Page 14

54 3 0
                                    

Days went fast. Still no sign of Caleb. Dapat hindi na ako nagtataka dahil ganoon naman talaga siya pagkatapos magpakita ng motibo ay bigla nalang mawawala na parang bula. Simula nang napag-usapan namin nina Yana ang tungkol sa naging relasyon namin noon ni Caleb ay araw-araw kong iniisip ang sinabi ni Lyka.

Naguguluhan ako sa mga inaakto ni Caleb ng mga nakaraang araw. I don't have anything to do with him anymore. We're done even if there's no an us. Parang ang bilis ng mga nangyari sa amin. But if I want to know the truth behind all of those shits we've been through, I have to stick with Caleb.

"Iba talaga kapag kapit mo ang boss 'no? Pwede kang tumunganga everytime you want." Pagpaparinig sa akin Chessie. Pinigilan ko ang sarili kong sumbatan siya dahil sa alam kong mali ako.

Hindi ko namalayan na matagal na akong nakatayo dito habang nag-iisip. Hindi ko nalang siya pinansin at nag-umpisa ng magtrabaho.

Humarap ako sa may main door nang makita ko si Caleb na papasok sa restaurant habang may kausap sa cellphone. Naka coat and tie siya kaya  baka galing siya sa trabaho mga alas dos na kasi.

Dinaanan niya lang ako habang kausap ang nasa kabilang linya. Umupo siya sa bandang sulok pagkatapos ay iniabot naman sa kanya ng driver niya ang laptop na gagamitin nito. Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang kinukuha ang order ng customer pero ni minsan ay hindi niya ako binigyang pansin na para bang hindi ako nag-eexist.

Why? What are you up to now?

Pumunta ako sa counter para iabot ang order.

"Sawa na yata siya sayo Yvonne? Ni tingnan ka ay di niya magawa." Pang aasar sa akin ni Ellise.
Narinig nila Giorgia ang sinabi niya at tiningnan nila ako na parang nagtatanong din.

"Sino ba ang nagsabi na may relasyon sila? Wala di ba? Kasalanan niyo kasi nag assume kayo." Pagtatanggol naman ni Honey sa akin. Buti nalang wala si Yana dahil baka mas malala pa ang masabi niya.

Tumawa lang ang dalawa na mas lalong  nakainsulto sa akin.

"Natapos na ba siya sayo?" Pang iinsulto pa nila Lisa sa akin.

"Bakit gusto niyo rin ba siyang tikman?" Balik na tanong ko sa kanila na ikinagulat nilang lahat.

Kinuha ko na ang order na iniabot sa akin ni Adan. Hindi na ako muling sumulyap sa pwesto niya kahit na noong nagpasya itong umalis ay wala akong imik. Pati sina Yana ay hindi ko pinapansin. Nang magawi ulit ako sa counter ay nagtatawanan na naman ang dalawang cashier.

"Masakit ba?" Chessie said while grinning.

"Mas masakit ang hanggang tingin lang." Sagot ko sa kanya at ngumiti pa rito.

"How dare you!"

"Dare me.." Seryoso ko siyang tiningnan na kapag nagsalita pa siya ay talagang ikatutumba niya. Kanina pa ako nagtitimpi pero kapag siya hindi pa tumigil ay hindi ko talaga siya aatrasan. Nag-iwas siya ng tingin ng makita niyang seryoso ako.

Nagngingitngit ang kalooban ko sa galit. Napahiya ako sa mga kasamahan ko sa trabaho at dahil 'yon kay Caleb! Nagpakita siya ng motibo na gusto niya ako at iyon naman ang nasa isip ng mga kasama ko tapos biglang wala na. Hindi niya na ako kilala. Pinaglalaruan niya ba ako gaya ng sinabi ni Isaac?

Pagkatapos ng trabaho ay umuwi na ako agad. Nagpaalam na ako sa mga kasama ko. Napansin siguro ni Yana na gusto kong mapag-isa kaya hindi na rin ito nagpumilit pa na hintayin ko siya. Pag-uwi ko sa bahay ay umakyat agad ako at natulog.

Ilang araw din na ganoon ang eksena sa restaurant. Pupunta doon si Caleb at hindi mamamansin.Iinisin naman ako nina Chessie na siyang nagpapasira sa araw ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makausap nila Yana ng matino. Tatlong araw na hindi ko alam ang nangyari kung bakit biglang hindi ako pinansin ni Caleb. Ganunpaman ay nagpanggap ako na parang wala lang. Na kahit hindi niya ako pansinin ay ayos lang.

"Tingnan niyo si sir Caleb. Ganyan ang tipo niya. Artistahin." Biglang sabi ni Lisa sa amin. Alam kong sa akin niya lang gustong iparating.

"Kaya pala biglang tumabang sa'yo kasi may modelo pala siyang sinusuyo." Dagdag pa sa pang-iinsulto sa akin ni Ellise

"Kaunti nalang ang pasensya ko sa inyo. Kung itutuloy niyo pa ang pagtsitsismisan diyan, ngayon palang pwede na kayong umalis." Banta ni Sir Erwin sa kanila na siyang nagpatahimik sa dalawa.

"Hindi kailangan ng restaurant na ito ang tsismosang kagaya niyo." Dagdag pa ni Sir.

"Sorry Sir."

"Kay Yvonne kayo mag sorry. Para kayong walang pinag-aralan." He said and went to the kitchen.

Yumuko lang ang dalawa sa prangkang sinabi ng mas mataas sa kanila. Tiningnan sila nila Giorgia ng mapang asar na tingin at saka tumawa naman si Yana.

"Anong pakiramdam ng mapahiya? Bilis ng karma 'no?" Sabi pa ni Yana. Umalis na ako doon at sinimulang magtrabaho ulit. Ayokong marinig ang argumento nilang dalawa.

Hindi pwedeng ako parati ang naiiwan. Hindi pwedeng ako parati ang tinatakbuhan. I don't deserve that kind of treatment from him. I should settle for the best.

I'm tired of being left alone.

"Are you okay? Tulala ka na naman." Nag aalalang tanong sa akin ni Yana. Sinundan niya pala ako.

"Yes."I said and beamed.

I have to be okay.

"Mamaya nalang baka makita pa tayo ni Ma'am Lucy." Saad ko ng nakangiti pa rin.

I think I should smile more often para kahit nasasaktan ako ay hindi ako mahihirapang ngumiti. Hindi ko pwedeng ipakita kay Caleb na naaapektuhan ako.Napansin ko na nahihirapan si Honey na kausapin ang kasama ni Caleb kaya pinuntahan ko sila ng date niya para asikasuhin at ipakitang ayos lang sa akin kahit magdala pa siya ng ilang babae dito.

Ngumiti ako kay Honey para malaman niyang ayos lang ako. Tumayo ako sa tabi niya habang ang kasama ni Caleb ay patuloy ang pagsipat sa menu. Maganda ang kasama niya na sa tingin ko ay may halong banyaga. Kung tutuosin ay pang Ms. Universe ang dala niya ngayon. Tumingin ako kay Caleb na matamang nakatitig sa akin. Nginitian ko siya at medyo yumuko sa kanila. Tinulungan ko ang date niya na maghanap ng pagkain na pwede sa diet niya at agad naman  kaming nagkasundo. Nagpasalamat pa ang babae at ngumiti naman ako sakanya at nagpasalamat din.

"Ikaw na ang magbigay sa kanila ng order at tutulong pa ako kina Yana." Bilin ko sa kasama ko.

"Hanep ka be! Paano mo nagawang ngumiti sa harap ni Sir na parang wala lang?" Bulong niya sa akin.

"Sinabi ko kasi sa inyong magkakilala lang kami." Sagot ko.

Umismid lang ito sa sagot ko atsaka dumiretso sa counter. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil saksi sila kung gaano naging kasweet sa akin si Caleb noon. Napabuntong hininga ako na naman ako.

Ngumiti ulit ako sa kabila ng lungkot na nadarama ko. Nakapag out na ako pero heto parin ako lutang. Umuwi nalang ulit ako at hindi na sumama pa sa gimik nila. Kahit sa bahay ay nanatili akong tahimik. Pumunta na ako sa kwarto nang matapos akong kumain. Binuksan ko ang facebook ko para magpalipas ng oras. Hanggang sa napunta ako sa profile ni Caleb. Wala man lang siyang post puro mga nakatag lang sa kanya ang laman ng timeline niya.

I feel so hopeless.

To Tame the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon