Page 17

18 3 0
                                    

Dalawang araw nalang bago mag sabado. Halos lahat kami ay hindi na makapaghintay. Sa apat na araw na lumipas ay parating Villa Grand Resort lang ang aming pinag uusapan. Kung ano ang gagawin namin, kung ano ang mga lalaruin namin.

Madalas parin akong sunduin ni Caleb. Simula ng binigay ko ang relong binili ko para sa kanya ay parati niya na 'tong ginagamit. tinutukso pa nga ako minsan dahil naka couple watch daw kami. Pero kung susuriin ay hindi talaga pareho ang disenyo nito.

Nasa counter ako ng mga oras na ito dahil sa dito rin talaga ako nakatoka sa ngayon. When someone approach me. The girl looks so familiar.

"Where's Caleb Demetrious?" Agad na bungad nito.

"He hasn't arrive yet Ma'am." Magalang naman na sagot ko. Tumango tango lang ito.

"Okay. Pakisabi pumunta ako dito."

"You're name Ma'am? para masabi ko kay Sir."

" I'm Sheila Villares." Sagot niya at nagpaalam ng umalis.

Kaya naman pala pamilyar siya sa akin dahil isa siyang sikat na designer sa bansa. Kung titignan ay walang wala ako sa mga nagkakandarapa kay Caleb. But why his exerting so much effort for me? I sighed.

Pilit kong inalis sa isip ko kung gaano kaganda si Sheila V. dahil natatakot ako. Ang laki laki ng inilamang niya sa akin. Mula sa pisikal maging sa career na tinatahak niya. Samantalang ako isa lang simpleng babae. Ayokong maging insecure pero tuwing sumasagi sa isipan ko kung gaano kaangat ang mga naililink na babae sa buhay niya ay para akong nanliliit.

Sinabi ko agad kay Sir Erwin ang gustong ipasabi ni Shiela V. kay Caleb. Sa ilang oras na lumipas ay hindi na talaga naalis sa isipan ko ang nangyari kanina. Nagseselos ba ako? Pero wala akong karapatan. What have I gotten my self into?

Dumating na si Caleb. Didiretso sana siya sa akin kaso kinausap siya ni Sir Erwin siguro tungkol ito kay Shiela V. napairap nalang ako. Naiirita ako na hindi ko mawari. Hindi ako nagreply nang nagmessage siya kaninang tanghali at ng bago siya pumunta rito. Wala akong gana. Bakit ba ang aga-aga niyang pumunta dito? Ayaw ko pa naman sumabay sa kanya.

Nag ayos parin ako agad ng gamit para hindi siya mag-antay at magtaka sa mga kinikilos ko. Dahil wala naman akong karapatan kaya hindi nalang ako magtatanong kung bakit siya hinahanap ng Shiela V. na 'yon.

What does that woman think? That I didn't know what she really mean? She warned me. Bakit naman sa restaurant siya pupunta? Alam ng lahat na sa Demetrious tower naglalagi si Caleb. Halos wala nga yatang may alam na binili niya 'yong restaurant unless you dig deeper.

Yvonne you're issued with Caleb Demetrious. A Demetrious.

"You okay? You want to eat somewhere?" Tanong ni caleb sa'kin habang binubuksan niya ang sasakyan niya sa passenger seat.

"Sa susunod na araw nalang." Pagtanggi ko. Kumunot ang noo nito pero hindi na nagpumilit pa.

Bumaba ako agad sa sasakyan at nagpaalam na. Trying to warn him not to enter the house. Wala ako sa mood. ayoko muna siyang kausap. Alam kong unfair ito sakanya pero tila nilalamon ako ng selos.

"Bakit hindi siya pumasok dito at magkape man lang?" Tanong ni mama.

"Marami pa siyang gagawin ma."

"Si ate nagpapabebe." Kumunot agad ako sa pagsingit ni Marshall

"Kaya nga... Halata naman sa itsura niya na parang may tampuhan." Dagdag pa ni Marco.

Inismiran ko lang sila at umakyat na. Ayoko siyang kausap.

My phone beeped. So I checked it.

From: Caleb

Are you okay?

I didn't reply. What for? pahahabain ko lang.

My phone beeped again.

From: Caleb

Mary

and Again.

From: Caleb

Is it about what Erwin informed me?

From: Caleb

Baby she's nothing.

From: Caleb

Baby talk to me.

Sa lahat ng text niya hindi ko magawang magreply. Wala talaga ako sa mood. Hindi ko alam kung paano ko siya  natitiis ng ganito. Baka ganito talaga ang epekto ng selos? My phone rang constantly but I choose to neglect it.

Naalimpungatan ako sa pagtunog ng cellphone ko. I took it and checked the time. Nakaidlip pala ako. Sigurado tapos na kumain sina mama sa baba.

5 messages and 13 missedcall from Caleb. I sighed.

To: Caleb

I took a nap.

I plugged in my phone to charge and went down. Baka tumawag na naman 'yon. Magdadahilan nalang ulit ako. I feel better now. Atleast walang nangyaring away sa pagitan namin.

Ngayon lang naman ako nairita ng ganito sa kanya. Is it just my insecurity? Palagi ko nalang ikinokompara ang sarili sa mga naging babae niya. Lalo na't wala namang label ralasyon naming dalawa. Who am I to demand a fucking label?! Dapat ang lalake ang gumagawa ng paraan tungkol sa bagay na iyan!

Nakakainis... this thoughts will surely kill me. Darn it.

"Kumakain ka ba o ano?" Agaw pansin sakin ni Mariah

"Wala lang akong gana." Sagot ko naman.

"Kaya pala halos patayin mo 'yang kinakain mo. Kalma lang wala 'yang laban." Pang inis pa niya.

"So funny." Sarkastikong sagot ko.

Tumawa lang ito at uminom ng tubig. Hindi na rin ako namuod dahilang iintriga lang siya. Ayoko pa naman pag usapan ang bagay na na nakakagpayamot sa akin ngayon.

Nakahiga na ako ng nag ring ulit ang cellphone ko. Hindi ba siya napapagod?

"Hmmm" I answered.

"Mary"

"Bakit?"

"I just want to check if you're okay." Napapaos na tanong nito.

"I feel good now."

"someyhing's bothering you I know."

"Wala. Matulog na tayo. Goodnight."

I heard him sighed

"Fine. Goodnight then." And he ended the call.

Naguguluhan parin ako. Tama pa ba itong ginagawa ko? Kapag l nabasa ng iba ang iniisip ko siguro maiinis sila sa'kin. Like what the hell? Maka one night stand lang siya ay malaking bagay na ito pa kayang mayroon kami? Pero gusto ko lang naman malaman kung anong mayroon kami para alam ko kung lalaban ba ako kapag dumating ang oras na ipaglayo ulit kami. If is it worth fighting for....

Ang pagtama ng init sa aking balat ang nagpagising sa akin. Nakatulogan ko na naman ang pag iisip. Maybe stating from now I'll just go with the flow? Pinaka hindi pinag isipang bagay na gagawin ko. Wala akong ibang minahal na lalake maliban sa kanya. Paano ba ipahiwatig na ang gusto kong mangyari? Pero kapag nangyari naman ang bagay na gusto ko ay siguradong gulo ang kasama nito. Isang hamak na commoner ang magiging girlfriend ng isang sikat at makapangyarihang lalake? Napakapangit pakinggan. At kapag dumating ang araw na 'yan ay handa na kaya ako?

"Okay ka lang ba?" Sabay pagsiko sa akin ni Giorgia.

"Oo naman."

"Huwag mong isipin 'yon! Mahal ka non!" Singit niya at humagikgik pa.

Sana nga.

To Tame the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon