Chapter 45: De Ja Vu

16 0 0
                                    

[Stacy's pov]

"Where am I?"

       Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Ayokong magkamali. Ngayon pa ba?

       Kusang tumulo ang luha mula sa mata ko. Hindi maari...

      Gusto kong punasan ang pisnge ko. Gusto kong tumayo at tumakbo. Gusto kong---Damn,then everything sink in my mind. Every bullshits that tore apart my heart. Goddamnit! Why I even allow this mess to be done?! ...with him?

      Napasinghot nalang ako. Habang hinahayaang basa ang pisnge ko. Nakatali ako sa isang poste. Sa gitna ng malawak at madilim sa kapatagan. Napapikit ulit ako ng maalala ang lugar  na ito. Ang daan papunta sa mansyon ng mga Clinton.

        Nagpalinga linga  ako. Walang tao. Sinalubong ng malamig na hangin ang mukha kong basa sa luha. Mga punong sumasayaw hatid ng hangin . Ang ulap ng walang bituin at nagbabadya sa pag ulan. Great. Nakikisabay ang paligid sa  nararamdaman ko.

       Bigla akong napaisip. Ilang oras na kaya ako dito? Mag uumaga na kaya? Wala  man lang bang rescue? Sino nagdala saakin dito? Damn. Bobo ba sila? Bakit naka dress parin ako?!

       Napaluha nalang ulit ako sa kabobohang pinag iisip ko. Alam kong kahit anong iwas ko sa katotohanan ay hindi nito ako tatantanan. Hanggang kelan pa? Hanggang saan ko ba kayang magpaloko sa taong paulit paulit akong niloko?

       Napatigil ako sa pag iyak ng marinig ang mga yabag sa likuran ko. Alam kong marami sila. Sa sobrang rami nila ay nagdala ito ng kaba sa katawan ko. Na baka kasi...naroon siya. Na baka ngayon na.

       Pwede bang matigil ang oras? Paano ba maimbento ang time machine? Nang sa ganon ay maibalik ko ang lahat sa dati. Nang sa ganon ay mas pinili kong masaktan basta lang wag siyang hayaang lumisan.

"Acy"

       Pinikit ko ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Kuya. Garalgal ito at halatang kabado din.

        Iba ang kutob ko. Paano? Napailing ako ng ilang beses habang nakayuko. Paano nila ako naloko na wala man lang akong ideya?

"Stacy Lee."-unti -unti kong iniangat ang ulo ko at nakita si Luess Clinton sa harapan ko. Nakangisi siya na parang demonyong nagwagi sa isang laro.

       Akmang ibubuka ko na ang bibig ko upang nagsalita ay biglaan akong napasigaw. Tumama sa paligid ko ang maliliit na bolang apoy. Then I remember,peculiar pala kami. Agad akong nagpanic ng mapunta sa dress ko ang apoy. Nakatali ako at hindi makagalaw. So tell me, paano naako nito? Matotosta ako sa apoy na hatid ng balukaw na yun.

"You alright?"-saad niya habang binuhusan ng tubig niyang kapangyarihan ang paligid ko. Nanlaki ang mata ko.

"Synth?!"

"Sorry Acy."-pagkatapos niyang sabihin yun ay yumuko siya. Hindi ko alam kung bakit mas kinabahan ako ng marinig ang mga yabag papunta sa harapan ko. Habang pinagmamasdan ang mga mukha nila ay wala ring humpay sa pagtulo ang luha ko.

       Si Glyph,Blink,Rift,Dryad,Shiv and Cascade. Sunod-sunod silang nasa harapan ko. Nakatali ang dalawang kamay at tanging si Synth lang ang walang tali sa kamay.

"Aaaaaah!"-agad akong nabigla ng napaluhod si Synth habang sumusuka ng dugo.

       Agad na nagpanic ang mga kasamahan namin pero wala paring nagawa dahil nakatali sila. At mas lalo na ako. Nakita kung umiyak na ang iba sa kanila lalo na si Glyph. Nagulat ako at napaawang ang labi ng matumba si Synth na may saksak sa likod. At halos makalimutan ko na Si Luess Clinto pala ay hindi lang apoy ang kapangyarihan, magagawa niya ring kontrolin ang mga  bagay kagaya ng ginawa niyang pagsaksak kay Synth gamit ang isipan niya.

"You seem so excited boy. That's what you deserve!"-bulalas niya habang nakalutang sa hangin.

"Inuulit ko. Kung gusto niyong mabuhay si Stacy ay kailangan niyong sumunod sa usapan."-saad niya. Napahagulgol ako sa iyak. Ni hindi ko magawang tapatan ang bawat katagang lumalabas sa bibig ng demonyong yun!

"Sumunod naman kami. Ikaw lang tong marumi kung maglaro."-Naantig ang tenga ko ng marinig ang boses ni Sir Guevarra. Pumunta siya sa harap at tumingin saakin. Nanlumo ako ng makitang marami siyang galos at nakatali rin ang kamay.

      Tila nangungusap ang mga mata niya. Nanatili rin ako nakatitig sa kanya.

"Stacy, Go. Ipakita mo ang kung ano ka man. Bago ka niya pangunahan."

      Hindi ko alam kung bakit nabasa ko ang isipan ni Sir. At mas lalong hindi ko gets ang nais niyang ipahiwatig. Hindi ko alam kung bakit nandito siya.

"Let it be. Let yourself read every mind. I know you could do more than this Lee. Please...live."-boses ni Dryad. Napatingin ako sa kanya at nagtama ang ang paningin. Siya nga! Tumango ako sa kanya at yumuko ulit habang pinikit ang aking mata.

"She could. For I believe in her."-

"The freewill."-

"She's worth living "-

"She needs us. We want her live."-

"Be alive Stacy. We need you."-

      Hindi ko maintindihan ang pinapahayag ng bawat isip nila.

"Stacy!!!"-napamulat ako sa sigaw na dumagundong sa paligid. Minulat ko ang mga mata ko at biglaang nag panic. Wala na akong tali. Wala naring poste dito ngunit mas  lalong dumilim ang paligid. Tumayo ako at hinanap sila Shiv at pati narin si Kuya. Pero wala sila. Ako lang mag-isa.

       Ilang metro nalang at nakikita ko na ang mansyon ng mga  Clinton. Bakit ako nandito?

"Stacy! Stacy! Go away!"-nagpalinga linga ako ng marinig ang umiiyak na boses ni mommy. Napahigpit ang hawak ko sa damit ko--- Now,I am not wearing a royal blue dress. How?

"Stacy! Stacy go!"-mariin kong pinikit ang mga mata ko. Umiiyak si Mom. Panay ang sigaw niya na lumayo ako ngunit hindi ko siya makita. Nagpaikot ikot ako habang nakahawak sa ulo kong sumasakit at tila mabibiyak.

WHEN HATE TURNS LOVEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora