Kinuha nito ang bandehado na may laman na kanin saka naglagay sa plato nito, sunod ang adobong ulam. He on the other hand was suppressing the anger that started to build up inside him. Instead of showing it he just smiled at him, sweetly, then proceed eating.
"I think I'll stay here for a little more," anito.
"Sure, you can," he answered, hiding the way he grinds his teeth with anger.
"Of course, I can. Hawak kita sa leeg," mayabang nitong saad. "Mas masarap ang manatili dito sa bahay mo kaysa sa bahay ko. Nabubwisit ako sa ingay ng asawa ko pati ng mga anak ko. Idagdag pa na hindi man lang ako mapagbigyan ng letseng babaeng iyon. Dito sa bahay mo, libre lahat, satisfied pa ako na ka-sex ka, iba kapag ikaw, eh." Sunod-sunod na sabi nito.
Sa kabila ng nakangiting ekspresyon habang nakatingin dito, nagngingitngit ang kalooban ni Marty. Hindi siya makapaniwala sa kahambugan at kayabangan ng lalaki. Talagang ipinapangalandakan nito ang kaibahan niya sa misis nito.
Sa asawa na kahit papaano ay naawa siya dahil nagkaroon ito ng asawang walang kwenta.
KANINA PA gustong umiyak ng babae habang karga ang mag-iisang buwang sanggol na anak. Kanina pa ito umiiyak sa hindi niya alam na kadahilanan. Napalitan naman na niya ng diaper ang anak. Napadede na rin niya ito ngunit patuloy pa rin sa pag-iyak. Idagdag pa na pati ang dalawang taong gulang na anak niya ay umiiyak na rin habang katabi ang panganay na tahimik lang at nagmamasid-masid.
Matagal na niyang gustong sumuko sa kanyang buhay ngunit hindi naman niya pwedeng gawin dahil may mga anak siya sa umaasa sa kanya. Mga anak na hindi niya akalain na magbibigay ng kulay sa magulo niyang buhay. Para sa mga ito pinili niya ang maging matatag at tanggapin ang hirap na mismong asawa niya ang nagbigay. Ang hindi niya lang matiis at labis na nagpapahirap sa kanya kapag ang mga anak niya ang sinasaktan ng asawa lalo na ang panganay niya na hindi naman nito kadugo. Tuwing kinakampihan niya ito sa kanya nababaling ang galit ng asawa na siya niyang tinitiis. Sa pisikal at verbal na paraan ng sakit na binibigay ng kanyang asawa sa panganay na anak, lumaki tuloy ito na mahina ang loob at halos hindi nagsasalita. Sobra siyang naaawa sa kalagayan nito. Mas mabuti ng para sa kanila na halos hindi na umuwi ang asawa dahil kung nasa bahay ito ay ginagawa silang punching bag.
Pinigilan niya ang maiyak. Sa halip hinele niya ang bunsong anak hanggang sa makatulog ito. Muli niya itong pinadede. Nang makatulog na inilapag na niya ito sa higaan saka naglakad patungo sa dalawang anak. Pinunasan niya ang uhog at luha sa mukha nito saka hinarap ang panganay na nakatingin lang sa kanya. Sa labis na emosyon niyakap niya ang mga ito.
"Nagugutom na ba kayo?"
"O-opo, Ma-mama," pautal-utal na sagot ng panganay niya.
"Gutom na Aveen, Mama," anang pangalawa.
"Kaya ka ba umiiyak dahil gutom ka na, Aveen? Gutom ka na rin ba Sethi?"
Tumango ang mga ito. Kinarga niya si Aveen saka inakay si Sethi. Nang makarating sila sa kusina agad niyang ipinaghanda ng pagkain ang mga ito saka pinakain. Habang kumakain ang mga anak isang desisyon ang pumasok sa isipan niya.
NAGISING SI Hyde sa marahas na pagyugyog ng kung sino sa balikat niya, nang imulat niya ang mata tumambad sa kanya ang nakasimangot na ekspresyon ni Devin. Sa nakitang reakson nito napabalikwas siya mula sa pagkakasandal sa upuan na naging dahilan para tumama ang ulo niya sa mukha nito.
"Ouch!" Malakas niyang daing kasabay ng pagtuptop sa nasaktang ulo.
"Shit!" Malakas na mura naman ni Devin habang hawak din ang nasaktang bahagi ng mukha.
Hyde felt sorry on what just happened. Iniiwas na lang niya ang tingin sa nagbabantang tingin ni Devin.
"Are you really that clumsy?!" Pasigaw na tanong nito. "Idiot! Stupid! Natulog ka lang habang nasa biyahe tayo. You let me drive for almost six hours. Ngayon na ginising kita kapalpakan naman ang ginawa mo. Ginising lang naman kita but you seem startled than being sorry! Unbelievable! Are you really that thick-face?!"
YOU ARE READING
String from the Heart Book Two
RomanceLimang taon na ang nakakalipas ngunit nanatili sa nakaraan ang puso't isip ni Hyde. His mind was still from the unclosured past from the two men in his life. Ang puso niya ay puno pa rin ng pagkakonsensya sa nagawa niya kay Devin at sa sitwasyon ni...
Chapter Twenty-Eight
Start from the beginning
