Page 28

17 2 0
                                    


Nauna akong nagising kaya  bumabana ako at hindi na siya muling inistorbo pa. Bumaba ako at nadatnan ko si ate at si mama na mukhang nag uusap ng masinsinan.

Dumiretso ako sa kambal dahil mukhang hindi ako napansin nila mama na abala parin sa kanilang pinag uusapan.

"Okay na sila?" Tanong ko kay Marshall na abala sa pagkain ng pizza.

Tinignan ko ang kusina at halos wala ng mapaglagyan ang mga ipinabili ni Caleb sa assistant niya. Kailangan ko siyang pagsabihan tungkol dito

"Oo yata. Basta pinatawag ni mama si ate kanina nong inaasikaso namin siya para  kumain pero itong si ate nagpabebe sabi niya susunod nalang daw." Si Marco na ang sumagot habang naglalaro ng coc.

"Then nagpasama si mama sa akin na puntahan siya sa taas at ayon nag usap sila sa loob."

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ng kambal. Siguro hindi kayang tiisin ni mama si ate lalo na at maselan ang pagbubuntis niya.

"Ate what did you and Caleb do inside your room?" Seryosong tumingin sa akin si Marshall.

Binato ko siya ng balat ng saging dahil sa pagkabigla sa tanong niya. Namula pa ng buong mukha ko dahil sa inusisa niya.

"You and your naughty mind Marshall! Natulog lang kami!"

"Ate sinasabi namin sayo!" Pagbabanta naman ni Marco.

"Wala nga!" Sigaw ko na dito. Nakakainis talaga ang kambal 'to.

Lumapit ako kina mama habang dala-dala ko ang pizza at juice.

"Bakit magkasama kayo ni Caleb sa kwarto?!" Mama arched her brow.

"Ma natulog lang kami!" Sagot ko naman. Ugh people nowadays

"Siguraduhin mo! Tama na muna ang isang apo.." Sagot naman nito.

Dumako ang tingin ko kay Mariah at kitang-kita ko ang maaliwalas nitong mukha.

"O siya maiwan ko muna kayo at magpapahinga na din ako." Paalam ni mama at pumanhik na sa kwarto niya.

"Ngayon palang ay gusto ko ng makita ang anak ko." Nakangiting aniya.

"We are all excited for that day to come. Baka pati ang pag aalaga ng anak mo ay pag awayan pa  ng kambal sigurado." Sagot ko naman dito at tumawa kami.

Pagkatapos kong kumain ay kumuha ako ng pagkain para kay Caleb. Alas na tres na rin. Nag aalala lang ako na baka gutom na 'yon. Pagkalapag ko ng pagkain ay marahan kong hinawakan ang kanyang mukha.

Those thick eyelashes and defined jaws. His messy hair and perfect nose is capturing me. Seeing him lay a rest on my bed feels so amn good.

Can we stay like this forever baby?

Ngumiti ako ng mapakla. Wala daw kasing forever. Baka kapag sinabi kong kami ang tutupad sa salitang forever ay baka mag unahan pa ang mga tao na batukan ako at sabihan ng 'nababaliw kana.' Bumuntong hininga na naman ako habang hinahaplos ko ang kanyang buhok. Inilapit ko pa ang aking mukha sa kanya. I just want to memorize his figure. This is the first time I stared at him only an inch away. O my. I cringed when I saw him open his eyes but he hugged me immediately. We met our gaze again and he slowly pressed me near him to feel his body. He encircled his arm on my waist and kissed me passionately. I don't know how to react but believe me or not. This is my fucking first time so could you blame me if I didn't know how to response from his kisses?

Idinilat niya ang mga mata niya at ngumiti. Hinampas ko siya sa braso dahil sa sobrang hiya na nararamdaman ko. Humalakhak lang ito.

"Kumain kana nga!" Sigaw ko sa kanya.

"Busog na ako..." He smile mischievously so I throw him a punch.

"You're a sadist, woman." He said while suppressing his laughter.

Tawanan mo ako at hindi kana makakaulit!

"Ayoko na!" Sabi ko dahil sa sobrang nahihiya na ako. Lumayo ako sakanya at inirapan siya.

Damn I can still feel his warm lips from mine.

Hinila niya ako pabalik sa pwesto niya. Habang hindi parin maalis ang mapang asar na ngiti  sa mga labi niya.

"Tigilan mo ako Caleb!"

"I didn't do anything baby." Sobrang lawak ng ngiti niya. Mapunit sana 'yang bibig mo!

"Hala kumain kana! Mag ayos kana rin baka may makakita sa atin at kung ano pa ang isipin!"

"What's wrong with that? Natural lang sa--" Hinampas ko ulit siya kaya hindi na niya itinuloy pang sasabihin niya.

"Wag ka nga!"

Hanggang sa makababa kami ay hindi mawala wala ang ngiti niya. Siniko ko siya  dahil sobrang asar ko sa kanya.

"My baby is a sadist."

Yan lang ang palagi niyang sinasabi sa tuwing sinisiko ko siya o di kaya ay hinahampas. Matapos niyang magpaalam at mag pasalamat lumabas na kami.

Pero dahil mga walangya ang kambal ay nagpahabol pa sila ng,

"Wala munang baby ha!"

Pumula lang lalo ang mukha ko. Ramdam kong nagpupuyos na ako sa galit at inis. At ang magaling na si Caleb ay tumawa lang na parang walang bukas. Nang makarating kami sa sasakyan niya ay niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

"Wag ka ng mainis. Saka nalang kita pagbibigyan kapag ready na ako." He said and beamed at me.

Seriously si Caleb ba 'to? Dahil sa sobrang gigil ko sa kany ay binatukan ko siya kahit na matangkad siya ay hindi ko ininda ang importante ay mabatukan ko siya nang bumalik ang katinuan sa katawan niya.

"Mapanakit na babae ang mahal ko." Patuloy pa rin nito.

Hindi ko alam kung mabibwisit ako o makikilig. This is so not him! Nagtabi lang kaming natulog nag iba na siya! Ano 'to epekto ng halik niya sakin?

Nakakawindang talaga.

"Umuwi kana! Kanina kapa Caleb!" Kunwari'y taboy ko sa kanya na bahagyang itinulak siya.

"If only I could stay here. I will." He sighed.

"Psh. Hindi naman ako aalis. Nandito lang ako!" Sabi ko pa sakanya.

"My day is well spent. Thank you." I can feel how happy he is right now. I grinned widely knowing I was the one who made that.

"I love you." I said and hugged him even tighter.

"I love you too my Mary" He said and comb my hair using his hand.

"Go home." Sabi ko sa kanya at bumitaw na dito para  makauwi na.

"But I'm already home." Sagot naman niya at niyakap ulit ako.

Kung hindi pa siguro kami sinigawan ni Marco ng 'Nasa telenobela ba ako?!' Baka hanggang ngayon ay nagmomoment parin ni Caleb.

My day is well spent because of you too.

To Tame the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon