"Sorry," he said. Handa naman siyang humingi ng kapatawaran sa ginawa niya pero naunahan siya nitong magsalita. At nakakasakit lang ng damdamin na puro negatibong bagay ang lumabas sa bibig nito. Masakit pakinggan, hindi pisikal na sakit ang dulot sa kanya ngunit nagbibigay naman ng sobrang kalungkutan at sakit sa kalooban niya. Ano nga bang magagawa niya kundi ang magpakumbaba at magtiis sa mga naririnig mula rito. In the first place he was the one to be blame on what happened.
Nakatulog siya sa durasyon ng biyahe.
Ginising siya nito. Dahil sa nagulat siya nang makita na masyadong malapit ang mukha nito natamaan niya tuloy ang mukha nito.
Even he had a valid reason he knows that Devin will not give a damn about it. Bingi ito sa paliwanag. Bagay na ipinagbago nito. Noon, simple things that have enough valid reasons or just simply excuse he can easily believe but now...
Lihim siyang napailing.
Simula ngayon kailangan niyang pakisamahan ang bagong Devin at tigilan ang sarili sa pag-iisip na ito pa ang dating Devin. He needed to cite the big difference of Devin before and now.
"Bumaba ka na! Get my things out of the car then bring it inside the house!" Pasigaw na utos nito."Napakabagal mo," dagdag pa nito.
"Sorry," paumanhin niya. Pasimple niya ring kinagat ang ibabang labi para mapigilan ang pagpapakita ng emosyon sa harap nito.
"Ang hilig mong mag-sorry pero mukhang hindi ka naman sincere doon. Stop saying that you are. Nakakabwisit lang pakinggan lalo na at galing pa sa 'yo." Anito saka bumaba ng kotse. Padabog na isinara nito iyon na halos ikabingi niya.
Bumaba siya ng sasakyan. Isinara niya ang pintuan sa passenger seat saka binuksan ang hulihan na pintuan para makuha ang mga gamit ni Devin. Isang duffel bag at may kalakihan na maleta ang nandodoon. Idagdag pa ang travelling bag niya at maliit na shoulder bag na may laman ng personal niyang gamit tulad ng cellphone.
Aligaga si Hyde na buhatin ang lahat ng gamit nila ngunit tiniis niya. Iniisip na lang niya na isa ito sa mga bagay na maaari niyang gawin para mapatawad siya ni Devin. Mababaw man kung iisipin ngunit para sa kanya malaking bagay na ito lalo na at nakikita ni Devin ang effort niya.
Isa pa, hindi naman niya alam kung ano nga ba talaga ang dahilan ng pagsama sa kanya ni Devin dito bukod sa kagustuhan nito na mailayo siya kay Jake. Sa ngayon ayaw na munang isipin iyon. Mas mahalaga sa kanya ang mag-focus sa mga bagay na pwedeng gawin para makuha ang kapatawaran ni Devin.
HINDI ALAM ni Hyde kung ilang minuto ang inabot niya para makapasok sa loob ng bakuran na mayroong bungalow type na bahay. On the outside it was homey looking. Presko sa paningin ang may kalawakan na hardin na may tanim na kung anu-ano na nakalagay sa paso. Takaw-tingin naman sa kanya ang mga orchids na namumulaklak. It was hanged on the wood that customized for it. Parang ang sarap gumising nang maaga kung ang mga namumulaklak na hardin ang sasalubong sa 'yo mula sa loob ng bahay kapag binuksan mo ang bintana. Idagdag pa na masarap din sa paningin ang mga bermuda grass na berdeng-berde ang kulay at pwedeng higaan. For him the place was ideal. Kahit papaano nawala ang pagod niya.
Paano ba naman na hindi siya mapapagod kung ipinarada ni Devin ang sasakyan nito sa may kalayuan. Batid niyang sinadya nito iyon para pahirapan siya pero katulad nga ng sinasabi niya sa sarili kailangan niyang magtiis. Idinadaan na lang niya sa pagbuntung-hininga at pag-iisip ng positibo na bagay ang mga nangyayari. Alam niya umpisa pa lamang ito ng paghihirap niya sa poder ng lalaki na gustong niyang mapatawad siya.
Habang dumadaan sa pathway na patungo sa pintuan ng bahay palinga-linga si Hyde sa paligid. Gandang-ganda talaga siya sa lugar. Nawala lang ang appreciation niya sa paligid nang marinig ang boses ni Devin na tinatawag siya. Nagkukumahog tuloy siyang naglakad patungo sa pintuan. Tumambad sa kanya ang seryosong ekspresyon ni Devin. Nakapamaywang pa ito na tila inip na inip.
"Talaga bang papanindigan mo ang kabagalan mo? Talaga bang gustong-gusto mo na paghintayin ako?"
"Hi-hindi."
"Then what are you doing?!" Pasigaw na tanong nito.
"So..." Natigil siya sa pagsasalita nang makita ang galit nitong ekspresyon. "Ipapasok ko lang ito."
Devin give him a way so he can pass. Nang makapasok siya sa loob ng bahay hindi niya maiwasan ang mamangha sa kaayusan at kalinisan na ipinapakita niyon. The fixtures and appliances were placed to the things accordingly. Wala naman masyadong appliances na makikita doon kaya malawak tingnan. Gustong-gusto niya ang lahat sa loob mula sa kulay pulang sahig na makintab patungo sa kisame na may nakasabit na mga painting at anu-anong bagay.
Muli lang siyang natigil sa pagmamasid sa kabuuan ng bahay nang magsalita si Devin na hindi niya napansin na nasa likuran na pala niya.
"Are you now satisfied surveying my house? If yes, can you now serve your purpose on mine," sarkastiko nitong saad.
"O-okay." Even he wanted to say how sorry he was he stop himself. Ayaw naman kasi nitong marinig ang salitang sorry mula sa kanya. Hindi nito iyon gusto at ayaw na ayaw lalo na hindi naman daw bukal sa kalooban niya.
"Okay," gagad nito. Pumalatak. "If you are then start now. Bring my things inside that room." Itinuro nito ang isang pintuan. "Put my clothes inside my closet accordingly. And when you are done cook food for me."
"Okay," he said again.
SINUNDAN NA lang ng tingin ni Devin si Hyde habang dala ang mga gamit niya. Medyo aligaga na ito sa pagdadala niyon at halata na sa mukha ang pagod nito. Paanong hindi ito mapapagod? Sinadya lang naman niya kasing iparada ang kotse niya na may kalayuan sa bahay niya. Sinadya niya iyon para pahirapan si Hyde at para makita kung hanggang saan ang kaya nitong pagtitiis.
Even he felt a little sorry on how he treated him he stopped his self for being one. Itinanim niya sa utak na deserving si Hyde sa paghihirap na gagawin niya mula sa araw na ito.
Nawala lang ang atensyon niya rito nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone na nasa bulsa ng kanyang pantalon. Kinuha niya iyon para makita kung sino ang tumatawag. A smile formed in his lips when he confirmed who is the caller.
YOU ARE READING
String from the Heart Book Two
RomanceLimang taon na ang nakakalipas ngunit nanatili sa nakaraan ang puso't isip ni Hyde. His mind was still from the unclosured past from the two men in his life. Ang puso niya ay puno pa rin ng pagkakonsensya sa nagawa niya kay Devin at sa sitwasyon ni...
Chapter Twenty-Eight
Start from the beginning
