Chapter 31: He's my property!

41 21 0
                                    

[Stacy's pov]

        Malakas akong bumusina pagkarating ko sa front gate ng school namin. Naalimpungatan si guard at dali-daling binuksan ang gate medyo nanlaki pa ang mata niya ng malaman niyang ako ang papasok. Pinarking ko na ang kotse ko at agad na lumabas para tunguhin ang office ni Tita.

       Ramdam kong nag vibrate ang phone sa bulsa ko, hinayaan ko lang ito at hindi na nag aksaya pa ng oras para i-check kung sino ang tumatawag. Habang naglalakad ako ay patingin-tingin din ako sa paligid dahil parang may sumusunod saakin. Yung feeling na may nagmamasid saakin? O baka napaparanoid lang siguro ako? Hindi naman na nag rarattle ako dahil sa katunayan ay napapalibutan ng ilaw ang paligid. Kaso lang nahagip ng mata ko ang ilaw sa bandang dulo na nag fi-flicker,dun pa naman ang daanan paakyat sa faculty room.

        Patuloy lang ako sa paglalakad na halos takbuhin ko na pagkalapat ng paa ko sa area kung saan patay sindi ang ilaw. May biglang nabuo na imahinasyon sa utak ko pero agad ko itong iwinaksi dahil sa katotohanang hanggang imahinasyon lang yun. Nasa Laboratory na  ako at isang room nalang ay  Faculty room na agad.

"Stacy~~~"

        Mahina ngunit rinig na rinig ng dalawang tenga ko. Pakiramdam ko tumindig lahat ng balahibo ko. Gosh! Ang pangit na nga ng boses ewan ko lang talaga ang mukha nito!

"Stacy~~~"

        Napahinto ako at biglang napalunok. Pakiramdam ko binabalot ng kung anong aura ang paligid ngayon. Ramdam ko ang titig niya saakin kahit na hindi ko alam kung may nakatitig nga ba saakin. Bigla akong naalarma ng natumba ang trashcan sa gilid ng laboratory it means may papalapit saakin ngayon. Agad kong inilabas ang silencer na hinigit ko mula sa bewang ko, mabilis ko siyang binalingan at tinutukan ng baril.

"ssssssssss."

         Nangatog bigla ang tuhod ko ng isang malaking ahas ang nasa harapan ko at handang tuklawin ang kahit na sino mang haharang dito. Pinaputukan ko siya at tinarget ang mata kaso lang mabilis itong gumapang palayo kaya daplis ang natamo niya sa bandang ulo nito.

"hushhhhhhhh"-someone spill out. Alam kong tao yun! Ngayon ko lang napagtanto na kanina ko pa yan naririnig nung paputukan ko ang ahas. Sino yun?

          Binaba ko na ang baril ko at tagaktak ang pawis ko ngayon. Ahas...isang kulay itim na malaking ahas. Alam kong may nag mamay-ari nun.

         Bumuntong hininga ako bago itago muli ang silencer sa tagiliran ko. Mabuti nalang at nadala ko ito. Pipihitin ko na sana ang door knob sa faculty room ng may biglang tumawag saakin. Nagpalinga -linga ako at sa kalayuan ay may naaaninag akong bulto ng tao, 2 kilometers ang pagitan namin. Pinagmasdan ko lang siya habang papalayo at sa hindi inaasahan ay tumigil siya at humarap sa direksyon ko. Dumiin ang hawak ko sa damit ko ng makita ko ang mga mata niya. Kulay pula at idagdag mo pa ang nakakakilabot niyang ngiti.

         Nakakurap-kurap ako dahil baka namamalik mata lang ako. Tumingin muli ako sa kinaroroonan niya pero walang ni isang tao ang mababakas doon. Sino siya?

"next week na po ang awarding Ms. Principal."-rinig kong tinig ni Treny na assistant ni Tita

        Hindi ko muna binuksan ang pinto at okay...nakikichismis lang naman. Napakunot noo ako,awarding? May plano si Tita na umattend?

"thanks for the info Treny,you can go now."-wika ni Tita

        Narinig ko ang mga yabag na papalapit sa pintuan kung saan nandito ako na nakasandal.

WHEN HATE TURNS LOVEWhere stories live. Discover now