Page 16

29 3 0
                                    

I don't know what to say from everything that just happened. Umalis din agad si Caleb dahil sa may tumawag sa kanya, halos ayaw niya pang sagutin pero dahil sa narindi ako sa paulit-ulit na pagtunog ng kanyang cellphone ay sinabi kong sagutin niya nalang ito.

I don't know what's the catch between us but I hope it's for the better. If he will just make a lot of effort, maybe "Us" could happen. Pero syempre ayoko rin naman maging ambisyosa. Hindi muna ako papasok bukas. Gusto ko munang magpahinga.

Nababahala lang talaga ako na bakit nagseselos siya? Dalawang taon ng lumipas nang naging malapit kami sa isa't-isa at pilit pinaghiwalay ng tadhana. Paano nalang kung nalaman niya ang talagang nangyari?

I think I should
sleep now or better yet not to think about him. But that's the hardest thing to do for now.

Is he going to visit me again? Are we good already?  Tsk

Sa paglipas ng araw ay ramdam ko na nagiging maayos na ulit kami. May oras na sinusundo niya ako at hinahatid rin pauwi. Hindi naman sa gusto kong mag assume pero sa tingin ko ay parang bumabalik sa dati ang turing namin sa isa't-isa. Nasanay na rin ang mga kasama ko sa trabaho sa aming dalawa. Hindi na ako nakakarinig ng kahit na ano kina Ellise na siya namang ikinatuwa ko dahil sa tingin ko ay pumapabor na sa amin ang tadhana.

"Did I made you wait?" Tanong sa akin ni Caleb na kararating lang dito sa restaurant. Agad naman akong umiling at ngumiti.

"Katatapos lang ng duty ko." Tumango lang ito at kinuha na ang mga gamit ko.

Ganito parati ang eksena dito sa restaurant. Kahit na anong pilit ko sa kanya na ako nalang amg magbibitbit ng bag ko ay parang wala lang siyang naririnig at nagtuloy tuloy lang ito sa paglalakad papunta sa kanyang sasakyan.

Madalas parin akong tingnan ng mga customer ng may halong pagkairita at pagkainggit. Pero sino ba naman ako para magalit sakanila? Caleb Demetrious is really a big catch. That's what people always think.

"This coming saturday all the restaurant staffs is going to have their two days vacation in Villa Grand Resort for free. So we all have 6 days more to prepare for this big event only for us." Masayang balita sa amin ni Ma'am Lucy.

Lahat naman kami ay natuwa. May mga ilan na nag uusap usap na kung saan bibili ng kanilang susuotin. Lumapit agad sa akin si Yana at parang kinikilig na di ko mawari.

"Maybe Sir Caleb planned this for you." Nanggigigil pang komento nito.

"Hindi ko alam dahil wala naman kaming napag uusapan tungkol dito." Sagot ko naman. Dahil 'yon naman talaga ang totoo.

"Maybe he has this surprise for you. Rumirelationship goals kayo ha!" Dagdag pa niya na agad kong sinimangutan.

Relationship goals? Wala naman kaming relasyon paano mangyayari 'yon? tsk. Iwinaksi ko nalang ang nasa isip ko para hindi masira ang araw ko.

Nag umpisa na lang ulit akong magtrabaho pagkatapos ng anunsyo ni Ma'am Lucy. Hanggang sa matapos ang duty ko. Hindi na rin kami sabay umuwi ni Yana dahil kay Caleb. Nag aayos na ako ng gamit ko ng tawag ito.

"Mary"

"Hmmm." Sagot ko naman

"I can't fetch you today. We will be having a meeting 20 mintus from now." Paliwanag nito.

"It's okay. Nag abala ka pang tumawag sana ay nagtext kana lang."

"I just wanna hear your voice. Call me when you get home."

Napangiti naman ako. Kung alam lang ni Caleb kung gaano kalaki ang epekto nito sa akin sa tuwing kausap ko siya.

"I will. Ibaba mo na."

"No you do it."

"Fine. Sige at tatawag din ako kapag nasa bahay na ako. Bye." Para akong kinikiliti habang nagsasalita.

"Good then. Bye I--" Pinutol ko na ang tawag para hindi ko na siya maistorbo pa.

Nagpaalam na ako sa mga kasama ko at umuwi pati si Yana ay hindi nakasabay dahil balita ko ay may sumusundo rin sa kanya.

Napag isipan kong pumunta sa mall para tumingin ng gagamitin sa Saturday. Villa grand resort is one heck of a place so I'm really excited. May dalawang pares ng bikini na agad kong nagustuhan kaya binili ko agad ito. Minsan lang naman ak gumastos kaya ayos lang Pumunta pa ako sa department store para  tumingin ng mga ilang damit para sa kambal at kay mama kaya medyo natagalan din ako. Binilhan ko naman si Mariah ng faded highwaist short dahil sa mahilig siya sa mga ito. Hindi ko naman maatim na bumili ng gamit na para sa sarili ko lang kaya parating ganito ang ginagawa ko.

Napansin ko naman ang isang relo sa department store. This watch catch my attention. May pagkahawig sila ng relo ko parehong black ang kulay mas mahal nga lang itong tinitingnan ko. Siya agad ang una kong naisip na bigyan nito kaya binili ko kaagad kahit na may pagka mahal minsan lang naman eh.

Nang sinilip ko ang relo ko ay doon ko lang napagtanto na syete y medya na pala. Kaya agad akong nagmadaling lisanin ang mall. Siguradong hinahanap na ako ni mama. Knowing her she knows our schedule.

Naglalakad na ako papasok sa gate ng mahagip agad ng mata ko ang sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay. Shit! Sasakyan ni Caleb 'yon ah?

I rummage my bag and look for my phone. O my.

22 missed calls and 12 messages. And all of this are from Caleb asking me if I'm home or where the hell I am and why I'm not answering his fucking calls. Those curses. Patay.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at agad-agad naman akong nilapitan ni Caleb.

"Where the hell did you go Mary?!"

"I went to mall and--"

"Ng hindi ka nagpapaalam?!" Singit naman ni Mama.

"Because I--"

"You didn't even bother to message me?" Halatang may galit sa tono ng pananalita ni Caleb.

"Kasi nga ganito--"

"Hindi na 'to uwi ng isang matinong babae!" Sigaw naman ng isa sa kambal.

Wait what did I missed? Pinagtutulungan ba nila ako?

"Let me explain first and don't you dare to butt in!" Sigaw ko ng mahimasmasan silang lahat. Ni hindi man lang sila natinag at tiningnan pa nila ako ng masama!

"I went to mall! Bumili ako ng gamit ko at gamit niyo!" Ipinakita ko pa ang mga dala kong plastics like showing my proofs. Agad naman kinuha ng kambal ang dala ko. "Hindi ko namalayan ang oras tapos nakasilent 'yong phone ko kaya di ako nakasagot ng mga tawag at messages mo." Sabay tingin ko naman kay Caleb na bahagyang nakasimangot.

"What?" Untag ko dito.

"Tsk."

"I told you. Pumunta ako sa mall para bumili ng gamit---"

"What about me?" Putol niya sa sasabihin ko.

"Anong what about you ka diyan?" Painosente kong tanong

"Walang para sa'kin?!" Medyo namumula na ang mukha niya pagkatapos nitong sabihin.

Gusto kong tumawa ng malakas tutal kami nalang ang nandito sa sala.  Hindi ko siya pinansin kaya umalis ito sa harapan ko at pumunta kina mama.

"I'm leaving now." Pukaw niya sa akin. Tumingin naman ako dito at inismiran lang ako.

Hinatid ko siya sa labas habang nakasimangot parin siya sa akin ni hindi man lang niya ako tinitingnan.

"Pumasok kana. I'm going now" Utos niya sakin pagkatapos ay binuhay niya ang makina.

"Wait!" pigil ko dito at iniabot ang relo na binili ko.

"Hindi yan kasing mahal ng mga gamit mo pero okay naman." Sabi ko pa. Binuksan niya agad 'yong box at tumingin sakin at sa relong gamit ko at bumalik ulit sa box ang tingin niya.

"I love it. Thank you Mary" Ngumiti ito at ngumiti din ako saka kumaway na dito.

To Tame the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon