"Putangina mo ka!" Galit na sabi nito.
Ilang suntok ang ibinigay nito sa kanya. Kahit anong gawin niyang pag-iwas at pagtakip ng mukha ay walang naging silbi. Lahat ng malakas nitong suntok ay tumama sa kanya, walang palya iyon.
"Kanina pa ako sa 'yo tumatawag hindi mo sinasagot! Anong ipinagmamalaki mo ang Devin na 'yon!? Anong akala mo na basta na lang ako titigil porke't hindi mo sinasagot ang tawag?! Sinabi ko na sa'yo, lahat ng gusto ko dapat mong gawin! Alam mo na hawak kita sa leeg! Isang pagkakamali mo lang alam mo kung anong mangyayari sa 'yo."
Halata ang sobrang galit sa mukha nito. Nanlilisik ang mga mata na tila sa isang demonyo habang patuloy siyang ginugulpi.
His vision was already blurry because of the nonstop punches that Gardo was giving to him.
Nang mahimasamasan ay saka pa lamang siya nito pinakawalan. Pasadlak siyang napaupo sa sahig ng kanyang bahay. Hindi pa nga siya nakaka-recover ng hilahin siya nito patungo sa loob ng kanyang kwarto. Doon hinubad nito ang mga damit niya at walang sawang muling ginamit ang katawan niya sa karnal nitong pagnanasa.
PIGIL ANG sarili sa pag-iyak habang nakakuyom ng mariin ang kanyang kamay sa galit na nadarama habang nakatingin sa lalaking natutulog sa kanyang higaan. Napakawalang-hiya nito! Pagkatapos siyang babuyin ay akala mo kung sinong hari na umasta sa loob ng bahay niya.
Kahit na masakit ang kanyang katawan sa ginawa nito hindi niya magawang makatulog na katabi ito. Punong-puno ng galit ang puso niya sa paulit-ulit nitong ginawang pag-angkin sa kanya sa marahas na paraan. Hilam ng luha ang kanyang mata. Wala siyang pakialam kahit basang-basa na ang mukha niya ng luha.
Paika-ika siyang naglakad patungo sa banyo na nasa loob ng kwarto. Sinara niya ang pintuan. Sinigurado niya na naka-lock iyon. Binuksan niya ang shower at itinapat ang katawan sa tubig. Nakadama siya ng kirot sa pagbuhos ng tubig sa hubad niyang katawan.
Maghintay lamang ang Gardo na ito dahil isang araw magsisisi ito sa kababuyan na ginawa nito sa kanya. Maghintay lamang ito.
Pagkatapos maligo ibinalabal ni Marty ang malaking tuwalya sa kanyang katawan. Lumabas siya ng banyo at agad na nakita si Gardo na mahimbing pa rin na natutulog sa kanyang higaan. Talagang prente ito at tila walang pangamba na maaari niyang gawan ito ng masama ngunit hindi naman niya masisisi ang lalaki kung ganoon ito. Sa harapan nito masunurin siya kahit papaano, sumusunod sa mga sinasabi nito ng may pag-angal at galit ngunit sa huli dahil sa takot ito pa rin ang nagwawagi.
Gustong-gusto ni Marty na kunin ang unan at takpan ang mukha nito upang huwag nang makahinga at mamatay na ngunit sobrang pagpipigil ang ginawa niya. He don't like to see him die easily. Gusto niyang maranasan nito ang takot na naranasan niya dahil dito. Gusto niyang unti-unti itong pahirapan at paglaruan sa mga palad niya.
While holding back his anger, he decided to find clothes in his closet. Nang makapili ng matinong damit lumabas siya ng kwarto saka nagtungo sa kusina para maghanda ng pagkain niya. He knew that he was being nice for preparing food and still thinking about Gardo but he doesn't care. Kailangan niya lang naman gawin iyon para isipin nito na sunud-sunuran siya rito at kakawag-kawag ang buntot na parang aso sa amo.
Ekskatong tapos na siya sa paghahanda ng mesa nang tumambad si Gardo sa pintuan ng kusina. Nakahubad-baro ito at tanging skimpy brief ang suot. Wala siyang pakialam kung halos hubad na ito sa harapan niya. Hindi niya rin ito masyadong pinansin ng magtungo sa lababo para maghugas ng kamay.
"Kumain ka na," sabi niya rito.
Gardo nodded and sitted on the chair that opposing his.
"Mukhang mage-enjoy ako sa pananatili rito sa bahay mo," umpisa nito.
YOU ARE READING
String from the Heart Book Two
RomanceLimang taon na ang nakakalipas ngunit nanatili sa nakaraan ang puso't isip ni Hyde. His mind was still from the unclosured past from the two men in his life. Ang puso niya ay puno pa rin ng pagkakonsensya sa nagawa niya kay Devin at sa sitwasyon ni...
Chapter Twenty-Eight
Start from the beginning
