Page 13

48 3 0
                                    

Natapos na kaming kumain nang magpasya kaming tumayo na. Akmang hahalik na naman siya sa noo ko kaya pasimple akong lumayo.

"Caleb."  Banta ko sa kanya.

"But-- Okay." and shrugged his shoulder.

Bago ako magpaalam sa kanya ay tiningnan ko siya. Pakiramdam ko hindi kami iisa ng isip ko dahil taliwas ang gusto nito sa nais ko.

"I don't want you doing that. It's not appropriate seeing the boss here kissing his employee." I stay firmed.

Tumango nalang siya kahit na bakas sa mukha niya ang disgusto sa winika ko.

"I'm going then."

Hinintay ko siyang makalabas ng restaurant bago ako bumalik sa counter at pinalitan ang iba para makapaglunch din sila. Hindi pa rin sila matigil sa pagtutukso sa akin. Panay ang simangot ko kapag tinutukso nila ako.

"Lately hindi na nagdadala si Sir ng date niya dito. Bakit kaya?" Pagpaparinig ni Chessie habang kausap sina Honey.

Hindi kami nag-uusap ni Chessie dahil na rin siguro sa may kanya-kanya kaming grupo na sinasamahan pero kahit papaano ay civil naman ang pakikitungo namin sa isa't-isa.

"Inggit ka be?" Tukso ni Giorgia.

"Pansamantala lang yan." Kibit balikat ni Ellise na isa sa Cashier.Kaibigan ni Chessie. Pareho kasi silang sa Cashier nakatengga.

"Bakit be gusto mo bang sayo maging sweet si Sir?" Prangkang tanong ni Yana.

Medyo mainit na ang tensyon kaya agad ko silang sinuway.

"Walang namamagitan sa amin ni Sir Caleb kaya please lang, wag natin gawing big deal 'to."I said to pacify them.

"Oh so the cctv isn't working well? I saw you two in the locker room. He kissed you." Seryosong sabat ni Ellise.

"Oh ikaw na ang nagsabi na si Sir ang humalik at hindi siya. He kissed her. In the forehead." Pagtatanggol naman sa akin ni Sir Erwin. Sabay abot nito sa akin ng order dahil kumakain pa sina Dani.

Kinuha ko na ang order at ibinigay ito sa customer. Basta ako sinabi ko na walang namamagitan sa amin. At hindi ko naman siguro obligasyon na ipaliwanag sa kanila ang napanood nila sa cctv. Bahala sila sa kung ano ang iisipin nila basta ako wala akong ginawang masama. Sipsip pa naman ang mga iyon kay Ma'am Lucy kaya hindi na ako umiimik pa.

"Ba't di mo maipagtanggol ang sarili mo ha Yvonne?" Mataray na hamon ni Chessie.

"Why would I explain my side? The last time I check, I'm not obliged to explain anything regarding my personal life."

"Kay Sir kasi kayo makichika!" Pang aasar pa nila.

Palibhasa mga tsismosa.

May time pa na magsusumbong ang mga iyan sa pagiging maingay raw namin nila Sir Erwin. Dahil nga head si Ma'am Lucy ay grabe ang natanggap namin na galit mula sa kanya. Hindi raw kami professional sa larangan na pinasok namin. Mas lalo pa nang si Sir Erwin na ang hinarap nito. Kaya simula noon ay nagkaroon na ng gap sa amin. Pati sina Korina at Lisa ay sumasama sa kanila kaya ipinagkikibit balikat nalang namin ito. Ang mga iba naman ay patas lang ang pakikitungo sa dalawang grupo.

Caleb should stop doing things that makes them think something's fishy.

"You owe us an explaination." Pabulong na sabi ni Sir Erwin. Pati sina Giorgia ay ganoon ang sinasabi kapag nagkakasalubungan kami. Napapailing nalang ako.

Napagod na kami at buti nalang opening ako kaya maaga ang out ko. Nagsimula na akong mag-ayos ng sarili para sa lakad namin mamaya. Naghihilamos ako nang tumabi sa akin si Yana at nag-umpisa ng magdaldal.

To Tame the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon