Chapter 42: Target

21 4 0
                                    

[Her pov]

          Nakahalukipkip ako habang pinagmamasdan sila na nag paplano sa mangyayari na awarding. Malapit na, malapit ka nang mabura sa mundong ito. Yan ang pumasok sa isipan ko at payak na napangiti.

"mukhang masaya ka binibini? "-tugon ni tito at tumabi saakin. Nginitian ko lang siya at ibinalik ang atensyon ko sa harap.

"magsuot ka ng kulay dilaw. Tiyak na magtutugma ang damit niyong dalawa sa nalalapit na okasyon. Nakapaghanda ka na ba? "-tito

          Sinulyapan ko siya at agad na tumango.

"handang handa na ako na ipamukha sa kanya na ako lamang ang nababagay sa anak mo."-pilyo akong napangiti

"magaling! Wag mong hayaang iwanan siyang ligtas. Kung pwedeng sunduin siya ni kamatayan, gawin mo hija."-hindi ako sigurado sa sinabi ni tito bago niya ako iwanang lutang dito.

            Napabalik ako sa ulirat ng mag ring ang phone ko kaya agad ko itong kinuha at sinagot. Ni hindi na ako nag abala pang tingnan kung sino ang tumatawag.

"Mamaya, tandaan mo ang suot niya. Sapagkat masquerade ang theme, mas mahihirapan kayong hagilapin siya."

         Nabigla ako sa puna niya saakin. Pasimple kong tiningnan ang contact ng mawari kong unregistered number ito.

"anong ibig mong sabihin? "-tanong ko sa kanya

"maroon dress, red velvet mask, red as blood stiletto, with long black curly hair.-"-hindi niya tinuloy ang sinasabi niya kaya napaimik ako

"and then? "-sambit ko at uhaw sa susunod na salitang bibitawan niya

"therefore, She's the target for the upcoming event. Be thankful kid."

         Should I thank that unknown? Or Should I fear the trapped that coming?

[Stacy's pov]

         It's already 9 am, but here I am. Still lying in my precious bed. Pinagmamasdan ko lang ang ceiling at tila wala akong planong bumangon. Bed is life, bat pa ako babangon diba? Kung pwede lang sana matulog forever, ginawa ko na.

          May narining akong ilang katok mula sa pinto.

"Baby? Bumangon kana diyan, mag-aayos kapa ng sarili mo. "-ani kuya

"ten minutes kuya, susunod ako."-tugon ko at tanging okay lang ang sinabi niya.

         Mamaya, they will declare the top richest family. And for sure, aatend lahat ng former top.

"wear a royal blue dress, yan ang bilin niya saakin na sabihin sayo"

          Agad na sumagi sa isipan ko ang binilin ni Sofia. Alam niyo ba kung gaano ako kagalit sa babaeng yan? Galit na galit ako sa kanya to the highest level! That Sofia, ang nakakatandang ate ni Nery. May nakaraan sila ni Kuya, and yes naging sila nga.

          Umabot sila ng mahigit isang taon ngunit nagulat nalang kaming lahat ng iwan niya si kuya at pinagmukhang tanga. Balisang balisa si kuya nung mga panahong yun, dumagdag pa si Dawn na best friend ni Sofia, isa rin yun! Siya ang nagsilbing mensahera ni Sofia, but later on we find out na kalokohan lang din pala. Halos sumabog ako sa ginawa nila kay kuya.

         For the first time nakita ko si kuya na miserable, tulala at tila wala sa kaniyang sarili. Mabuti nalang dahil sa mga panahong yun ay natauhan na ako. Bago paman lisanin ni Sofia si kuya, ay nauna na akong nilisan ng kapatid niyang si nery. Pinagplanuhan pa talaga!

WHEN HATE TURNS LOVEWhere stories live. Discover now