Chapter Twenty-Nine

Start from the beginning
                                        

"What do you want to ask?!" Paasik niyang tanong.

"Nakita mo ba ang cellphone ko? In any case nahulog ba sa kotse o nasa sa 'yo?"

Tinaasan niya ito ng kanang kilay. Napailing-iling siya. "Ano naman ang gagawin ko sa cellphone mo?" Tanong niya.

HIndi ito nakapagsalita. "Baka sa loob ng kotse mo. Baka nandodoon."

"Then look for it," he said then give him the key.

Agad naman nitong kinuha ang susi sa kanya saka lumabas para tunguhin ang kinapaparadahan ng kotse.

Nang mawala sa harapan niya si Hyde, hindi mapigilan ni Devin ang mapangiti ng nakakaloko. "Look for it, Hyde. Let see if you can still find it."

MALUHA-LUHA SI Hyde habang patuloy na hinahanap ang cellphone sa loob ng kotse ni Devin. Ilang ulit na siyang naghahanap at pang-limang beses na niya iyon. Hinalughog niya ang bawat ilalim at sulok ng sasakyan ngunit bigo siya na mahanap iyon. Even he knew that he was looking for the thing that he don't find, he still keep looking for it. Hindi siya pwedeng mawalan ng loob. Kailangan niyang hanapin ang cellphone dahil iyon ang tanging komunikasyon niya kay Jake.

Nang maisip si Jake hindi naman niya mapigilan ang maluha. Halos maiyak na siya sa kawalan ng pag-asa na mahahanap iyon pero hindi siya pwedeng sumuko. He already broke the promise  to him and keep Jake worrying for him is a big no-no. Natatakot at nag-aalala siya sa anumang bagay na pwedeng magawa ng nobyo niya. Kilala niya ito. Once that a promise never fulfill he will do things without thinking thoroughly to it. Natatakot siya na baka anumang oras ay pumunta ito sa kinaroroonan niya para hanapin siya. Nag-aalala rin siya sa pwedeng mangyari sa kanilang tatlo kapag nagharap sila. Hindi pwedeng mangyari iyon dahil hindi niya alam kung saan siya pupulutin kung sakali.

Nanghihinang napaupo siya sa passenger seat. Hindi niya rin mapigilan ang sarili na muling maiyak sa mga naiisip. He was full of anxiousness at the moment. Kailangan niyang timbangin ang mga pangyayari kanina. Kailangan niyang mahanap ang cellphone niya kahit na anuman ang mangyari.

One thing is resorting him to a thing and that was to ask Devin in a careful manner, again. Ayaw man niyang pag-isipan ito ng masama hindi naman niya mapigilan ang sarili. Ito lang naman ang kasama niya sa loob ng sasakyan. After thinking painstakingly many times, he  knew that Devin was the one responsible for his phone disappearance. Kahit na ayaw man niyang mambitang, doon at doon naman nauuwi ang dahan-dahan niyang pag-iisip at pagtagpi-tagpi ng mga bagay-bagay.

By thinking like that, he stood up, wipe his tears then walked with a moderate speed towards the house. Alam na niya kung ano ang mangyayari sa kaya sa gagawin ngunit wala siyang pakialam. He needed to settle this issue to be over with it and move on. Yeah, he will admit that getting Devin's forgiveness was important but Jake was more important to him. Kaya nga hindi niya maputol ang koneksyon niya rito. Kaya nga hindi niya magawang sundin ang kagustuhan ni Devin dahil mas mahal niya si Jake higit pa kanino man.

Nang makarating sa bahay, agad niyang hinanap si Devin. Tinungo niya ang kusina pati ang ibang kwarto sa pagbabakasakali na mahanap ito roon. Ang panghuling bahagi ng bahay na pinuntahan niya ay ang kwarto ni Devin.

Kumatok siya ng tatlong beses sa pintuan pero walang tugon mula sa loob. HInawakan niya ang door knob at pinihit iyon. Nang mabuksan iyon ay dahan-dahan na itinulak niya at pumasok sa loob. Hindi niya nakita si Devin sa loob. Inilibot niya ang paningin. Nahinto iyon sa isang pintuan na alam niyang banyo.

Palapit na siya sa pintuan nang bumukas iyon. Tumambad sa kanya ang nakahubad na katawan ni Devin. Hindi naman ito talagang nakahubad dahil may suot naman itong boxer shorts.

"Bakit ka pumasok sa kwarto ko ng walang permiso?" Masungit na tanong nito.

Sa katanungan nitong iyon ay para siyang nabuhusan ng malamig na tubig. Nahimasmasan siya sa pagtingin sa magandang katawan nito.

"Ku-kumatok ako," sagot niya, nauutal. "Pe-pero hindi ka sumasagot kaya pumasok na ako."

"Then if that was the case dapat hindi ka na pumasok dahil hindi ka naman welcome para pumasok."

"I know." Maikling sagot niya.

"Alam mo naman pala so bakit ka pumasok?"

"I just came here to ask something."

"To ask something?" Gagad nito.

"Oo."

"At ano naman 'yon?"

"Nasa sa 'yo ba ang cellphone ko?" He bluntly asked. Kasasabi pa lang niya sa sarili na magtatanong siya sa dahan-dahan na paraan ngunit hindi naman niya nagawa.

Sa halip na sumagot, ngumiti ito saka umiling-iling na tila hindi makapaniwala sa tanong niya.

"Nasa sa 'yo ba?" Ulit niya sa tanong.

"Ano naman ang gagawin ko sa cellphone mo?" Balik-tanong nito saka siya tinalikuran. Kinuha nito ang isang towel saka pinunasan ang basang buhok. Tila wala siya sa paligid na prenteng umupo ito kama.

"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan, Devin. Ano ang gagawin mo sa cellphone ko?"

Sa panggigilalas niya tumawa ito. Tawa na puno ng sarkasmo. "You sounded like you already made up your mind about the thing. I have my own cellphone, Hyde. I won't put any interest on the things that I will not gain. Sorry to disappoint you but I don't have your cellphone."

Hyde clenched his fist. Pinigilan niya ang sarili na lumapit kay Devin. Hindi na siya magdadalawang isip pa na naasa kamay nito ang cellphone niya. Halata sa kilos nito at nakakalokong ekspresyon ng mukha na nandito ang cellphone niya.

"Stop the act." Nagtitimpi niyang saad. "I know very well that you have it. I won't ask any question why it was in your hand so just give it back."

"Wala akong ibabalik sa 'yo dahil wala naman talaga sa akin ang cellphone mo. Feel free to search my room."

"Iyon talaga ang gagawin ko."

Isa-isa niyang hinalughog ang gamit nito. From the closet to the bags and lastly to all the corner of the room that he found intriguing. But even he search thoroughly for it, he couldn't find it.

Hindi na niya mapigilan ang maiyak. Napaupo siya sa sahig. Napasandal sa dingding. Umiyak siya kahit na nakikita siya ni Devin sa miserableng estado.

What will happen to him now?

String from the Heart Book TwoWhere stories live. Discover now