Page 4

29 3 0
                                    

Kanina pa nagtetext sa akin si Yana kinukulit ako na mag ayos na habang maaga pa.Its only eight in the evening so I just replied her okay.

Kahit na tinatamad ako ay bumangon ako sa pagkakahiga at bumaba para kumain muna.

"Ma" Tawag ko kay mama na nakaupo at nanunuod sa sala. Lumingon naman ito sa akin

"Anong ulam?"

"Adobong manok. Bakit pala wala pa ang ate niyo? alas otso na! Hindi naman nagtext sa akin kung uuwi ba o malilate ng uwi! Naku!" Mahabang sagot niya sa napakaikling tanong ko.

"Ma baka pauwi na rin iyon kaya hindi na nag abala pang itext ka." sagot ko nalang. Ganyan talaga si mama kahit malaki na kami ay strikto parin siya.

"Ma lalabas pala ako kasama ko si yana mamayang alas diyes " Pagpapaalam ko sa kanya pumayag naman ito basta daw ba mag iingat ako at hindi ako uumagahin sa pag uwi.

Binilisan ko ng kumain para makaligo na ako. Nagtext na rin ako sa kapatid ko na umuwi na ito o di kaya ay magtext kung nasaan siya dahil nag aalala na si mama sa kanya. I know Mariah's trying to move on from what alex did to her. Cheating is never good it breaks the connections you had with your partner instantly.

Naghuhugas na ako ng pinagkainan ko nang sumulpot ang isa sa kambal. Halos walang nakakahula kung sino si Marco at sino si Marshall kapag magkasama sila. Ofcourse except to us. They can fool everyone but not us. Nakasimangot si Marco at mukhang seryoso dahilan para hindi niya ako mapansin. May nunal sa bandang taas ng kaliwang tainga si Marco hindi naman gaanong kapansin pansin pag di mo titigan ng mabuti.

"Oh napaano ka?" Tanong ko sa kapatid ko.

Nagulat naman ito sa pagsasalita ko.

"Just figuring things out." halatang nagulat nga siya sa presensya ko.

"Para ka kasing timang na naglalakad dito ni hindi mo napansin ang presensya ko. What's bothering you?"

"I just feel sad. Sa sobrang gwapo ko nakakasama na sa mga babae. They fight a lot and that's because of me!"

I just rolled my eyes from what he's saying. Pakiramdam ko pinagtitripan ako ni Marco at pakana lang talaga niya ang hindi pagpansin sa akin kanina. Looks can be deceiving nga talaga! Tuloy tuloy parin ang pagtatalak nito kesyo bakit daw sila lang ang gising ni Marshall noong umulan ng kagwapuhan kaya sila lang ang nabiyayaan.
Iniwan ko na siya doon sa kusina mag isa baka matangay pa ako ng kahanginan niya.

I wasn't calm and silent before. I used to be jolly and cheerful. I'm not that loud not even that friendly but atleast I'm approachable. Unlike now, I'm so calm and aloof. Sa sobrang tahimik ko minsan naiisip ko na para akong bomba na anytime pwedeng sumabog. Natatakot ako sa sarili ko dahil the more silence I get the more things want to burst out and I know it wasn't healthy for me.

Pero kapag naman nandito ako sa bahay parang walang nagbago sa pagkatao ko. Para bang sila mama ang comfort zone ko.

I may be different now but nothings change when it comes to my family.

Isang oras nalang ang mayroon ako kaya binilisan ko na ang pag aayos sa sarili. I wore black knee-length dress and flat sandals. Busy ako sa pag lalagay ng make up nang nag ring ang phone ko.

"Yvonne! Alam kong nag aayos ka palang kaya inuunahan na kita na bilisan mo! Natrauma na ako noong pinaghintay mo ako ng halos isang oras ha!" Sigaw niya agad sa kabilang linya. Napahagikgik naman ako sa naalala.

"Easy Yana! Nasaan kana ba?"

"On the way na!" Sagot naman nito.

"Okay I'll just finish my make up. I'll hang up na" Pagtatapos ko sa tawag at binilisan na nga.

I did my thing as fast as I could I don' want to be late again Yana might over react on how I get dressed and why I have to be late when they keep reminding me not to.

I'm on my way when Yana message me that she's waiting to me and the others. I feel relieved knowing that I'm not the only one she's waiting.

Bumaba na ako sa taxi at nakita ko agad si Yana sa gilid ng bar. Itinaas ko ang kamay ko so she could notice me. Kumaway naman ito sa akin at lumapit.

"Wala pa ang iba?" Tanong ko sa kanya

"Sir Erwin messaged that he's on the way while giorgia and Honey went to store to puff you know those two, They can't live without smoke. And hey! there's Dani!" Sigaw niya agad sa paparating na kasama namin. I just shrugged it off.

"What about the others? Are they coming or what?" Sakto naman ang pagkalapit ni Dani sa amin nang nagtanong ako.

"Mark are not in the mood and you know married are not into this anymore" Si Dani ang sumagot.

"Right!" Sabay naming tugon ni Yana dito.

Naghintay pa kami ng thirty minutes para mabuo kaming lahat. We went inside the bar and look for a good place to start.

To Tame the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon