Chapter 22: Blue Teddy

56 31 0
                                    

[Stacy's pov.]

"sigurado ka bang makakapag drive ka ng maayos?"-tanong ni Carly

        Nandito kami ngayon sa parking lot. Ako,si Carly,Adri,Steven,Zen,at Friv. Lahat kasi kami ay may kanya-kanyang kotse.

"yeah."-tipid kong sagot at pumasok na sa loob ng kotse ko.

"Acy,are you sure? Gusto mong ipag-drive nalang kita?"-pagmamagandang loob ni Zen.  

"No thanks. I could manage."- napatango lang siya sa sinabi ko.

        Tiningnan ko sila isa-isa ng mapagtanto kong may kulang.

"where's Pia?"-I asked

         Biglang napatingin si Friv kina Adri at Carly. Nagkibit balikat lang si Carly habang si Adri naman ay mukhang badtrip. Pinasadahan ko din ng tingin ang kambal ko,ganun din siya...mukha ding batrip. Nag LQ na naman ata sila. Tsk.

"uhmm. Sabay kaming nag lunch kanina,then hindi ko alam kung saan siya pumunta."-Friv

"hah? Paanong ganun? Sabay kayong nag lunch tapos bigla siyang nawala? Yung tipong na abduct ganun?"-tanong ni Carly habang nakataas ang kanang kilay

"tss. Sa palagay mo uso ang alien dito para may maganap na abduction?"-sulpot ni Zen

"porket may salitang abduct may alien agad? Malay ko bang puro alien yang pinapantasiya mo!"-Carly.

"tumigil nga kayong dalawa. Ganito kasi yun,sabay kaming nag lunch tapos nung papunta na kami sa library kasi tuturuan ko siya sa math ay bigla kong nakita si Brittany at nung ipapakilala ko sana siya...yun! Wala na siya. Hindi ko alam kung saan nagpunta."-tugon ni Friv

"okay. I have to go guys."-sabi ko sa kanila

"kambal,please tell kuya Seven na baka gabihin ako ng uwi."-malamig niyang tugon na rinig ko din naman kasi hindi pa nakababa ang glass window ko.

          Tinaasan ko siya ng kilay.

"may pupuntahan lang ako Acy. Just please."-Steven

"okay."-ako

"psh! Mambababae yan malamang!"-nakabusangot na sambit ni Adri habang nakasandal sa kulay pink nilang kotse ni Carly

"sabihin mo lang kung nagseselos ka. Ayaw pa kasing aminin."-nakangisi na wika ni Steven

"hey! Ba't naman ako magseselos? At tsaka, hanggang bestfriend lang ang turing ko sayo."-Sabi ni Adri at napakagat labi.

"malay ko. Baka nahulog kana sakin eh. Sa gwapo ko ba namang ito. Tsk! No one can resist my charm."-pagmamayabang ni Steven

"And I am the only exception!"-mariin na wika ni Adri at sinenyasan si Carly na pumasok na kotse. Agad din namang bumusina si Adri ng makapasok siya sa loob. Kumaway siya saakin at tinanguhan ko lang siya at pinagmasdan ang Bugatti niyang kotse na palayo.

"siraulo ka talaga Steven!"-bulyaw ni Zen kay Steven na ngayon ay parang pasan ang mundo.

"I don't have any choice pare."-Steven.

           Sinarado ko na ang glass window ko at bumusina din sa kanila. Agad kong pinaharurot ang kotse ko palabas ng university. Habang nagmamaneho,pumasok sa utak ko ang sinabi ni Steven. He doesn't have any choice?  Anong nangyari sa kanila ni Adri? For sure,may conflict na naman sila.

          Naisipan kong dumaan muna sa mall. 5:32 pm palang naman kasi. Tumungo ako sa isang boutique para bumili ng dress ni Aleannah. Wala lang,gusto ko lang siyang sorpresahin. Isang kulay asul na damit ang napili ko na may maraming beads at sequence sa upper part ng dress at sa waistline. Bumili na din ako doll shoes na bumabagay sa dress. Nang mabayaran ko na ito ay agad akong pumunta sa parking lot.

WHEN HATE TURNS LOVEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora