Para mawala sa temptasyon, tinakpan niya ang mg pagkain. Nagtungo siya sa living room para kunin ang gamit niya na iniwan doon. Hinalughog niya ang shoulder bag nang makuha iyon. Agad na bumangon ang kaba sa dibdib niya nang hindi makita ang cellphone. Muli niyang binuksan iyon, inilabas niya ang lahat ng gamit at inilapag sa center table ngunit wala talaga doon ang cellphone. Hinalughog na rin niya ang travelling bag sa pagbabakasakali na nandodoon ang cellphone. Ngunit bigo siya. Wala doon.
Nanghihinang napasandal siya sa upuan. Kailangan niyang mahanap ang cellphone para makausap niya si Jake. Nangako siya ritong tatawagan o ite-text niya ito kapag nakarating na siya sa destinasyon niya. He was already feeling sorry for forgetting it but what is happening now made him feel more sorry. Hindi niya napanindigan ang pangako niya rito tapos ito pa ang mangyayari.
Binalikan niya sa isipan ang mga ginawa niya bago sila makarating dito. Mula sa pag-eempake ng kanyang damit at iilan na personal na gamit pati ang pagpipilit ni Jake na ihatid siya, sa traffic hanggang sa paghaharap nila ni Devin.
He was sure that he put his cellphone inside his shoulder bag. Hindi siya pwedeng magkamali. Hindi naman siya bumaba para mawala o mahulog ang cellphone niya. Sa durasyon ng biyahe natulog lang siya, not minding Devin after their argument.
Natigilan siya.
Hindi kaya?
Kung ano man ang naiisip niya kailangan niyang tigilan dahil wala naman siyang sapat na ebidensya pero maaaring mangyari ang bagay na iyon. Isa lang ang dapat niyang gawin para malaman kung kinuha nga ba ni Devin ang cellphone niya o kaya naman nahulog lang sa loob ng kotse.
He need to ask him.
HINDI MAPIGILAN ni Jake ang mag-alala kay Hyde. Ilang beses na niya itong tinatawagan para makumpirma kung nakarating na ito sa destinasyon nito ngunit hindi ito sumasagot. May usapan silang dalawa na kapag nakarating na ito ay agad siyang tatawagan para makatiyak siya na safe itong nakarating. Dapat nga kahit nasa biyahe ito i-text o tawagan siya pero naisip niya na baka nakatulog ito sa durasyon ng biyahe.
Now that he was calling him several times already why he wasn't answering? Hindi niya tuloy maiwasan na tubuan ng kaba. Ayaw niyang mag-isip ng negatibo ngunit hindi niya maiwasan. Hanggang hindi pa niya ito nakakausap hindi siya mapakali. Kung hindi pa ito tatawag o magte-text hindi siya magdadalawang-isip na puntahan ito sa lugar kung saan ito ngayon. Hindi man niya alam kung saan talaga ito sa luga na iyon hindi siya mangingiming sundan ito.
Muli niyang tinawagan si Hyde. Sa pagkakataong iyon out of coverage area na iyon. This is it! Wala na talaga siyang pakialam kahit na may mga mahalaga siyang bagay na dapat asikasuhin para sa negsyo nila ni Rubius. Si Hyde ang tanging mahalaga sa kanya ngayon.
Kinuha niya ang backpack at isa-isang isinilid ang ilang pares ng damit doon. Matigil lang siya sa paglalagay ng gamit doon nang marinig ang pagtunog ng cellphone niya. Agad niyang sinagot ang tawag. Not minding who the caller was.
"Hello. Hyde."
"I'm not Hyde," anang sa kabilang linya. Bahagyang natawa. "Si Rubius 'to pare," anito.
"Why did you call?" Walang ganang tanong niya. Alam niya na tunog galit din siya.
"Bakit parang galit ka?" Tanong nito sa halip na sagutin ang tanong niya.
"I'm in a hurry, Rubius. Kung hindi mahalaga ang sasabihin mo, can you please end this call."
"Chill, bro," anito sa cool na tono. "Masyadong mainit ang ulo mo. Calm down. Tinawagan kita para sabihin sa 'yo na may problema sa kontrata natin sa lugar. We needed to see Ricci now for the clarification of some things. Kung hindi natin iyon maaasikaso ngayon baka maunahan tayo ng ibang gustong umupa doon."
YOU ARE READING
String from the Heart Book Two
RomanceLimang taon na ang nakakalipas ngunit nanatili sa nakaraan ang puso't isip ni Hyde. His mind was still from the unclosured past from the two men in his life. Ang puso niya ay puno pa rin ng pagkakonsensya sa nagawa niya kay Devin at sa sitwasyon ni...
Chapter Twenty-Nine
Start from the beginning
