Chapter 37: Envoy and Daff

28 16 0
                                    

[Stacy's pov]

"ateee! I miss you po!"-masigla niyang sabi sa kabilang linya. Pwede ng masira eardrums ko sa kanya sa lakas ng pagkasabi niya nun.   

"I miss you too honey!"-sabi ko at napairap sa sarili. Ang sweet ko na talaga ngayong ate!

"ate? Nandiyan ba si kuya Aidy?"-napasimangot ako ng marinig ko ang pagkasabik sa boses niya.

"wala. Nambabae siya Yana. Hindi kami magkasama ngayon."-sagot ko sa kapatid kong napabuntong hininga.

"what? Pero ate,don't worry. Ikaw naman papakasalan niya eh. Yieeee! "-kilig niyang sambit. Ilang beses palang silang nagkita ni nerd, pero botong-boto na siya dito. Ano bang nakain neto?

"nag jo-joke lang siya sa sinabi niya. Yana kamusta diyan sa bahay?"-hindi maiwasan kong tanong dah dito na ako nag s-stay sa condo.

"ganun parin ate. Si kuya lang ang palagi kong kasama. Si Daddy busy sa work minsan ko na nga lang siyang maabutan sa umaga. Tapos si Kuya Steven, palaging late umuuwi."

"late umuuwi? Anong ginagawa niya?"-tanong ko

"sabi daw, nag de-date sila ni ate Adri ganda."

"ah okay. Sige Yana may gagawin pa si ate eh, ingat ka palagi ah? Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka. Mag-aral kang mabuti."-bilin ko sa kanya

"masusunod po ate. Bibisita ako diyan sa condo mo kapag free time mo at wala akong pasok. I love you po!"-sabi niya na ikinangiti ko

"sige ba. Bibisita ka dito tapos ipapasyal kita at mag bo-bonding tayo. I love you more Yana honey!"-sabat ko sa kanya

          I-nend ko na ang call at binagsak ang sarili sa higaan. Anong pinagkakaabalahan mo ngayon kambal? Eh hindi naman kayo nag de-date ni Adri. Pati rin ba ikaw maglilihim saakin?

         Agad akong nag ayos ng sarili ng may maalala ako. Pupuntahan ko siya ngayon. Kaka simba ko lang pero hindi parin ako tinatantanan ng kuryusidad. God enlighten me please.

         Tinungo ko ang masikip at madilim na eskinita papunta sa pinagtataguan niya. Medyo nanindig ang balahibo ko ng bumungad saakin ang kakahuyan kung saan walang katao-tao at ang nakakabinging katahimikan. Naiihi na ako sa pagkakataong ito, hindi ako natatakot na may mangyari pero tangina! Inaatake na naman ako ng phobia! Medyo malayo pa ang nilakad ko bago ko tuluyang masilayan ang bahay niya. Concrete ito at napapalibutan ng disenyo. Maliit pero ang ganda. Good for one family.

"Acy?"-halos mapatalon ako ng makita ko siya sa harapan ko. Hindi ko siya napansin sa paglilibot tingin ko sa bahay niya.

"Tyra. "-pagkasabi ko nun, ay isang mahipit na yakap ang sinalubong niya saakin. I miss her. I miss my spy girl.

"I miss my boss. Haha."-wika niya at inakay ako papasok.

"anong nais mong malaman Acy?"-sabi niya sabay abot saakin ng juice. Inilingan ko lang ito. Hindi kasi ako nakikiinom sa ibang bahay. Gawain ko na yun mula noon.

"haha. Hindi ka parin talaga nagbabago."-iiling iling siyang natawa

"Tyra,alamin mo lahat tungkol sa Jedi Praxeum Academy."-nakita kong biglang sumeryoso ang mukha niya.

"Jedi Praxeum? Sa pagkakaalam ko delikado ang lugar na yun lalo na't may gubat sa likurang bahagi ng eskwelahang yun."-wika niya at nangalumbaba.

"basta Tyra, do what I said. Sa Saturday pumunta ka sa bahay saktong-sakto na tapos na ang awarding nun. Sabihin mo saakin lahat ng nadiskubre mo. "-napatango naman siya sa sinabi ko. Sa lahat ng utos ko sa kanya ni isa ay wala pang palpak. Pero baka ngayon palang.

WHEN HATE TURNS LOVEWhere stories live. Discover now