Chapter 14: Welcome Home Dad

59 33 1
                                    

[Steven's pov]

Nagising ako sa katok sa pintuan. Ano ba naman! Inaantok pa ako eh.

"sino yan?"-ako

            Hindi parin natigil sa pagkatok at hindi man lang sumagot.

"hoy inaantok pa ako. Mamaya mo nalang ako bulabugin."-ako

"ANONG HOY?! HOY KA RIN STEVEN! TSE!"

            Anak ng tipaklong! Si Adri pala. Teka?--- andito siya? Agad akong bumangon at dali-daling inayos ang sarili ko at pinagbuksan siya ng pinto.

"hihi. Ikaw pala Adri."-bati ko sa kanya

" nyenye mo!"-sabi niya na naka simangot at tuloy-tuloy lang sa pagpasok sa kwarto ko. Feeling at home talaga to. Haha

"bat ka nga pala nandito?"-ako

"ay? Hindi ako welcome? Cge cge aalis na."-siya. At akmang lalabas

"hey! Hindi naman sa ganun. What I mean is...-"-ako

"Bad mo! Ikaw kaya nagsabi kanina na pupunta ako dito. Kasi tu-tutoran moko sa Filipino subject natin. Tapos magtatanong ka kung bat ako naparito?"-siya

            Ay tsk! Oo nga pala. Nakalimutan ko.

"sorry na sorry. Adri nakalimutan ko kasi."-ako

          Nakatalikod parin siya kaya nag back-hug ako sa kanya.

"Bad mo steve!"-sabi niya at kumakalas sa pag kakayakap ko. Pero hindi parin niya maalis-alis ang kamay ko sa bewang niya. Hanggang sa palag siya ng palag sanhi ng pagkatumba naming dalawa sa kama.

          *gulp* nakapatong ako sa kanya at bakas sa mukha naming dalawa ang pagkagulat. Ramdam ko ang hininga niya sa sobrang lapit namin sa isat-isa. Konting galaw lang ay paniguradong magtatama ang mga labi namin. Ilang segundo pa ang lumipas ganun parin kami. Hanggang sa...

"Hoy kayong dalawa. Kung may kababalaghan man kayong gagawin diyan,matuto kayong mag lock ng pinto hindi yung live."sabi ni Acy at umalis

         Agad-agad kaming tumayo at nagtinginan sabay naman iwas. Tengene! Naiwan palang bukas ang pintuan ng kwarto ko. At ang masasabi ko lang sa ngayon ang 'awkward ng atmosphere' -_-

"uhmm. S-sorry ulit Adri,it's my fault."-ako

"no! It's mine. Ughh. Nevermind it Steve. Cge baba muna ako hintayin nalang kita sa salas. Ayusin mo yang sarili mo nagmumukha kang dugyot."-siya

          Aba! Ano kamo? Ako,dugyot? Nahh ahh!

"sa gwapo kong to? Isang hamak na dugyot?"-ako

"feelengero ka rin eh. Porket maraming humahabol sayong mga babae gwapong-gwapo kana sa sarili mo. Haha"-siya

          Inakbayan ko siya sabay pisil sa pisnge niya.

"bakit? Isa kaba sa naghahabol? Hahahah."-ako

"nahh ah! Never! Haha. Dyan ka na nga."-siya

             Umalis na siya. Iniwan na ako. Okay cge,sanay naman na akong iniiwan. Tokwa! Napano ba ako? May pahugot-hugot pa.akong nalalaman. Tsk. Makapag ayos na nga lang.

[Adri's pov]

Naglalakad ako papuntang salas,pero hindi parin maalis sa isipan ko ang salitang binitawan niya. 'bakit? Isa kaba sa naghahabol? Hahaha.'

Paano kung sinagot kong 'OO' isa ako sa naghahabol sayo. Tanga ko nga lang,kasi bat paako umaasa eh alam ko namang hanggang kaibigan lang ang mapapala ko. Tss. Adri ano ba! Tumigil-tigil ka nga diyan sa nararamdaman mo para sa bespren mo. -_-

WHEN HATE TURNS LOVEΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα