Page 1

65 3 0
                                    

Katatapos lang ng duty ko at nag aayos na din ako bago umuwi. Palabas na sana ako ng tawagin ako ng kaibigan ko.

"Paano na tayo Yvonne?"agad na tanong ni yana na kasama ko sa trabaho.Napakunot noo ako sa tanong ng kaibigan ko.

"Anong paano na tayo?" balik na tanong ko sa kanya

Hinila niya ako palabas ng restaurant.

"Ano ba kasi yang sasabihin mo? bakit kailangan pa natin lumayo?"

"Narinig kong umiiyak si Mrs Tan kanina hindi sana ako makikinig sa pinag uusapan nila pero narinig ko si Ma'am na kukunin daw ng Demetrious ang restaurant nila kung hindi pa sila nakapag bayad." Paliwanag ng kaibigan ko.

Demetrious

Hindi ko alam kung anong una kong iisipin. Kung ang posibilidad ba ng pagkawala ko ng trabaho o ang pangalan na matagal ko ng pilit kinakalimutan.

"Ano na yvonne? You know how powerful the Demetrious. They could get what they want in just one snap."Nag aalalang tanong sa akin ni yana.

"Paanong nagkautang ang Tan sa kanila? Ang pagkakaalam ko malakas naman ang kita ng Restaurant. Mas maniniwala pa ako pag sapilitan nilang kukunin ang Restaurant."May diin na sabi ko.

Tinignan ako ng kasama ko, hindi alam kung anong gagawin.

"Kahit ano pa yan. Naroon pa rin ang posibilidad na mawawalan tayo ng trabaho. Alam mo naman na ako lang ang inaasahan ng pamilya ko." Malungkot na sagot nito.

Kahit ako man ay nalulungkot sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa amin. Dalawang taon na akong nagtatrabaho sa I-Tan-Lian Restaurant at ang isipin na maaaring maalis kami ay parang hindi ko matatanggap. At dahil lang iyon sa kasakiman ng mga Demetrious! Kung tutuusin barya lang para sakanila ang kita ng Restaurant bakit kailangan pa nilang kunin ito. Mga walang puso!

"Hindi ka naman sigurado sa mga narinig mo kaya wag mo muna itong isipin. Kung sakali man na kunin nila ang Restaurant pwede parin naman tayo mag apply sa bagong magmamay ari nito." Pagpapalubag loob kong sagot sa kanya at niyaya na siyang umuwi tutal tapos narin naman ang duty niya.

Pauwi na ako nang maramdaman kong may sumusunod sa akin sa daan.

"Gusto kita."Nabigla ako ng may biglang nagsalita mula sa likuran ko.Tiningnan ko ito at nagulat na lamang ako nang mapagtantong isa siyang Demetrious.

Tumingin ako sa paligid at wala naman akong nakitang kahit na sino doon. Ibig bang sabihin ako ang kanyang tinutukoy?

Tinuro ko pa ang sarili ko para kumpirmahin ang narinig ko mula sa kanya.

"Ikaw ang tinutukoy ko."Pairap na sabi nito.

Damn. Ang haba ng sinabi niya!!!  Caleb Demetrious a 4th year college.  Isang heartthrob at isa sa mga pinaka mayamang pamilya sa buong asia ang nagtapat sa akin?!! Madalas usap usapan ang Demetrious sa school na mayaman at ruthless daw ang mga 'to. They are known being heartless and powerful in their industry.

Tumakbo ako dahil sa pagkabigla.

Ipinilig ko ang ulo ko para hindi ako malunod sa nakaraan ko na matagal ko ng pilit kinakalimutan. Ayoko na. Tama na ang sakit na idinulot niya.

Mag-aalas siyete na nang makauwi ako sa bahay. Nadatnan ko si mama nav nagluluto ng ulam.

"Anong ulam natin ma?" Tanong ko sa kanya

"Sinigang na bangus anak. At wala na rin palang laman ang ref nagbigay sa akin ang ate mo ng limang libo." Sabi niya sa akin. Kinuha ko ang bag ko at inabot sa kanya ang tatlong libo.

To Tame the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon