Page 35

17 0 0
                                    

Almost 3 years ago..

Nagmamadaling pumasok si Isaac dahil sa may practice pa raw sila. Isa siya sa mga varsity ng unibersidad kaya hindi na nakapagtataka na kilala at maingay ang pangalan niya. Nagpaiwan na muna ako dito sa labas para sana hintayin si Caleb. Kung may mahihintay ba ako.

May lumapit sa akin na isang matangkad na babae at medyo may edad na.

"Ms. Santos?" Kumunot ang noo ko dahil sa akin siya nakaharap.

"Po?" Magalang na turan ko dito.

"Madam Rebecca's want to talk to you in this said address."  Inabot sa akin ng babae ang isang maliit na piraso ng papel.

"Pero--"

"She said she don't take no for an answer. Pasensiya na talaga Ms. Santos pero napag utusan lang ako." Paghihingi ng paumanhin nito.

"Sana makapunta ka Ms. Santos." She pleaded. Tumango lang ako.

I gritted my teeth. Even if I don't want to go but this woman's job is at stake. Oh please I know where's this going. Pumasok na ako at pumunta ako sa department kung nasaan si Caleb pero nabigo lang ako dahil hindi siya  pumasok. Kahapon ay wala na naman siya. Caleb.

Umupo ako ng banayad at hindi na nag abalang sabayan sa pagkain ang donya. Narito lang naman ako para pakinggan ang panlalait niya. Hapon na kaya madilim na rin sa paligid.

"Eat." Utos nito sakin habang tinaas pa ang isang kilay nito. Umiling lang ako at mataman siyamg tinignan.

"Sana po ay sinabi niyo na kahapon ang lahat para hindi ko naaabala ang oras niyo." Diretso kong sabi.Hindi na alintana ang panginginig ng katawan ko na dulot ng taong nasa harap ko.

Humalakhak lang ito na parang kontrabida sa pelikula.

"Aalis na bukas si Caleb papuntang america. Sana ay huwag ka ng magparamdam sa kanya. Sa kahit na anong komyunikasyon na alam mo." Seryoso na ang itsura nito.

Napayuko ako sa harap niya.

"Yang pagmamahal na nararamdaman niyo ay pansamantala lamang kaya pabor sa inyong dalawa ang pag alis ni Caleb."

Kailan pa naging pabor sa akin ang pag alis niya?

May inabot siyang cheke na nakasulat ang isang milyong halaga.

"Stay away from him." Matigas na utos nito sa akin.

Inabot ko naman ang papel at namilog naman ang mata nito at  ngumisi sa akin. Ngumisi din ako pabalik at tumayo. Pinunit ko ang cheke sa harap niya mismo.

"Mahirap man kami ay hindi rin naman ako garapal sa pera Madam. Hindi po for sale ang pagmamahal ko sa anak niyo."  Sagot ko dito bago magsimulang maglakad palayo.

"Paano kaya ang pakiramdam kapag nawalan ng trabaho ang ina mo at hindi siya makauwi sa inyo?" Ngumisi ito sa akin.

"This is my last resort but if you still refuse then I'm afraid to say that expect the unexpected." Nagkibit balikat ito na para siyang walang siinabing kademonyohan sa harap ko.

"Huwag niyo pong idamay ang pamilya ko." I'm in the verge of crying now.

"So we have a deal then?" She smiled.

Tumango lang ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Gabi na ng makarating ako sa bahay. Natanaw ko si Isaac na nasa harap ng bahay at nakaupo. Paniguradong hinihintay na naman niya ako. Pinunasan ko ang luha ko bago ako bumaba ng taxi. Tumayo agad si Isaac ng makita akong papalapit dito.

To Tame the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon