Speaking of sino, Jake knew that Devin is out there. Pagkatapos niyang puntahan ito sa opisina nito at makausap hindi na sila muling nagkita. Ayaw na niyang abalahin pa ang sarili sa pag-iisip sa lalaking iyon. Dapat na rin niyang pigilan ang sarili sa kanyang insekyuridad kapag ito ang sangkot.
Gumalaw si Hyde. Isiniksik nito ang sarili sa kanya saka siya niyapos. Niyakap niya rin ito at hinalikan sa noo. Ipinikit niya ang mata at hinila ng antok habang nakayakap kay Hyde.
"HINDI BA kita pwedeng ihatid, Hyde?"
Mula sa kanyang ginagawa napatingin si Hyde kay Jake na nakaupo sa kama habang nakatingin sa kanya. Itinigil niya muna ang paglalagay ng nirolyo niyang damit sa loob ng bag upang malapitan ito.
"Hindi na Jake," maikli niyang tugon. Hindi siya nito pwedeng ihatid dahil kung gagawin nito iyon ay baka makita nito si Devin na siyang naghihintay sa kanya sa kanilang tagpuan.
"For one last time, Hyde, gusto ko lang naman makasigurado at makita kung sino ang kasama mo. Kung makapagtitiwalaan ba at nasa mabuti kang kamay."
"'Wag kang praning. Mapagkakatiwalaan naman ang mga kasama ko."
"Are you sure?" Paniniyak nito.
"Oo naman."
"Totoo? May iba akong nase-sense kaya gusto mong gawin iyon, eh," nagbibiro niyang sabi.
Bumuntung-hininga ito bago sumagot. "Okay! Fine! I'm feeling a little jealous."
"Jealous? Why?"
"Sa kasama mo."
"Kanino? Kay Drake?"
Tumango ito. "Oo."
"Don't be silly, Jake. Hindi ko naman kasama si Drake. May iba 'yong gagawin. Mag-isa lang naman akong pupunta doon."
Ang totoo para masunod niya ang kagustuhan ni Devin ay nag-file siya ng indifinite leave. Siyempre, lingid iyon sa kaalaman ni Devin dahil taliwas iyon sa kagustuhan nito. Sa kanilang opisina naman, pasekreto niyang binigay sa superior niya ang letter niya para sa pag-leave. He made it confidentially. Mabuti na lang at pumayag ang boss niya sa ginawa niya.
"So, dapat pala na mas mag-alala ako dahil mag-isa ka lang na pupunta doon. I should really go with you."
Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi saka pinisil iyon. "Ang kulit mo. 'Wag mo akong alalahanin ng masyado. I can manage."
Napangiti siya ng mag-pout ito ng labi.
"Ang kulit mo lang, alam mo ba 'yon, Mr. Jacinto? I'm assuring you that I call you once I get there."
"Dapat lang naman talaga na gawin mo iyon para huwag akong mag-alala sa 'yo."
"Then tapos na ang usapan na ito? Will you stop being a worrywart and just focus your attention to your business?"
Tumango ito. "Oo. Tapos na. I'll focus on it and to you of course. Saka mahal kita kaya hindi naman talaga maiiwasan na mag-alala ako sa 'yo."
"Alam ko naman 'yon. Kaya nga sinisigurado ko na wala kang dapat ipagalala."
"Okay. Just kiss me to get over with this." Anito.
Lumawak ang pagkakangiti niya. He lowered his head then give him a kiss.
ISANG MALALIM na buntung-hininga ang pinakawalan ni Hyde bago lumapit sa lalaking naghihintay sa kanya. Halata ang inip sa gwapong mukha nito dahil nakakunot ang noo at minsan ay pasulyap-sulyap pa sa suot nitong relong pambisig. Kailangan niya munang ikalma ang sarili bago lapitan ito dahil kailangan niya rin ng lakas ng loob. Alam niya na mapagsasalitaan na naman siya nito ng masama, na-late kasi siya ng halos kalahating oras sa oras na napag-usapan nilang dalawa.
Hindi pa man siya nakakalapit dito ay bumaling na ito sa direksyon niya. Napahalukipkip ito habang matiim ang pagkakatingin sa kanya. Tila gusto siyang silaban sa uri ng tingin na binibigay nito.
"Bakit ngayon ka pa lang?" Agad nitong tanong ng makalapit siya. "Can you call yourself professional for being this late? Alas otso ang usapan natin na magkikita rito but you came almost half an hour late. Seryoso ka ba talaga sa sinasabi mo na gagawin mo ang lahat para sa kapatawaran ko o isa lang ito sa mga palabas mo? You wasted my time for keeping me waiting here."
Napakagat-labi na lang siya sa mga sinabi nito. Hindi na siya magpapaliwanag kung bakit siya na-late dahil sa huli siya rin naman ang lalabas na masama. Pati ang pagiging propesyonal niya ay na-criticize nito.
Sinundan niya ng tingin ang papalayong si Devin. Nang tumingin ito sa kanya ay saka pa lang siya gumalaw. Nagmamadaling sinundan niya ito. Inilagay niya muna sa back seat ng kotse nito ang dala niyang maleta. Pasakay na sana siya sa backseat ng magsalita ito.
"Driver mo ba ako para dyan ka sumakay?" Sarkastikong tanong nito.
Mahina niyang isinara ang pintuan saka nagtungo sa unahang pintuan at binuksan iyon. Walang imik na sumakay siya doon. Pinaandar na ni Devin ang kotse nito. Wala silang imikan habang nasa durasyon ng biyahe. Pinapakiramdaman ni Hyde ang bawat kilos ni Devin. Hindi niya rin maiwasan ang mapasulyap na agad niyang iniiwas kapag napapadako ang tingin nito sa kanya.
Ngayon lang siya ulit nagkaroon ng pagkakataon na matingnan ang mukha nito pagkalipas ng mga araw na nagdaan. Being with Devin right now bring him back in the past years. Mas nag-mature ang mukha nito at bagay dito ang suot nitong eyeglass. It made him look smarter and a suitable man. Nakakalungkot lang na isipin na hindi na ito ang Devin na nakilala niya noon. Kung alam lang nito na ilang ulit niyang sinisi ang sarili sa mga nangyari noon.
"Can you stop staring at me." Galit na saad nito.
Agad siyang nag-iwas ng tingin. Napapahiyang napayuko siya saka bumaling sa bintana. Sa lalim ng iniiisip hindi niya napansin na napasulyap pala ito sa kanya kaya nakita siyang nakatingin dito.
"S-saan pala tayo pupunta?" Lakas-loob na tanong niya.
"Its not for you to know. Habang magkasama tayo one thing that I don't like you to do is to ask some things. Sundin mo ang bawat ipaguutos ko sa 'yo para magkasundo tayo."
Ayaw man niya sa sinabi nito hindi na siya nagsalita. Alam naman kasi niya na wala siyang panalo rito. Masakit lang isipin na masyado itong malamig. Ipinikit na lamang niya ang mata at pinilit ang sarili na makatulog. Mas okay pa na hindi niya alam ang kung anuman na mangyayari sa pamamagitan ng pagtulog kaysa naman ang gising nga siya ngunit wala naman siyang magawa para makausap ito. Paano niya gagawin ang mga bagay-bagay kung hindi siya pwedeng magtanong? Paano niya makukuha ang loob at kapatawaran nito kung ganito ito kalamig?
YOU ARE READING
String from the Heart Book Two
RomanceLimang taon na ang nakakalipas ngunit nanatili sa nakaraan ang puso't isip ni Hyde. His mind was still from the unclosured past from the two men in his life. Ang puso niya ay puno pa rin ng pagkakonsensya sa nagawa niya kay Devin at sa sitwasyon ni...
Chapter Twenty-Seven
Start from the beginning
