Page 2

49 3 0
                                    

Bago mag alas nuebe ay nandito na ako sa Restaurant. Palagi akong maaga dahil sa nakasanayan ko narin.Itinali ko na ang buhok ko at naglagay na rin ng light make up para maging presentable ako.

"Good morning early bird!" Bati sa akin ni Adan. Isa sa mga kasamahan ko.

"Good morning din"

"Nga pala Yvonne mamayang tanghali dadating ang mga Demetrious para i announce na sila na ang bagong may ari dito." Kinabahan ako sa ibinalita niya.

"Hindi pa ba sinabi ni Sir Erwin sayo na Demetrious na ang bagong may ari ng Restaurant?" Pahabol pa nito.

"Sir Erwin didn't inform me about this."

"Marahil wala kana kahapon nung pinag usapan namin ito. "

Hinila nga pala ako ni yana kahapon at agad kaming dumiretso na pauwi nang hindi hinihintay ang iba pa naming kasama.

"Umuwi na kasi kami agad ni yana kahapon. Nagmamadali kasi ako." Pagdadahilan ko nalang.

So Demetrious will take over the Restaurant huh.

"Sino raw ang pupunta?" Tanong ko pa sakanya

"Yan ang hindi pa nasabi ni sir." Sagot nito.

"Astig talaga ang Demetrious 'no? Parang isang pitik lang nila makukuha na agad nila ang magustuhan nila." Namamangha pa nitong dagdag bago nag paalam.

Nanghihina akong tumitig sa salamin. Habang unti unting dumadaloy ang ala ala ng kahapon.

Nanghihina akong pumasok sa room dahil na rin sa nangyari.

"Uy gaga hindi mo sinabing close pala kayo ni Caleb! Gosh si Caleb yun eh!"Maarteng saad ni Edward
Hindi nalang ako nagsalita dahil kahit ako man ay hindi ko alam.

"Baka naman inakit niya si Caleb"

"Akala mo kung simple"

"Gaga yan ang tinatawag na simpleng malandi!"

Sa dami ng mga nagsasalita hindi ko alam kung sino ang haharapin ko sa kanila.

Wala pa ngang date na nangyayare may basher na kaagad ako.

Pinilit kong aliwin ang sarili ko upang di mapansin ang pag patak ng oras.

"Sir I'm sorry to interrupt your lessons but I'm here to take Ms. Santos for our date."

That voice again. Ang gusto ko na lamang  sa ngayon ay lamunin ng lupa para sa kahihiyan na aking nararamdaman ngayon. Pakiramdam ko lahat ng mata dito ay sa akin nakatingin.

"Yes of course you may" Walang pag aalinlangang sagot ng Prof namin. Sino ba ang makakatanggi sa anak ng makapangyarihang tao. Wala.

Tumayo na lamang ako at nag excuse para maiwasan narin ang mapanghusgang tingin na iginagawad nila sa akin.

"Sa pagkakaalam ko Mr. Demetrious ay hindi tayo close at hindi rin tayo magkakilala. Hindi rin ako pumayag sa nais mong mangyari." Diretsahan kong sinabe sa kanya habang sinusundan siya sa kung saan man siya pupunta.

"I know you. And I don't need your permission."

"Ibalik mo na ako. Magkakaroon pa ng gulo pag nagtuloy tuloy ito."

"You're expecting more after this huh."

Agad naman akong pinamulahan sa naging sagot niya.

"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita tinatawag ngunit dika sumasagot." Tawag pansin sa akin ni Yana.

"Pasensiya na. Tara na at magsisimula na ang trabaho natin." Yaya ko sa kanya.

To Tame the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon