"May sasabihin pala ako sa 'yo."
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Tiningnan siya. "Ano naman 'yon?"
"I'll be gone for a month."
Kumunot ang noo nito. "You'll be gone for a month? Bakit? Saan ka pupunta?"
Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "Ako ang ipapadala ng boss ko sa isang branch ng kompanya sa probinsya on behalf of him. I was assigned to check if the project there is going well."
"Then can I join you?"
Umiling siya. "No. Alam naman natin pareho na busy ka sa pagtatayo ng negosyo mo. Isa pa, kung sasama ka hindi naman tayo magkakaroon ng quality time dahil magiging busy din ako."
"Hindi naman kita iistorbohin. I just want to be with you. Alam mo naman na hindi ako makakatagal ng isang araw na hindi ka nakikita."
Napangiti siya sa sinabi nito. Kahit na maluwang ang pagkakangiti niya hindi naman niya mapigilan ang sarili na kabahan sa pagsisinungaling. Jake can be persistent on things he wanted to do. Dapat siyang mag-isip ng valid na paraan para matigil ito sa kagustuhan nito na sumama sa kanya. If things not go according to his plan he was doom.
"Gustuhin ko man, alam naman natin pareho na hindi pwede. Nag-uumpisa ka pa lang sa negosyo mo. Hindi mo pwedeng pabayaan iyon dahil sa akin. Focus yourself on what you are doing then I'll do mine. May cellphone naman. Araw-araw naman natin maririnig ang boses ng isa't-isa."
"I know but still I wante---"
Inilapat niya ang daliri sa bibig nito para mapatahimik. "Hindi pwede. Kagaya nga ng sabi ko nag-uumpisa ka palang. Even you wanted to see me so badly everyday you can't do that. One month lang naman, Jake. One month."
Jake pouted. "Why I have this feeling that you don't really want me to go with you."
"Hindi naman sa ayaw. Iniisip ko lang naman kasi ang mga bagay-bagay."
"Fine. Fine. Fine. Sige. Ikaw na ang masusunod. Just promise me that once you get there you will call me everyday. Everytime you had the time you will do it."
Tumango-tango siya. "Opo. I will call you and that is a promise," sabi niya. Hinalikan niya ito sa labi para sa pangakong iyon.
Nang matapos ang halik tiningnan niya ng maigi si Jake. Habang ginagawa iyon para siyang maiiyak. Jake's eyes was hopeful. Para ma-distract ang sarili sa pagiging emosyonal, hinalikan niya itong muli sa labi na ginantihan naman nito ng buong puso.
HINDI MAIWASAN ni Jake ang makadama ng kalungkutan habang nakatingin sa payapang mukha ni Hyde habang natutulog. Isipin pa lamang niya na malalayo ito sa kanya ay sobrang kalungkutan na ang nadarama ng puso niya. Given na isang buwan lamang iyon ngunit malala ang epekto sa kanya. Alam niya na walang-wala iyon sa halos anim na taon ngunit iba ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya kasi parang may mangyayaring masama sa kanilang dalawa. Hindi niya nga alam kung saan nanggagaling ang ganoon na pakiramdam ngunit hindi niya maiwasan.
He caressed his cheeks using his fingers. Napapangiti siya habang ginagawa iyon. Mahal niya ang Hyde noon pero mas mahal niya ang Hyde ngayon. Hindi niya makakayang mas malayo pa ito sa kanya ng matagal. Tama na ang halos anim na taon na paghihirap na hindi ito kasama. Ayaw na niyang mangyari pa iyon.
Ayos na sa kanya ang isang buwan basta may komunikasyon pa rin silang dalawa. Isa pa, sa probinsya lang naman ito. In any case he can manage his time to go there just to see him. Dapat niyang panghawakan ang pangako nito lalo na ang pagmamahal nito sa kanya na alam niyang wala ng makakaagaw pa. Alam niya na hindi sila matitinag ng kahit na sino.
YOU ARE READING
String from the Heart Book Two
RomanceLimang taon na ang nakakalipas ngunit nanatili sa nakaraan ang puso't isip ni Hyde. His mind was still from the unclosured past from the two men in his life. Ang puso niya ay puno pa rin ng pagkakonsensya sa nagawa niya kay Devin at sa sitwasyon ni...
Chapter Twenty-Seven
Start from the beginning
