† Kabanata 26 †

En başından başla
                                    

"Waaaah! Impakta kang babae ka! Humanda ka!"Galit na sigaw sa'kin nung isa kong classmate na babae at tumakbo papalapit sa'kin, pero bago palang ito makalapit sa'kin ay humarang na si Sir Edward sa harapan ko.  Nakatalikod ito sakin.

"Ayoko ng gulo sa oras ng klase ko."Matalim na sabi ni Sir sa kanya.

Napaatras yung classmate kong babae. Humarap sa'kin si Sir na seryoso ang mukha.

"Ikaw.Ayusin mo 'tong gulong ginawa mo."Napalunok ako dahil sa takot.

Te-teka! Tama lang naman ang ginawa ko kay Yoshio!

"Tsk! Hinipuan ako ni Yoshio! Pinarusahan ko lang siya! Langhiya naman Sir, ako hinipuan eh!"Pangangatwiran ko.

Dapat lang sa kanya 'yan! Naku. wag na sana siyang magising!

"Manahimik ka." Napasinghap ako.

What the! Takteng teacher to!

"Wala 'kong pakealam kung anu man ang ginawa niya sayo. Ngayon, ikaw ang magCPR sa kanya."

 

 

"A...Ano?!!! Pe-"

 

 

"Wait Sir! Ako nalang ang gagawa mukang ayaw naman niya!"Pagvvolunteer nung classmate kong babae na kanina ay susugod sana sakin.

Tss. Oo ikaw nalang!

"Tumigil ka, di ikaw ang kausap ko."Sabi ni Sir. Muli siyang tumingin sa'kin.

 

"Guro mo 'ko kaya gawin mo ang inuutos ko!"Napaatras ako ng sigawan niya ko.

Napayukom ako. Walanghiyang teacher 'to! Sarap sapakin.

"Bilisan mo!"Muli niyang bulyaw na dahilan para mapatakbo ako papalapit sa walang malay na si Yoshio. Obvious naman na wala na akong nagawa.

Ang tatalim ng tingin sa'kin ng mga classmate ko. Bwiset kayo! Palibhasa pare-parehas kayong mga manyak kaya hindi niyo nararamdaman ang nararamdaman ko.

Takte! Nasa'n ang hustisya?!

Ako na binastos , sa'kin parin ang sisi!

Nang makalapit na ako sa hayop na'to ay itinukod ko na ang mga tuhod ko sa marmol para makapwesto ng maayos.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin