Chapter 39: Try

32 16 0
                                    

[Carly's pov]

        Kanina pa ako palinga-linga sa paligid at nagbabakasakaling dumating siya. Kanina pa ako kinakabahan na baka may nangyaring masama sa kanya. Ni walang ideya si Kuya Seven at tito kung nasaan siya. Si Steven ay hindi namin masyado mahagilap ngayon dahil palaging late pumunta sa school at busy bilang president ng StuCo.

"ano na Carls? Na contact mo na ba?"-alalang tanong ni Zen na katabi ko. Umiling ako sa kanya. Nagsisimula na ang first period pero hindi kami pumasok kasi kailangan naming mahanap si Acy ngayon.

"Nasaan ba kasi si Steven? Sabi niya babalik siya agad."-pagmamaktol naman ni Adri at kumalikot ng cellphone

"Aish! Saan kaya natin mahahanap si Acy?"-problemadong tugon ni Pia at nangalumbaba sa mesa

"hanapin muna natin si Jaiden, baka may alam siya. "-kumento ni Friv

"isa pa yun! Kanina pa umalis at sabing babalik daw agad pero hanggang ngayon wala parin. "-singit ni Pia

"sino ba kasama niya? Sa pagkakaalam ko, hindi niya hahayaang hindi masilayan si Acy noh, nakuu! Lagot talaga siya kay Acy kapag nambabae na naman siya! "-sabi ko sabay flip ng hair. Ganda ng lola niyo kahit medyo stress na. ^_^

"aww! The're coming. "-tugon ni Adri

        Tinaasan so sila ng kilay at kinilatis mula buhok hanggang ingrown ang babaeng nakakapit sa braso ni Jaiden.

"Hello guys! "-masayang bati ng transferee. Tss. Fc teh ah? Close tayo?

"Linch right? Linchee Phards?"-mataray na wika ng kambal ko.

        Nakangiti naman siyang tumango at mas hinigpitan ang kapit sa braso ni Jaiden. Kapag nakita kayo ni Acy, good luck nalang.  Ayaw pa naman yun ng may kahati.

"Jaiden? Asan si Acy? "-walang prenong tanong ni Zen

        Nanlaki ang mata ni Jaiden na tila walang alam sabay kibit balikat.

"Ano?! Wala kang alam? Boyfriend ka niya!"-tumayo si Zen at handa ng sugudin si Jaiden ngunit pinigilan siya Friv.

"wala tayong mapapala kung mag aaway-away pa. Calm down Zen. "-suway ni Friv

"what? Boyfriend? "-hindi makapaniwalang tanong ni Linch

         Biglang napatingin si Jaiden sa kanya at bumaling saamin. May mali ata?

"oo! Boyfriend siya ni Acy, I mean walang kwentang boyfriend pala kasi hindi niya man lang alam ang nangyari kay Acy."-Singit ni Zen

"watch your words Mr. Alvaro. Wala akong ideya kung anong nangyari sa kanya, kagabi wala siya sa condo niya at akala ko umuwi siya."-sabat ni Jaiden

"sana chi-neck mo man lang kung okay siya at nasa pamamahay nila. Hindi yung makikita ka nalang namin na may kasamang iba."-sabi ni Zen at naglagay ng earphone.

"correction! Kasama pa niya si bes."

         Napalingon kami sa nagsalita at laking gulat ng makita siyang nakatayo doon. Sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi. Nakakakilabot. Gusto ko siyang yakapin ngayon pero parang napako ako sa kinatatayuan ko at pati narin ang iba. Hindi naman masyado mabigat yung topiko tanging ang presensya ni Acy. Parang may iba, yung feeling na... Hindi ko ma-explain.

"mag bestfriend kayo? "-gulat na tanong ni Pia

         Ngumit ulit si Acy na siyang kinamutla ni Jaiden. Nanatili ring nakatitig ang transferee kay Acy.

"oo naman, hahaha. Diba bes? Ahas?"-nakataas ang kanyang kilay at hinead to toe ang tranferee.

"uhmm. Wala akong alam sa sinasabi mo. "-halos hablutin ko ang buhok niya ng bigla siyang nagbalat kayo. Kanina lang parang ang angas at ang taray niya pero sa harap ni Acy tiklop siya na akala moy isang anghel.

WHEN HATE TURNS LOVEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن