Chapter 21: Awkward

66 32 0
                                    

[Stacy's pov.]

          Arghh! 2nd period na ngunit hindi parin naaalis ang pagkainis ko! Nakakabanas! Hindi na ako pumasok ng klase pagkatapos ng lunch. Dumeretso ako sa clinic dahil sa sakit ng paa ko.

"Ms. Lee,maiwan muna kita dito ah? Pinapatawag kasi ako ni Ms. Principal."-sabi ng nurse na nag asikaso sakin.

          Tinanguhan ko lang siya bilang sagot. Mabuti nalang talaga at wala dito si nerd. Ughh! That nerd! May atraso pa siya saakin.

~flashback~ 

          7:00 am palang nasa StuCo naako. Agad akong pumunta sa classroom kahit na hindi pa nag be-bell. Naalala ko kasi ang text namin ni nerd kagabi. Niyaya niya akong mag lunch at kapag pumayag ako lulubayan na niya ako at hindi na gagambalahin pa. Nakaramdam ako ng excitement nang malaman kong lalayuan na niya ako ngunit halos itapon ko ang cellphone ko sa isa pa niyang kondisyon. Yun ay ang pumasok palagi sa klase. >_<

           Tiningnan ko ang wrist watch ko, 7:30 na pero wala paring nerd dito sa classroom. Niloko niya ba ako? Iniub-ob ko nalang ang ulo ko dahil sa inis na nadarama. Pusang gala! Ba't ko ba kasi siya pinaniwalaan kagabi?! Ayoko pa naman sa first subject ngayon.

          Halos mapatalon ako ng biglang nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko. Dali dali ko itong binuksan dahil baka nag text si nerd.

From: Zanth

Good morning! Stacy,let's have a lunch together.

~~~~~~~~~
From: Zanth

I have to tell you something,so please... Pumunta ka,sa cafeteria lang naman.

~~~~~~~~~

          Tokwa! Si Zanth pala. Tss! At ano ba ang sasabihin niya? Isa pa,mas nauna si nerd sa pagyaya sakin mamayang lunch. Bahala na nga! Nagsimula na ang first period ngunit wala parin si nerd. Iniub-ob ko nalang ulit ang ulo ko. I hate math subject! Narinig kong bumukas ang pintuan. Alam ko naman na hindi si nerd yun,kasi kung siya yun dapat kanina pa siya nag iingay ng 'acy my baby' .

          Tumunghay ako ng marinig ko ang sinabi ni Adri. Tatlong upuan lang kasi ang pagitan namin.

"Anong sumanib kay Pia?"-sabi niya at napatingin din ako kay Pia na ngiting-ngiti sa upuan niya na parang timang!

"Nakita kong nag usap sila ni Friv. Yieeeee!"-kinikilig na wika ni Carly na seatmate din ni Adri

          Yan ba ang epekto ni Friv sa kanya? Yung kahit sa simpleng usapan lang nawiwindang na siya at hindi nakakapag focus sa lectures? Ngayon lang siya naging timang ng ganyan na kahit sa oral recitation ay hindi siya nakapagparticipate. Psh!

           Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa lunch time na. Agad kong tinungo ang pintuan at doon humalukipkip habang hinihintay ang ang mga kaibigan ko.

"Acy."-Carly

"Acy. Tara! Lunch!"-sabi ni Adri

           Hinarap ko sila na nakasimangot! Hindi ko alam kung dapat ko bang hingin ang opinyon nila kung sino ang sasamahan ko mag lunch.

"yuhooo? Acy bingi ka ba? Tara na!"- sabi ni Adri at akmang kakaladkarin ako.

"Arghh! Tangina!"-bulalas ko at sinipa ang pader sa gilid ko. Ininda ko ang sakit! Naiinis na talaga ako! Agad silang umikot para harapin ako.

"Acy, may problema ka ba?"-tanong ni Pia. Instead of answering her, i just glare at her.

"acy naman,ano ba kasi?"-Carly

WHEN HATE TURNS LOVEWhere stories live. Discover now