Chapter 9: Jedi Praxeum Academy

82 34 4
                                    


[Shiv's Pov]

         Nagsimula na ang laban. Abala ang bawat isa sa pakikipagsagupaan. Si Cascade at Blink ay nag fo-form na  ng apoy sa kamay nila. Si Synth naman ay tumatagos sa kalaban niya kaya hindi siya nito mahuli-huli. Si Rift naman ay nagfo-focus parin at makikita mong medyo nahihirapan na siya kasi pareho ang peculiarity nila ng kalaban niya. Si Glyph naman ay nasa himpapawid parin at inaabangan kung may papunta pa bang kalaban. Ginamit naman ni Steven ang isa sa mga ability niya na lightning. Kaya kahit nasa field kami ngayon, medyo mausok na at madilim ang paligid. At ngayon papunta sa direksyon ko si Brin. Naalerto naman agad ako at hinawakan ko ng mahigpit ang nanginginig kong kasama na si Aera. 

"S-shiv! Si Brin papunta dito. Pano na yan?" -karalgal nyang tanong.

      Nilingon ko siya.

"Aera, don't worry okay? Naihanda ko na ang mga shuriken at chakram ko sa kamay ko,kaya kahit anong oras pwede ko na itong ma release. Mag focus kana diyan. "-sabi ko

"eh pano siya makakafocus niyan?  Kung nasa atin ang atensyon niya? Ibigay mo nalang kaya siya? "-malademonyong ngumiti ang gago

"asa ka Brin! Wala siyang ka alam-alam sa mga nangyayari, bakit siya pa? Ha? bakit siya pa?"-sabi ko habang pinapatay siya ng tingin. 

"may purpose kung bakit siya ang gustong kunin ng Master, Shiv. Kung ipapaliwanag sa kanya, maiintindihan niya naman siguro hindi ba? Hindi katulad mo na matigas ang kokote! "-siya

         Naubos na ang pasensya ko sa gagong to! Sunod-sunod ko siyang pinaulanan ng Shuriken. Hindi siya naging alerto kaya hindi niya agad nailabas ang spears niya. Ilag siya ng ilag ng paatras. I wonder kung bakit hindi niya magawang gamitin ang isa sa mga ability niya... Ang speed booster. Magre-release na sana siya ng throwing spears niya ng tinarget ko ang kamay niya. Nadaplisan siya ng kaunti. Pero alam kong malalim yung natamo niyang sugat. Hindi ko parin tinigil ang pag release ng mga Shuriken patungo sa kanya. Hanggang sa hindi niya namalayan na sa kakaatras niya,wall na ang nasa likuran niya. Dun ko kinuha ang chance na paulanan pa siya ng mas maraming Shuriken. Ni hindi na niya magawang mag atake dahil puro daplis na ang katawan niya. Punit-punit na ang damit niya at hindi na niya mahawakan ng maayos ang spears niya. 

"bakit di ka lumaban. Ha?! " -ako

"H-haha. B-bakit pa ako lalaban? Eh nakuha na namin ang k-kailanagang kunin!" -sabi niya ng pautal-utal. 

       Dun lang nag sink-in sa isip ko si Aera. Napatigil ako sa pag release ng mga shuriken. Nilibot ko ng tingin ang paligid. Puro usok,ang baho. Kasalanan ko. Naiwala ko siya. Sa sobrang inis ko hinagis ko kay Brin ang kaisa-isang Chakram na dala ko. Tinarget ko ang dibdib niya. Patayan na kung patayan. Buhay ni Aera nag nakasalalay dito. Nilapitan ko siya. 

"any last word, Brin? "-tanong ko

"H-haha. Wag masyadong kampante S-shiv. Makukuha rin n-namin ang k-kapatid mo." -sabi niya ng hinahawakan ang bandang bahagi ng puso niya. 

"makukuha niyo? Eh mamamatay kana oh! Sabihin mo!  Saan dinala ng kasama mo si Aera?! "-bulyaw ko sa kanya

"b-bakit ko n-naman sasabihin s-sayo? H-haha"-Brin

"gago!!! "-tinadyakan ko ang Chakram na nasa dibdib niya. Mas lalo pa itong lumalim. Kailangan ko siyang mahanap. 

         Pinikit ko ang mga mata ko. Nagsimula akong makiramdam kung nasaan si Aera. Nararamdaman ko... Andito lang siya, hawak ng kalaban. 

"Shiv!" -napamulat ako ng sumigaw si Cascade.

"Shiv nasaan si Aera?!" -worried niyang tanong

         Natigilan naman ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. 

WHEN HATE TURNS LOVEWhere stories live. Discover now