"I love you more. Go home after that." He hung up. I sighed at tinago ko na 'yong phone sa bulsa ko.

"This is one of the reasons why hindi ako payag dito." Napatingin ako doon sa masungit na lalaki. Masama siyang nakatingin sa'kin.

"Kaya ayokong pumayag kay Queen dahil masyado siyang sunod-sunuran sa boyfriend niya." Sabi niya pa.

"Tumawag lang sa kaniya, sunod-sunuran agad? Hindi ba pwedeng sinabihan lang dahil nag-aalala 'yung tao?" Tanong ko.

"OA mo ah." Komento ko pa. "To be honest, ayoko rin naman dito kung hindi nga lang kailangan, hindi ko naman hihingiin kay mommy 'to." Sabi ko pa.

"Kailangan ko lang alamin ang tungkol kay Lady Dayanara dahil ako ang target niya. Alam kong wala kayong pake dahil na kay mommy ang katapatan niyong lahat kaya pupunta na lang ako sa storage room niyo para maghanap ng files." Sabi ko.

"Feelings are mutual. Ayoko sa inyo at ayaw niyo sa'kin. Walang pake-alamanan kaya layuan niyo ko at kukuha lang ako ng files." Dugtong ko at pumasok na sa storage room.

Nakita kong puro folder ang nandoon at biglang sumakit ang ulo ko. I think, kailangan ko munang umuwi para magpahinga.

Bukas ko na lang hahanapin 'yung mga info na kailangan ko at matanong din sila kuya kung may alam ba sila tungkol sa Lady na 'yon.

Sinara ko na ulit 'yong pintuan at tumingin ng masama doon sa lalaking masungit. "'Wag kayong magtatanggal ng files dito. Kundi ako mismo ang sisira dito sa org niyo." Banta ko at umalis na ko mula doon.

THIRD PERSON'S POV

"Isn't that too much, Gino? Anak pa rin naman siya ng boss natin kahit na medyo wala pa siyang experience." Saad ni Hibiki.

"Alam mo naman 'yan, masyadong pahirap." Komento naman ni Atsuya. "Paano naman siya magkakaroon ng experience kung kakakilala pa lang natin sa kaniya ay hinuhusgahan mo na?" Sabi naman ni Hirofumi.

"Sundan ko lang 'yon at sisiguraduhin kong makaka-uwi siya ng ligtas sa kanila." Paalam naman ni Futoshi at umalis na.

"Masyado kang pabebe, Gino. Bigay mo na lang 'yang loyalty mo. May nalalaman ka pang prove-prove diyan." Sabi naman ng isang babae.

"Agreed. Pwede din naman natin siyang i-train kung gugustuhin natin eh." Sabi naman ng isa pang babae.

"And besides, sinabi na din naman ni Queen na wala siyang experience pero trinain na niya siya dati pa." Sabi naman ng isa pa.

"Oo na. 'Wag niyo na akong sermonan, okay? Naiintindihan ko na." Galit na saad ni Gino at lumabas na mula sa kwarto.

"Masyado talagang strict 'yang lalaking 'yan." Iling-iling na saad ni Hibiki at sumandal na lang sa pader.

"Kausapin ko lang si Gino. He needs to apologize to her tomorrow morning." Sabi ng isang babae at sumunod na kay Gino.

"Jowa to the rescue." Nakangiting saad ni Hirofumi. "Sana all may jowa." Komento ni Atsuya at nagtawanan silang lahat.

REBACCA'S POV

Nabyahe kami ngayon ni Futoshi at siya ang nagmamaneho ngayon dahil nahalata niyang pagod ako.

Delikado daw kasing mag-drive 'pag pagod kaya naman para iwas aksidente ay siya na ang mag-uuwi sa'kin sa bahay.

"Miss, pasensya na po kayo kay Gino. Gano'n lang po talaga 'yon." Sabi niya sa'kin. Sumandal lang ako sa upuan at nakatingin lang sa phone ko.

"Masyadong mahal niya lang po ang org kaya gano'n ka over-protective 'yon. Saka tinuring niya na pong ina si Queen Amber kaya masyadong loyal sa kaniya." Pagkwento niya pa.

"Okay lang. Naiintindihan ko naman na wala akong experience at baguhan lang ako. Hindi mo na kailangang magpaliwanag in behalf ng lalaking 'yon." Sagot ko.

Tumigil na 'yong sasakyan at nakita kong nandito na kami sa tapat ng bahay ni Riel. Huminga ako ng malalim dahil mahaba-habang usapan na naman 'to.

"Salamat. Umuwi ka ng ligtas." Sabi ko sa kaniya at lumabas na ko mula sa sasakyan. Sakto namang lumabas si Riel sa bahay at tumingin sa'kin ng masama.

Agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. "I'm sorry kung ngayon lang ako naka-uwi. Pag-usapan natin 'to sa loob." Napatingin siya sa sasakyan ko.

Lumingon ako sa direksyon ni Futoshi na nakasandal sa sasakyan ko at hawak ang susi nito. Inilahad ko ang kamay ko at binigay na niya 'yung susi.

"Let's talk inside and he should go with us too." Malamig na saad ni Riel at pumasok na kaming dalawa ni Futoshi sa loob.

Ramdam ko na 'yung inis at frustration niya. Sana naman ay makinig sa'kin 'yon mamaya.

•••• END OF CHAPTER 21. ••••

Dangerous Love (Ashworth Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora