Page 3

36 3 0
                                    

Gusto kong mapamura dahil late na ako sa trabaho. Ni hindi ako nakapag dinner kagabi dahil nakatulog na ako. I grab the sandwich then went out in our house mabuti nalang at may taxi agad kaya hindi ko na kailangan pang maghintay.

Ilang beses na akong ganito simula noong bago na ang boss namin. Baka mamaya ma disappoint sila sa akin. Pinakiusapan ko si manong driver na pakibilisan naman dahil malilate na ako at agad agad naman nitong pinaharurot hanggang makarating kami sa restaurant nagpasalamat ako at nagbayad na.

Naabutan ko silang binubuksan na ang restaurant nagmadali agad akong pumasok at binati ko agad sila may napansin akong nakaupo sa sulok at nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo pupuntahan ko sana kaso kailangan ko munang mag ayos para maging presentable naman ako pag humarap sa customer.

Nag ayos na ako at nagsimula na sa trabaho. Inutusan ako ni Sir Erwin na iabot sa unang customer namin ang kape na inorder niya. Hindi ko talaga naintindihan ang unang sinabi ni Sir Erwin tango lang ako ng tango at pumunta na.

"Good morning Sir! Here's your order." Bati ko sa customer na busy parin sa pagbabasa ng dyaryo kaya di ko mahagip ang mukha niya.

"Good morning to you too Mary" Lumakas bigla ang tibok ng puso ko pagkarinig ng boses na yun. Isa lang ang tumatawag sa akin ng Mary. Unti unti nitong ibinaba ang dyaryo na hawak niya at sumalubong sa akin ang mga dark brown niyang mata.

"Sir Caleb here are the reports you're looking for." Biglang sulpot ni Sir Erwin habang inaabot dito ang mga papeles.

Hindi parin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Gustong kong maglakad paalis pero hindi ko magawa. Napansin ni Sir Erwin ang pagkakaestatwa ko kaya naman napaatras ulit ako at nagpaalam na sakanila.

"Stay here."

"Sir may ga-gawin pa po kasi a-ko." Nauutal na sagot ko.

"I own this place Mary. If I said you stay here. You fucking stay here." Mariin ang bawat salitang binigkas nito. Kaya wala akong nagawa kundi tumayo na lamang sa tabi ni Sir Erwin na naguguluhan sa mga nangyayare.

"You can go now Mr. Flores" Utos pa nito kay sir erwin agad namang tumalima ang huli.

I composed myself at nanatili akong nakatayo sa gilid ng lamesa na nasa harap niya.

Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa habang ako naman ay tahimik na nakatayo. Ayoko siyang tingnan dahil natatakot ako na baka hindi ko kayanin ang tensyon na nararamdaman ko.

Tinitingnan ako ng mga kasama ko na may halong pagtataka. Siguro iniisip nila kung bakit nandito parin ako at nakatayo. Tumuwid ako at pinipilit maging kumportable ang sitwasyon kahit na ang puso ko ay parang lalabas na sa bilis ng tibok nito.

Why my heart felt like this?

Naramdaman ko na naman ang kakaibang pagtibok ng puso ko na si Caleb lang ang nakakagawa.

"Mary" Tawag nito sa akin.

Nanginginig man ay lumingon parin ako sakanya.

"Y-yes Sir?"

"I'm not going to bite you so don't be scared."Natural lang ang pagkakasabi nito.

"I'm not scared Sir. Just call me Yvonne Sir." Diretsong sagot ko

"Why? I used to call you that so why would I change?" sabay ngisi nito sa akin.

Hindi nalang ako sumagot dahil sa hindi ko rin naman alam ang isasagot ko.

"Kung wala na kayong iuutos ay tutulong na ako sa iba Sir mas kailangan nila ako." Matapang na sinabi kong muli

"I just want you to stay with me but you always failed me." Sagot nito at umalis na.

Nanghihina akong umupo at pilit na kinakalma ang sarili ko. Ano bang ibig sabihin niya? Bakit pa siya nagpakita sa akin? Nag excuse ako at pumunta sa Comfort room para tawagan si Isaac.

"Hello Mary" Bati nito agad sa akin.

"Don't call me that Isaac!" Naiinis kong sagot sa kanya.

"Napatawag ka cupcake?" pag iiba nito. Kahit kailan hilig niya parin akong tawagin na cupcake. Nakakasura!

Isaac is my bestfriend ever since. Kababata namin siya nila ate at mas komportable ako sa kanya dahil siya lang naman ang pinag sasabihan ko ng lahat kahit si yana ay diko kinekwentuhan ng nakaraan ko. Sa kanya ko lang talaga nasasabi ang saloobin ko.

"Isaac he's b-back" Nanginginig ako habang kinakausap siya.

"So? You told me you're over him"

"I d-don't know Isaac"

"Paano kayo nagkita?" Tanong nito.

Doon ko kinwento sa kanya na siya na ang bagong may ari ng Restaurant.

"That's weird. You know cupcake hindi sila bumibili ng Restaurant lang. I mean yung isang branch lang. Kapag bumibili sila they want it big companies rather than small business." Pagpapaliwanag nito sa akin.

Sinagot ko siya ng hindi ko alam at naguguluhan ako sinabi naman niyang dadalawin niya ako minsan pag hindi na hectic ang schedule niya pumayag naman ako dahil nga namimiss ko na rin siya its been a months since we last saw each other.

Bumalik na ako sa counter para magtrabaho.

"Bakla bakit ganoon nalang ang moment niyo kanina ni Sir Caleb huh!" Pag iintriga sa akin ni Sir Erwin.

"Wala iyon Sir. Dati lang kaming magkakilala school mate kami kaya kilala niya ako." Sagot ko nalang

"Sus! Pa showbiz kapa!" Pang aasar naman nila Giorgia.

"Oo nga! Naku nakita mo sana kung paano ka tingnan ni sir bago siya umalis!" Dagdag pa ni Yana. Ngumiti nalang ako at umiling.

"Hindi nga? Parang may iba talaga beh!"

Sinagot ko nalang sila ng ngiti at pumunta agad sa bagong dating na customer ganoon din ang ginawa ng iba.

Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtatrabaho. Madalas ako ang kumukuha ng order nila at nag seserve na rin para maiwasan ang mga tanong nila sa'kin.

"May lakad ka ba ngayon Yvonne?" Hyper na tanong sa akin ni Yana.

"Wala naman bakit?" Sagot ko sa kanya.

"Manlilibre kasi sila Sir Erwin sa Class A! Tara sama tayo!" Pumapalakpak pa ito habang niyaya ako.

"Sige matagal na rin naman noong huli tayong nagbar" Pagsasang ayon ko sa kanya.

"This will be great I think!" tuwang tuwa talaga ito.

Nagpaalam na ako sa kanya na mauuna na at hindi na siya aantayin. Sinabihan naman niya ako na 10pm kami magkikita kita sa labas ng bar. Pumayag naman ako sa kanila kaya nagpaalam na ako.

I feel so disappointed about my actions awhile back. Stutterings, nervous and shivers I felt. I feel so ashamed! That's not what I planned! This is so frustrating! What happened is annoying! What if he thinks I'm still the old Mary Yvonne he knew?! Nakakainis.

I'm trying myself not to look at him and fortunately I did. I was restraining myself to hug him coz in the first place why I feel the wants in me to hug him tight? It is so wrong but why it felt so right?!

On the second thought I want to reward myself because I didn't faint.

Apat na taon na at nandito parin yung galit na nararamdaman ko para sa kanya. Bakit kailangan magkita pa kami? Is destiny playing its game again? Why me? I already had so much pain I don't think if I can survive another heartache again.

How I wish Isaac is here. I don't know if I was capable of coping up before if it weren't him I was with. Isaac is my childhood friends, we parted when he decided to live with her fiancee.

I sighed with the thought that I don't have someone to tell my frustrations and it saddens me.

To Tame the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon