Page 37

18 1 0
                                    

"Are you sure you'll drop by there?" Tanong ng kapatid kong si Mariah.

Tumango ako bilang sagot. "Ipapasa ko lang 'yong resignation letter ko at magpapaalam na din ako saglit kay Yana." Ngumiti ako para ipakitang ayos lang talaga.

Pupunta akong La Union para umiwas na sa gulo o kung ano pa man ang pwedeng mangyari. Mabuti nalang at nagboluntaryo si tita na doon na ako tumira sa kanila pagkatapos kwentuhan ni mama na uuwi ako ng La Union. May kaibigan din si tita na nangangailangan ng waitress sa resort na pinapasukan niya bilang manager kaya hindi na ako mahihirapan pa. Kailangan ko munang magpakalayo layo.

"Tapos ano? Uuwi kang tulala?!" Sigaw naman ni Marshall.

Lumapit ako sa kambal at ginulo ang buhok nila. "Mamimiss ko kayo!" Paglalambing ko sakanila.

"Ate naman! Bukas pa ang alis mo kaya tsaka na ang drama!"

Tumawa nalang ako sa inasta ng dalawa. Tama man o mali ang maging desisyon kong talikuran ang lugar ay buo parin ang pasya kong umalis na. Siguro hindi kami ang para sa isa't isa. Oo masakit. Sobrang sakit kasi siya lang ang taong minahal ko ng ganito at hindi ko alam kung kaya ko pa bang magmahal ulit maliban sa kanya.

You are the best thing that happened to me Caleb. Even how much it pains me by the thought that you aren't living an ordinary life like I do. Even I know from the start that we will end up this way I still chose to love you and to be loved by you. Atleast once in my life time, one of the Demetrious Princes loved me.

Nasa malapit na ako ng Restaurant ng isang magarang sasakyan ang humarang sa taxi na sinakyan ko. Dala ng gulat ay hindi ako makapag react. Lumabas ang driver at lumapit sa sasakyan na itim at sobrang kinis. Lumabas din ang isang lalaki na nakashade ng black at nakasuot din ng all black. I think I'm in some sort of men in black thingy? Kahit ba sa ganitong drama na ng buhay ko may sisingit pa rin? Nakakafrustrate. Life is cruel indeed.

Bumalik ang taxi driver na para bang walang nangyaring diskusyon ang dalawang panig. "Ma'am baba na ho kayo." Ito agad ang bumungad sa akin.

"Manong may problema ba? Malapit na rin kasi ako manong ngayon pa ba tayo titigil?" Ay parang may mali yata sa nasabi ko dahil sa nandidiri akong tinignan ni manong driver.

"Miss kayo po ang sadya ng sasakyan na 'yan. Bumaba na ho kayo." Magalang na sagot nito.

"Pati ba naman kayo manong susukuan ako?! At ano ? Hahanap kayo ng ibang maisasakay? Naku talaga!" Bwisit na sabi ko. Padabog kong isinara ang sasakyan dahil sa inis.

Lumabas agad ang driver at lumapit sa akin. "Ano manong? Naliwanagan ka ba na mali ang ipamigay ako sa iba? Pwes manong huli na ang lahat nabwisit na ako ng bongga kaya umalis ka sa harapan ko!" Sigaw ko dito. Hindi ko ba alam kung bakit nagkakaganito ako.

"Miss 'yong bayad mo nakalimutan mong ibigay." Natatakot na turan ni manong.

Para akong nasampal sa sinabi nito at bumalik sa katinuhan.

"Manong pinababa niyo ako tapos hihingi kayo ng bayad? Manong ginagago mo ba ako?" Mahinahon na saad ko rito kahit sa isip ko ay bugbog sarado na ito.

Lumapit sa amin si men in black at may binulong kay kuya driver bago inabutan ng pera si manong. Agad agad itong umalis at pinaharurot ang sasakyan nito. Wala na din ang nakaharang na sasakyan dahil nakapark na ito.

"Kuya men in black kung iniisip mo na magpapasalamat ako ay huwag mo ng asahan pa. Umalis ka sa harapan ko at baka hindi kita matantiya ganitong marami akong pinagdadaanan ay naku kawawa ka." Litanya ko habang buay ako sa pagpapara ng taxi na wala man lang huminto. Tinignan ko si MIB pero no reaction si kuya talagang ginalingan ha.

To Tame the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon