Chapter 26: He's my boyfriend

55 27 0
                                    

[Stacy's pov]

"Dad, kamusta pala yung appointment mo together with Mr. Bruise?"-tanong ni kuya kay Daddy na abala na pagbabasa sa isang website.

        Nasa terrace kami ngayon. Ako,si kuya ,Steven, at si Dad, si Aleannah kasi tulog na. Minsan lang kami ganito. Busy kasi si Dad palagi sa business niya. Mabuti nalang ngayon at bihira nalang ang pag a-out of town niya.

"successful. Pansamantala muna sila dito sa Pinas ng anak niyang si Brittany."-sabi ni Dad

"Brittany? Ahh! Siya yung fiance ng kaibigan ko."-singit ni Steven habang naglalaro ng dota sa laptop niya.   

"Siguro yun ang dahilan kung bakit gustong-gusto ni Brittany na pumunta dito sa Pinas."-tugon ni Dad. Tumayo ako at tumingin sa kalawakan. Op ako sa kanila eh. Hindi ko rin naman kasi kilala yung Brittany daw. Woah! Ang daming stars.

*bzzzzt*bzzzzt*bzzzzt*

        Biglang may nag bell sa gate. Napatingin ako sa baba. At kahit medyo may kalayuan dahil hanggang 3rd floor tong bahay namin ay malinaw na malinaw kong naaninag ang taong iyon. Bakit siya nandito? Napatingin ako sa relo ko. 7pm na bakit lumalabas pa siya?

"Acy? Are you alright?"-tanong ni Dad 

         Can he sense something? According to kuya,may similarities daw yung peculiarty namin ni Dad. So it's very possible na may nakikita siya kahit na ilang metro pa ang layo nito sa kanya.

"Dad,wait lang. May titingnan lang ako sa baba."-sabi ko at akmang aalis na

"no. Pinagbuksan na yun ni Manang Firm."-wika ni Dad

"Dad could see everything around him as in 360 degrees and his eyesight limit is 3 kilometers."

        Halos mapatalon ako ng marinig ko ang inner voice ni kuya. So kaya pala kahit 300 meters pa ang layo saakin ay may kakayahan akong makita ito ng malinaw. Pareho nga talaga kami. Nanatili nalang ako sa terrace habang binabantayang bumukas ang pintuan.

        Ilang minuto ang lumipas bago makarating dito si nerd. Ano ba kasing ginagawa niya dito? Tapos na ang usapan kanina ah.

"good evening po sa inyo."-nakangiting wika ni nerd saamin

        Sinamaan ko siya ng tingin pero imbes na matinag siya ay kinindatan niya lang ako.

"good evening. What brought you here hijo?"-tanong ni Dad sa kanya. Bakit parang normal lang yung pakikitungo ni Dad kay nerd? Kanina ko pa yan napapansin nung kinausap niya kami sa guidance office.

"have a sit first..."-sabi ni kuya at tinuro ang upuan na malapit saakin. Arghh!

"Hello brother-in-law."-parang timang na sabi ni Steven. Bwisit. Bakit pa kasi siya pumunta dito?!

"Acy?"-Dad

"yes Dad?"-sabat ko

"hindi mo man lang ba kakausapin si Jaiden.?"-tanong ni Dad

"wala namang dapat pag usapan."-sabi ko at napairap sa kawalan.

"Acy my baby. For you."-tugon ni nerd na ngayo'y nasa harapan ko at inabutan ako ng isang boquet ng red roses. Amoy na amoy ko yung bango ng bulaklak. Gusto ko itong amoyin. Tiningnan ko ito.

"hindi ako patay para bigyan mo ng bulaklak."-wika ko at humalikipkip sa harapan niya.

"uyyy! Pakipot pa si kambal eh! Pero deep inside kinikilig na yan.. Yieee~"-kantyaw ni Steven. Ang isang to talaga nakakabwisit na!

"heh! Tumigil ka diyan!"-bulyaw ko.

"Acy tanggapin mo na. Hijo,ano nga pala yung pinunta mo dito?"-singit ni Dad

WHEN HATE TURNS LOVEWhere stories live. Discover now