.

Doon sa labas ng bahay nina Jun-Jun at Katherine may tatlong itim na anyo. Nagtatawanan at sumasayaw-sayaw pa.

Tsk! Mga Anak ng -

Dali-dali niyang binuksan ang playlist sa kanyang cellphone, ginawang full volume at sinuot ang earphones sa teynga.

"Ha! Ha! Ha! Ha!" ang paulit-ulit na tawa ng mga ito, nakahalo sa musika.

===May 01, 2017 =============

Hello awesome people! Thanks for reading. Share some love by giving this chapter a vote! Kamusta naman ang chapter na ito? I would love to see your comments!

Follow and say hi!

Official FB Page: GilLandicho

Youtube: GilVlogs

Instagram: @gillandicho | @wondersofgil

Twitter: @gillandicho

Wattpad: @GilLandicho

Elemento ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon