Page 7

28 3 0
                                    

Maraming customers ang restaurant dahil linggo ngayon kaya masyadong busy ang lahat. Mag iisang linggo na rin simula noong nalasing ako ng sobra. Puro kantyaw ang inabot ko sa mga kasama ko nang pumasok ako. Tinawanan ko lang sila. Yun siguro ang way nila para hindi ako makaramdam ng hiya and I'm glad for that.

Ilang beses na kaming nagreretouch dahil kahit malakas ang aircon hindi parin namin maiwasan ang pagpawisan dahil sa dami ng order. Hindi naman kami pwedeng humarap sa customers na may pawis kaya binibigyan kami ng pagkakataon na magretouch ng mabilis bago mag serve.

"Toxic day." Bungad sa amin ni honey.

"Oo nga but atleast its for good." sagot ko dito.

"Tiyak na matutuwa ang mga manager.." sabat naman ni Yana. Sumang ayon agad sila Giorgia dito.

Hindi na ako nakapagsalita dahil paparating na naman ang delubyo sa buhay ko na may bitbit na ibang babae.

"Look at them caleb! You're people are talking while at work" Reklamo agad ng maarteng babae na kasama niya. Kulang yata sila sa tela dahil halos kita na ang lahat sa kanya.

Hindi naman siya pinansin ni Caleb imbes ay inutusan niya kami na ipaghanda sila ng pagkain na agad naman namin sinunod.

Giorgia's mimicking what the girl said and we laugh out loud.

Nagulat kaming lahat nang sumulpot ang babae sa kung saan man siya nanggaling.

"Are you having fun imitating me bitch?!" Sasampalin na sana niya si Giorgia nang dumating si Caleb at inawat ito.

Ibinaling ko sa iba ang tingin ko. Ayoko silang makitang malapit sa isa't-isa. Nasusuklam ako. Patuloy sa pagrereklamo yung babae at napapairap nalang ako habang ang mga kasama ko ay nakayuko maging si Yana.

I don't want to bow my head! Hindi ko alam kung bakit nagmamatigas ako.

"Stop it Arriane! You're not making any sense!" Sigaw ni Caleb dito siguro nagsawa sa kakatalak ng isa.

Umalis na ako at iniwan silang lahat sa loob ng counter. Wala akong paki kung pagalitan ako mamaya sa kawalan ng galang ko. I just couldn't take the scene inside.

But Caleb followed me and called my name.

" Yes sir?" Tiningnan ko siya habang tinatago ko ang emosyon ko. Sigurado akong wala siyang mababakas na kahit ano kahit pa tingnan niya ang mata ko.

Mag iisang buwan na mula noong sila na ang may ari ng restaurant kaya hindi na ako nauutal kapag kaharap siya. Mahirap man gawin pero tinuruan ko ang sarili ko na idiscard ang weak emotions na pwede niyang makita sa akin that's where I'm expert though.

"What you did is improper! You can't just go out there without telling us you're leaving!" Nagpanting ang tainga ko sa mga narinig!

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo sa akin sir? Of all people?! Ikaw pa ang may ganang magsabi niyan sa akin sir ?!" sagot ko naman. Parang may nagtutulak sa akin na sigawan siya!

Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng galit dahil sa sinabi niya!

"We're in the present now Mary and what pas----"

"Don't" Pigil ko sa sasabihin niya.

Huminga ako ng malalim para magtimpi. I don't want to explode. Not now.

"Okay I'm sorry sir for leaving there but I have to attend to the customers who needs our service and I assume that its okay to you" Paghihingi ko ng tawad para matapos na.

Hindi ko pa kayang pag usapan ang mga bagay bagay patungkol sa nakaraan.

Bubuka pa sana ang bibig niya kaso tumango nalang ito.

Tumalikod naman ako nang bigla akong binangga ng kasamang babae ni Caleb kaya na out balance naman ako!

This day isn't my day.

Pumikit nalang ako naghihintay na lumapat ang katawan ko sa sahig pero may humawak sa baywang ko para masuportahan ang pagtayo ko.

" You fucking get out to my place now Arrianne! " Sigaw ni caleb habang inaalalayan akong tumayo.

"What the fuck?! You ask me to come with you and now you want me to leave?!" Sagot naman ni Arriane

" I can't tolerate your bitchy attitude here so just leave!" Sagot ni Caleb na pati ako sa tabi niya ay nakaramdam ng takot!

"I didn't do it on purpose why she out balanced!" Depensa pa ng babae.

"Listen to me Arrianne! No one cross my line but if you fucking dare me then you're dead" He angrily said.

Inalalayan niya na akong pumunta sa loob ng counter. Medyo mali kasi ang pagkakapwesto ng right foot ko kaya kahit nasalo niya ako ay nasaktan parin ako.

"I can't believe this!" Sigaw ni Arriane at nagwalk out.

"You shouldn't did that to her" Malumanay na umpisa ko kay Caleb bago niya ako iniupo.

Nanlalaki naman ang mga mata ng kasama ko sa trabaho sa ginawa ni Caleb. Halatang nagtataka sila dahil pinaalis niya ang date niya and not the other way around. He chose to stay here and take care with my foot rather than chasing his girl.

Why I feel happy when he indirectly chose me?

"But what she did is not good. She intentionally bumps you!" Tila nagagalit parin sa nangyari.

Tumahimik lang ako.

"You could have say thank you. You know." Dagdag pa niya.

I didn't say anything again. Sinesenyasan ako nila Yana pero hindi ko naman sila maintindihan.

Hindi na ako pinag trabaho ni Caleb hindi na ako umapela dahil baka mag away na naman kami. Pinupukol parin ako ng mga kasama ko ng nagtatakang tingin hindi sila makapagtanong sa akin kasi nasa gilid lang si caleb na nakaharap sa laptop niya. Bumaling naman ang tingin niya sa akin kaya tinakpan ko na naman ang emosyon ko.

"You okay? You want something?" Tanong niya sa akin.

Napakunot noo ako dahil s tinuran niya pero umiling nalang ako bilang sagot sa tanong niya. Pagod na akong mag isip.

Malapit ng magclose ang restaurant pero nandito parin ako nakaupo. Caleb keep saying to me that I should go home so I could rest and that he could give me a drive but I declined his offer. Medyo humupa narin naman ang sakit ng paa ko kaya pwede na akong umuwing mag isa kaso mas pinili kong hintayin sina Yana dahil yun ang sinesenyas niya kanina habang sinasabihan ako ni Caleb na umuwi na.

Nagliligpit na ang naka assign sa kitchen nang tumabi sa akin sina Yana.

" Next week night out na naman tayo Yvonne ha! Malay mo makahanap ka ng forever doon!" Yaya ulit sa akin ni yana.

"Sige titingnan ko kung pwede ako. Alam mo naman na pinagalitan ako ni Isaac noon." Sagot ko dito. Naikwento ko kasi  sakanya pati ang pagsesermon ni Isaac sa akin.

Nagulat nalang kami nang biglang isara ng malakas ni Caleb ang Laptop niya.

"Anong problema sir?" Tanong ni Sir Erwin sa kanya na agad siyang dinaluhan. Tumingin lang siya ng masama sa akin.

"I broke it." Mariin nitong sagot habang sa akin parin nakatingin.

Ano bang nagawa kong mali? Iniiwasan ko na nga na mag usap kami para maiwasan ang sagutan sa aming dalawa tapos heto siya at titingin sa akin na parang papatay ng tao.

"May kakilala ako na pwedeng pwede sayo Yvonne tutal forever pala ang hanap mo!
At dahil ikaw nalang ang single dito hahanapan ka namin next week if the first one failed so wear your best!" Excited din na tugon sa akin ni Giorgia na bumungad sa amin.

Hindi niya nakita ang pagbagsak ng laptop ni Caleb dahil lumabas ito saglit. Kaya naman sabay sabay kaming tumingin sa kanya habang ito naman ay nagtataka.

Bumagsak ang baso sa lamesa ni Caleb. Galit ba siya? Ano bang nangyayari sa kanya?

"Before you make your chitchat there make sure your work is done!" Sigaw niya na kitang kita ang pamumula ng mukha niya. Galit nga talaga siya

He left and he slammed the door hard.

Mababakas naman ang takot sa mukha ng mga kasama ko mula dito.

To Tame the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon