Chapter 13: Irritated

67 33 1
                                    

[Acy's Pov] 

         Hindi kami sabay ni Steve ngayon papuntang school. Nauna kasi yung loko at atat na daw na makita si Adri. Dumeretso ako sa StuCo at napagdesisyonan na hindi a-atend sa first subject. Math kaya yun! Ayokong pumutok ang mga nerves sa utak ko. Hinalungkat ko ang laman ng bag ko at laking gulat ko ng makita na nandirito ang cellphone ko. Bigla kong naalala na si manang Firm pala ang nag-ayos ng gamit ko. Sandamakmak na messages ang galing sa kambal na sina Adri at Carly, ang nakakaagaw atensyon ay ang mensahe galing sa unregistered number. 

~~~~~~~~~

From: unregistered number 

"Good morning :)"

-----

"Ba't absent ka? :( "

-----

"Asan ka? :'( "

-----

"Ilang araw kanang absent ahh, nag aalala na ako sayo :("

-----

"Miss na kita Acy... :'( "

-----

"Magparamdam ka naman. :( "

-----

"May nangyari ba sayo? Ayos ka lang ba? :( "

-----

"Miss na miss na kita... sobraaa -_- "

~~~~~~~~~

        Sino to? Maka pm sakin akala mo parang close kami ahh. May hindi paako nababasa at taktee! Parang may nagtutulak saakin na basahin ang tatlong mensahe niyang natitira. Osige! Pagbigyan na. 

~~~~~~~~~~

From: unregistered number 

" Acy...my baby :( "

-----

"Nami-miss ko na ang sadistang babae na palaging naiirita saakin. At ikaw yun. :( "

-----

"Saranghaeyo! Acy my baby. Miss na kita. :( "

~~~~~~~~~~

         ⊙_⊙ si nerd??? What the?! Stalker talaga to! Pati ba naman cellphone number ko meron siya? Nag-alala siya? Na mimiss niya ako? Sa kabila ng kamalditahan kong pinapakita sa kanya....ayy! Nakuu Acy, nag jo-joke lang yung mokong nayun. 

"Bwaaaaaaaaaaah!!! "

"Ay kabayong bakla! "

        Nahagis ko ang cellphone ko sa sobrang pagkagulat. At nasalo naman ng loko. Perfect timing ah! And speaking of the devil, andito siya ngayon sa harapan ko na naka ngisi. Bwisit! 

"Acy my babyyyyyy! "-sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit

        *sniff*sniff* ambango!  *_*

" ano ba nerd! Nangririndi ako! Dumestansiya ka nga! "-tugon ko

       Agad naman siyang kumawala at hindi parin maalis-alis sa labi niya ang ngiti. 

"tigilan mo nga yan. Nagmumukha kang tanga. "-sabi ko

        Inayos ko ang bag ko at nilagay sa loob ang cellphone ko. 

"yieeeee! Kinikilig ka noh? Yung mga messages ko sayo. Ang sweet ko kaya dun ^_^ "-sabi niya

       Aba't pinagmamalaki pa ah. 

"Pwehh! Pake ko? "-sabat ko at tinaasan siya ng kilay

"Grabe ka naman Acy my baby "-nerd

"Ba't ka nandito? Hindi pa tapos ang first subject ah. "-tanong ko

WHEN HATE TURNS LOVENơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ