Chapter 15: The Talk!

47 33 2
                                    

[Stacy's pov.]
           Kasalukuyang nasa office kami ni Dad ngayon. Bago paman ako mag isip ng kung ano-anu siniguro ko muna na napapalibutan ng walls itong isipan ko. Mahirap na! Andito si Kuya Seven eh!

"Sweetie..."

          Napaharap ako kay Dad ng tawagin niya ako. Nasanay na ako na ganyan ang tawag niya saakin kahit na nakakasukang pakinggan,eh ano pa nga bang magagawa ko? Dad ko yan eh!

"Dad,may nilihim kayo ni Kuya saakin."-sabi ko sabay yuko

"sorry Acy. Gusto ka lang naman namin protektahan. Ayaw naming mapahamak ka."-Dad

"pero Dad, bakit hindi niyo man lang pinaalam saakin na peculiar din pala si Kuya pati ikaw? Para akong timang sa pag-iisip ng kung ano-anu. Ni hindi ko na alam kung ano nga ba ang paniniwalaan ko."-ako

"Acy, yun kasi ang nakikita naming makakabuti sayo. Alam naman namin na kapag may nalaman ka hindi ka titigil hanggat hindi mo nahahanapan ng sagot."-Dad

          Ayoko ng patagalin pa to. Kaya mas pinili ko nalang na manahimik kesa humirit pa na ang sasabihin lang naman nila na 'kapakanan ko na naman ang iniisip nila'.

"okay Dad."-Ako

"*hmp!* pero nung ako yung nagpaintindi sayo nagalit ka nga sakin nun eh! Tapos umiyak kapa."-Kuya

"Eh sino ba namang tatawa kapag nalaman mong naglihim ang pamilya mo sayo? Hindi ba't masakit yun? Na kaka-shock kaya!"-ako

"kayo talaga. Hahaha."-Dad

         Aba't anong nakakatawa dun? Biglang sumagi sa isip ko na itanong kung ano nga ba ako.

"Dad, ano ho ba ang meron ako?"-tanong ko kay Dad. Hindi ko na in-emphasize kung ano nga ba ang gusto kung itanong. Hindi naman kasi slow si Dad para hindi ma gets ang itatanong ko.

"may similarities tayo Acy."-tugon ni Dad at ngumiti saakin

           Hindi parin nagbabago ang ngiti niyang yan simula ng iniwan kami ni Mommy. Bilib talaga ako kay Dad! Kaya idol ko siya eh! Kahit na nagtatampo man ako pero hindi ko siya matiis-tiis. Hayss! Kung sana andito lang si Mommy,siguro mas maiintindihan ako nun.

"telekinesis rin ba yung iyo Dad? Yun kasi yung akin eh."-ako

"yes. But.... Try to observe yourself,maybe you do have it all."-Dad

"what do you mean,Dad?"-tanong ko. Ano ba naman ayokong binibitin ako.

"btw Dad, Acy wants to avoid her friends. "-Kuya

          Sumbongero talaga neto! Sa pagkakaalam ko si Steven lang ang sinabihan ko niyan! Panigurado binasa niya na naman ang utak nun.

"Sev, you can go now. Ako na ang bahalang mag paintindi kay Acy."-Dad

"Bye,little Acy."-kuya said at benelatan pa talaga ako. Nakuu! Pinipikon na naman ako ni kuya. Ini-snob ko nalang siya.

           After 123456789 years natapos din ang usapan. Pinaintindi saakin ni Dad lahat,lalo na yung wag ko daw iwasan ang mga kaibigan ko, alalahanin ko daw yung mga panahon na nandiyan sila sa tabi ko para i cheer up ako, pagdating naman sa mga kaibigan kong hindi ordinaryo kailangan ko daw magpasalamat sapagkat hindi nila ako pinababayaan. At wag daw ako mag-alala dahil hinding-hindi ako pababayaan ni Dad. And such!~~ ay ewan! Feeling ko punong puno ang tenga ko ngayon.

          Nag kiss na ako sa cheeks ni Dad at bumaba sa salas. Nadatnan kong prenteng-prente na nakaupo sa sofa ang mga barkada ni Steven at mismo si Steven.

WHEN HATE TURNS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon