Page 30

9 0 0
                                    

Nakita ko ang itim na limousine sa harap ng bahay namin kaya agad akong kinabahan. Iwinaksi ko ang ideyang naiisip ko. Dahan dahan ang ginawa kong paglapit sa bahay na tila lahat ng bagay sa paligid ko ay hindi ko mapansin.

"Umalis kana. Baka hindi kita matantiya at makalimutan kong ina ka pala ni Caleb."

Rinig na rinig ko ang pagsigaw ng ina ko dito. Ina ni Caleb? Ibig sabihin ay si Donya Rebecca ang kausap ni mama?

"Why? Because you didn't want him to get mad? Kahit siguro sinong nanay na magustuhan ng anak ko ay ganyan ang gagawin 'wag lang magalit ito. Nagpapakababa kayo sa pera ng anak ko." With that cue I step inside our house.

Nagulat ang ina ko pati ang mga kapatod ko ay parang handa ring labanan ang taong nasa harap nila.

"Ohthe gold digger is finally here." Bulalas ni Agatha na katabi ni Donya Rebecca. Pareho silang nakatayo sa harap ng pamilya ko.

Tinignan ako pataas at pababa ng ina ni Caleb. Habang lumapit ito sa akin. Puno man ng pangamba ay nagpakatatag ako dahil ayoko ng magpatalo sa parehong dahilan.

"You really don't know where to stand hija." She said while she quirked her brow. Her chanel bag is screaming her wealth. The way she stand is perfect.

"Ano po ang kailangan niyo?"

"Straightforward." Tumango tango pang sabi nito. Habang si Agatha ay nakangisi lamang sa akin.

"Stay away from my son." Madiin agad na sabi nito.

"I think Madam you should tell that to Caleb." Sagot ko kahit na ang tingin nito ay halos ikamatay ko sa nerbyos na idinudulot nito.

"Name your price." Sagot nito habang nakangiti sa akin.

Dahil sa insulto na natanggap ko ay hindi agad ako nakasagot rito. Lumunok ako ng ilang beses. Nilabas nito ang cheke mula sa bag nito.

"Walang katumbas na halaga ang pagmamahal ko sa anak niyo Madam. Kaya kung maaari sana ay umalis na kayo." Matapang kong sagot habang tinitigan lamang ang cheke.

"Oh I get it. Mas marami ka palang makukuha kapag pinili mo si Caleb. Ganyan ba talaga ang mahihirap? Gagawin ang lahat para lamang makaangat? Kahit na gamitin mo ang anak ko para magmukha kang mayaman sa mata ng tao ay mananatili kapa rin mahirap sa paningin ko." Nakangiti parin ang Donya habang sinasabi ang bawat pang insultong sinabi niya sa akin.

Pinilit kong huwag umiyak. Hinding hindi ko ipapakitang nasasaktan ako. Wag sa harapa nila.

Rinig na rinig namin ang lakas ng pagsampal ni mama kay Donya Rebecca. Lahat yata kami ay lumaki ang mga mata. Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni mama na walang bakas na takot sa kanyang ginawa.

"Punyeta kang babae ka! Huwag na huwag mong lalaitin ang anak ko. Huwag sa pamamahay ko mismo. Huwag sa harap ko. Ano bang meron sa pera niyo at ipinagmamalaki mo? Dahil kaya  niyong bumili ng isang bayan kung gugustohin niyo?" Sigaw ni mama kaya doon ako biglang bumalik sa ulirat ko.

Tinawag ko ang kambal na parehong nagulat sa ginawa ni mama. Agad naman nilang pinigilan ang ina namin. Baka tumaas ang dugo nito at 'yon ang pinakahuling bagay na gusto kong mangyari.

"Squater attitude." Sabay halakhak nito.

"Bakit anong gusto mong maging reaksyon ng ina ko? Maging masaya dahil inisulto ang anak niya? Kung gaano kaganda ang suot niyo ay ganoon din kapangit ang ugali niyo. Kung gaano kayo kabango ay ganoon din kabaho ang mga ugali niyo. Nakakasulasok ang mga kagaya niyo." Mahabang sinabi ni Mariah na kararating lamang nito.

Pilit na pilit ang ngiti ng Donya dahil sa winika ni Mariah. Inayos pa nito ang tayo nito at hinarap si Mariah. Pero bago pa ito makapagsalita ay si Agatha na ang sumagot dito.

"Oh ang isang disgrasyadang babae." Agatha grinned wickedly. Dahil sa inis ko ay nginitian ko siya ng pagkapait pait.

"Oh! You really did a great research. You're a fan!" Pumapakpak pa ang kapatid kong si Marco dahil tila naestatwa si Mariah sa kinatatayuan niya.

"That's how we work sweetheart."

"Kung hindi ka lang Demetrious iisipin kong isa ka sa mga babae diyan sa kanto" Sabay tawa ni Marshall dito at umapir pa kay Marco na malaki ang ngisi.

Nagulat ang dalawang tao sa harapan namin dahil sa insultong natanggap nila.

"Hindi nakayanan ang kati kaya pati kay Alex nagpakamot." Sabat pa ni Mariah.

"O my god?!" Sabay na bulalas ng dalawa.

"Pumapatol ka rin pala sa mga mababang tao na kagaya namin eh Miss Agatha! So anong pinaglalaban niyo na matandang 'to?" Sabay duro nito sa Donya.

Halatang-halata ang galit sa mukha ng dalawa. Inawat ko naman ang kambal dahil hindi kami dapat tumulad sa kanila.

"Why stop them? I want to hear more nasty words from your family." Seryosong aniya ng Donya.

"Sa tingin ko po ay tama na 'yong mahirap lang kami. Hindi namin hahangarin na magpakababa para lang mapantayan ang ugali niyo." Magalang na may halong pang iinsultong sagot ko.

"You guys will pay for this!" Nanggigil na duro sa amin ni Agatha. Itinaas ni Donya Rebecca ang kamay upang senyasan si Agatha na tumigil na.

"Ikaw ang magiging dahilan ng pagkabagsak ng anak ko. Sa mga hindi niya pag attend ng meeting just to find out that he's with you. Sana huwag mong hintayin na bumagsak ang anak ko bago mo marealise na mas mabuting wala ka sa tabi niya. Dahil ikaw... ikaw ang sisira sa magandang imahe niya." Seryoso parin na sabi sa akin ng Donya. Gusto ko siyang sigawan. Ano bang mali sa akin? Dahil mahirap ako kaya babagsak siya sa industriyang matagal na niyang pinagpapaguran?

"Let's see how far will you go for that love." Nagmartsa na ang dalawa at walang lingon likod na umalis ito.

Sinamaan pa ni Mariah ng tingin ang dalawa. Halos bumagsak ako mabuti nalang at naalalayan agad ako ng kambal. Hindi ko na napigilan ang mapaluha dahil sa naghalo halo na ang galit, sakit, pait at lungkot na nararamdaman ko. Ayoko na!

Pero magpapadala ba ako sa mga pinagsasabi nila?

"Layuan mo na si Caleb ate! Napakasama ng mama niya!" Sigaw ni Marco na galit din

Hinahagod lang ni Mariah ang likod ko. Kinagat ko ng madiin ang pang ibabang labi ko dahil nasa magulong sitwasyon ako. Lumabas na si mama mula sa kwarto na bakas parin ang galit sa mukha niya.

"Kung alam mong tama pa ang ipinaglalaban mo ay lumaban ka. Hindi kita pinag aral para lang tapak tapakan ng iba. Pero kapag masakit na kahit pa alam mong tama ka, tumigil kana." Advise naman ni mama sakin.

"Ate mahalin mo rin ang sarili mo." Seryosong sabi ni Marshall habang nakatingin lang sa pinto kung saan lumabas ang dalawang kpntrabida sa istorya ng buhay ko.

Wala akong masabi at nagtuloy tuloy lang ang pag iyak ko. Ito ang unang beses na nakita nila ako sa ganitong lagay.

Tumakbo ako papubta sa kwarto ko at tinawagan si Isaac at ikinwento ang nang yari.

"Kaya pa ba cupcake?" Tanong nito sakin.

Nagsimula ulit akong humikbi habang nakatakip ng unan ang bibig ko para hindi gaanong malakas ang iyak ko.

"Kaya ko naman eh. Kaya ko basta ako lang ang nasisira at hindi siya." Sagot ko habang patuloy parin sa pag iyak. "Kasi hindi ko kakayanin na makita siya sa ganoong lagay. Hindi ko kakayaning hilahin siya pababa para lang sa pansariling dahilan!... Bakit kasi kailangang magmahal ulit ako sa parehong lalake pa?!" I cried harder.

Naguguluhan ako dahil hindi ko alam kung lalaban ba ako para kay Caleb. Magiging masaya ba kaming dalawa kahit na alam namin na ayaw ako ng pamilya  niya para sa kanya?

To Tame the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon