Chapter 2: Bad vibes

131 41 3
                                    

[Steven's Pov]

          Hello everybodeyyy! Ako nga pala ang poging-pogi na twin brother ni Stacy the Moody :)

          Nandito ako ngayon sa Stuco room (student council room) nagpapahinga. I-tour ko ba naman si Jaiden sa buong campus sinong hindi mapapagod eh ang laki nitong school? Tapos feeling ko ang boring pa ng araw ko ngayon. Pano ba kasi hindi pa kami nagkikita ni Adri my loves ko. Ay!joke lang pala ang my loves. Ano bang pumasok sa kokote nilang apat at nag half-day sila ngayon? Plus+ ang makulit na stalker kong kanina pa ko kinukulit? Eto oh kanina pa text ng text na akala mo'y responsibilidad niya ako... Unli ata to eh, call and text. Hayss!

*bzzzt*bzzzt*bzzzt*bzzzt*bzzzt*
                .....Abi Calling......

           Sasagutin ko ba o hindi? Cge na nga pampalipas oras lng naman.

"Hello abi?" -ako

"Hi Steven!" -galak niyang tugon

"may kailangan ka? Ba't ka napatawag?" -tanong ko

"wala naman akong kailangan...actually namiss lang kita." -siya

          Sus! Miss daw?? Eh kanina lang naman kami nagkita. Nakachansing pa nga to saken kanina eh,salubungin daw ba ako ng yakap? Oh diba chansing na yun? Panigurado hindi siya makakatulog ng ayos mamayang gabi kakaisip nun... Hindi ko siya sinagot,hinintay ko nalang na magsalita siya muli.

"Steven mahal kita, alam kong alam mo yan. Alam ko ring pag-aari na nang iba ang puso mo, at alam kong hindi ako yung tipo mo pero sana naman bigyan mo ko ng pagkakataong patunayan ito sayo." -siya

          Inend ko na yung call. Rude na kung rude. Oo, 3 years na pag-iinstalk niya sakin. She's my stalker since we were 1st year until now that we're 4th year. Ayaw kong makasakit nang damdamin ng iba kaya nung time na nalaman ko na may gusto siya sakin or let's just say umaasa siya na maging kami ay sinabihan ko agad siya na itigil na niya. Pero ang tigas ng bungo eh! Nakakainis! Hindi dahil sawa naako sa kakasiksikan niya sa sarili niya kundi dahil mas mabuti pa siya at nagawa pang ipagtapat ang nararamdaman niya sakin. Eh ako? Lalaki ako...yun nga lang torpe. Ni minsan I never dare to confess my feelings for her....to the girl I adore and love most...she's my bestfriend...It's Adri....

          Tinigilan ko na ang pag-iisip ng mga nakakabaliw na bagay. Nafu-frustrate lang ako,sayang tong kagwapohan ko. Tiningnan ko ang wristwatch ko and it's already 5:00 pm. I texted kuya na magpapasundo ako at nagreply siya na hintayin ko lang daw siya sa gate.

* * * * * * * * * *

          20 minutes na ang nakalipas pero wala parin si kuya. Nagpalinga-linga ako hanggang sa....w-wait?... Si ate Sofia yun ah. Anong ginagawa niya dito sa Blueward Academy?..

"Steven sorry kung natagalan ako ha,traffic kasi." -kuya

          Andito na pala si kuya hindi ko man lang namalayan. Lumingon muli ako,nagbabakasakaling makita ko ulit siya pero...nakaalis na ata siya.

"ok lang kuya, let's go." -ako

"teka Steven,asan si Acy?" -kuya

"kuya kasi ano....nag half-day siya ngayon. Hindi ko alam kung saan nagpunta eh." ako

"ah ok,kasama na naman siguro niya barkada niya." kuya

           Pumasok na kami sa kotse at pinaandar na niya ito. Tahimik lang siya habang nag da-drive. Paano kung sabihin ko kaya sa kanya na nakita ko si ate Sofia? May karapatan naman siya dun. Napagdesisiyonan ko na basagin ang nakakabinging katahimikan.

"kuya." -ako

"hmmm???" -kuya

"kuya kanina kasi nung hinihintay kita sa gate...nakita ko si ate Sofia sa Blueward Academy." ako

           Napatingin siya saakin ng wala sa oras. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"bakit ngayon mo lang sinabi?." -kuya

          Nanatili siyang kalmado.This time,inihinto niya ang sasakyan at akmang babalik papuntang school.

"kuya sasabihin ko naman sana sayo eh,kaso pagtingin ko sa kinaroroonan niya wala na ang kotse... Nakaalis na ata." -ako

           Napasapo si kuya ng noo niya. At tinahak ang daan papunta sa subdivision namin. Tahimik lang siya ulit. Alam ko ang panghihinayang na nadarama ni kuya.

* * * * * * * * * *

[Someone's Pov]

             Hindi ko akalain ang pagbabagong nangyari sa kanya. Sobrang laki ng pinagbago niya. Mapa aura niya,pananalita at pakikitungo sa iba....malaking transpormasyon ang naganap. Ano bang nangyari sa kanya nung panahong wala ako sa tabi niya?

"anong pakiramdam nung makita mo muli siya?" -tanong ni ate

"syempre ano pa nga ba edi masaya." -nakangiti kong sagot kay ate

"alam mo ang laki ng pinagbago niya.....hanggang ngayon kasi apektado parin siya sa pag-iwan mo sa kanya....ni hindi ka man lang nakipag-usap at nagpaalam ng maayos." -ate

"kaya nga ginagawa ko to diba? Bumalik ako...binalikan ko siya...tinupad ko ang pangako ko sa kanya na babalikan ko siya ate." -ako

"sigurado ka ba sa desisyon mo? Alam mo bang malaking gulo tong pinasok mo kapag nagkaalaman na?" -ate

"ate,sigurado na ako. Haharapin ko ang dapat na harapin. Desidido na ako sa desisyon ko." -ako

"paalala lang bunso,bumalik ka nga ...binalikan mo nga siya...pero ang tanong,nagpakatotoo ka ba? Ibang katauhan ang pinapakita mo. Masasaktan mo parin siya sa huli." -ate

"alam ko. Teka....maiba tayo ate ha. Nagkita naba kayo ni kuya...Seven?"

            Haha.. Ikaw kasi ate eh,lovelife ko lang palagi ang pinoproblemahan mo. Ngayon ibaling natin ito sayo..hahaha

"⊙_⊙" -ate

          Tinawanan ko lang siya. Hindi siya nakasagot sa tanong ko. Nganga siya ngayon. Pumunta nalang ako ng garden.

* * * * * * * * * * *
Author's note:

     Ang pangalan ng school ay Blueward Academy pagmamay-ari ng pamilyang Lee. Si Seven Lee bilang panganay ang siyang nag mamanage ng school. Busy kasi ang daddy nila sa iba't iba nilang business. Ang president ng Stuco ay si Steven Lee at ang vice president ay walang iba kundi si Stacy Lee.

         Enjoy reading:) don't forget to vote and comment! Thanks!:):):)

WHEN HATE TURNS LOVEWhere stories live. Discover now