Chapter 28: Set up

52 28 3
                                    

[Stacy's pov]

        Chineck ko ulit ang relo ko. 6:55 pm na. 5 minutes to go. Pakiramdam ko naiihi na ako ngayon sa sobrang dilim ng paligid ko. Tanging ang sinag ng buwan ang nagpapaliwanag ng paligid. Mahihinuha mo talagang isang abandonado ang lugar na to. Kanina pa ako libot ng libot mula ground floor hanggang 5th floor. Ni isang tao ay wala dito. Sumagi bigla sa isipan ko si nerd. Sana hindi na siya gumawa pa ng paraan na sirain ang lock ng kotse ko. Nagtataka kayo kung nasaan siya? Ayun kinulong ko sa kotse kasi alam kong mapapahamak siya sa taglay niyang katangahan.  

"boogsh!"-isang malutong na sabog ang narinig ko mula sa main door ng ground floor. Napatingin ako sa wrist watch ko 7:15 pm na. Kitang kita ko ang pagpasok ng mga armadong lalaki at iilang babae kahit na nandito ako ngayon sa 5th floor. Siguro umaabot sila ng labing dalawa. Pero ang pinagtataka ko, bakit wala si Adri? Nakuha ng atensyon ko ang badge nila sa kanang leeg.

        Hindi kaya ito ang bagong tribe na nag alyansa? Sigurado kasi akong hindi to tauhan ng Viena Venificas. Sinarado kong mabuti ang isipan ko at iniisip na magtatago ako sa gilid ng hagdan papuntang 2nd floor at doon ko sila aabangan.

"may pakiramdam na ba kayo na may tao dito?"-tanong ng lalaking mistiso. Naaninang ko kasi ang kanyang mukha dahil sa sinag na nakatutok sa mismong mukha niya. 

"wala pa po Master Crismher."-wika ng lalaking nasa likuran niya.

        Binilisan ko ang paglalakad upang tunguhin ang hagdan sa second floor. Halos mapasigaw ako sa sobrang gulat ng sa isang iglap ay nandito na ako sa gilid ng hagdan. Kanina lang ay iniisip ko palang yun pero just a blink of an eye,nandito naako. Teka,bago to sakin ah? Telekinetic lang ako,pero bakit ngayon nagagawa ko nang magteleport?

         Nanatili lang ako sa kinaroroonan ko habang dinadama ang mga yabag nila na paikot-ikot.

*sniff*sniff* narinig kong singhot ng lalaki na nasa...fuck! Nasa harapan ko! Iilang inch lang ang pagitan namin. Unti unti pa siyang lumapit saakin kaya hindi ko na napigilan ang pandidiring nararamdaman ko,nasampal ko siya ng malakas. Yuck! May balak pa ata siyang halikan ako. Gag* ! Si nerd lang ang--- takte! Eew! Bakit ko ba naiisip yun?!

"shet! May babae dito!"-bulyaw niya at kasabay nun ang pagbukas ng lahat na ilaw sa piligid. Halos magulantang ako ng nilibot ko ng tingin ang paligid at shit! I'm cornered!

"she's the girl with genesis!"-sigaw ng babaeng blonde ang buhok. Halos mapanganga ang lahat sa binitawang salita nang babae. Ako ba ang tinutukoy niya? Anong genesis?

        Naglalakad sila habang pinapalibutan ako. Ngayon,gusto kong makita si Adri.

"asan si Adri?! Asan yung twin sister ni Carly?!"-pasigaw kong tanong sa kanila

"woah! Palaban!"-singhal ng isa

"nagkita din tayo bata. Hahaha. Hindi ko akalain na kumagat ka sa bitag ko."-at ngumisi siya ng malademonyo.

"walang hiya ka! Nag effort kapa talagang bigyan ng death threat ang kaibigan ko! Gag*"-bulyaw ko habang nireready ang sarili't pag-iisip ko. Fuck! Death threat...abandoned ville...7 pm...arghh! This was all a shitty set up!

        Biglang nagbago ang expression niya ng murahin ko siya.

"hindi ko inakala na ganyan pala kayo ka duwag. Hah! Sinigurado niyo pa talaga na mag-isa ako at marami kayo. Ang duduwag ninyo!"-pagkasigaw ko niyan ay agad akong yumuko at umikot habang mabilis na nirelease ang throwing spears ko at dart missiles na tinatarget ang paa nila.

        Mabilis pa sa alas kwatro ang pagbagsak ng iilan sa kanila pero nanatili paring buhay. Nagsikalat at nagtago sila. Kaya ako naman ay patakbong umakyat papunta sa 2nd floor. Patuloy parin ang pag release ko ng dart sa mga umaatake saakin. Mas dumami ang paparating sa kinaroroonan ko,taena! Bakit konti lang ang nadala ko? Isa nalang ang natitira sa dart ko,naubos ko na ang shuriken at spears ko. Biglang sumagi sa isipan ko ang double blade sword at tumiming din na napalibutan ulit nila ako.

WHEN HATE TURNS LOVEOnde as histórias ganham vida. Descobre agora