Chapter 32: She got mad

38 20 0
                                    

[Stacy's pov]

       Damn! Saan na ako pupunta ngayon? Patuloy sa pagtulo ang luha ko. Nakakatakot! Natatakot ako na mawala siya saakin. Ayoko! Ayokong lisanin niya din ako. No nerd,not now...don't go...don't leave. I love you.  

        Nagsimula na naman ako sa pagtakbo ng marinig ko sila. Hingal na hingal na ako at idagdag mo pa ang mga natamo kong sugat. Bigla nalang akong natumba ng may tumamang pana sa aking paa. Napatingin ako sa tumira saakin.

"go with us Aera and you won't get hurt."-sabi niya ulit at itinago ang armas niya. Ginapos ako ng dalawa niyang kasama at dinala sa empty room na kulay pula. Shete! Naiihi na ako! Ayoko sa dilim! Kahit na anong pumiglas ko ay wala akong laban dahil sa sugatan na ako. Walang ano-anoy may bumungad saamin na babae. Nasa harapan ko siya ngayon at may suot na mascara. Naka all black ang suot niya at kahit ang kulay ng kuko niya ay itim din.

"well,well,well,... Nice to see you Aera."-panimula niya at inangat ang baba ko. Ni hindi ko na magawang magsalita dahil sa pagtitiim ng bagang ko. Bakit nanghihina ako ngayon? Gusto kong lumaban pero hindi ko magawa dahil alam ko sa sarili ko na wala akong sapat na enerhiya para depensahan ang sarili ko.

"anong kailangan niyo?!"-sabi ko sa kabila ng matinding kaba.

        Imbes na sagutin niya ako ay isang suntok ang natamo ko sa sikmura. Napaawang ang bibig ko at hinihintay na lumabas ang dugo dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"ano ba Aera! Lumaban ka! Palabasin mo ang totong pagkatao mo! Lumaban ka!"-pag hamon ng babae saakin at kasabay nun ay binitawan ako ng dalawang lalaking gumapos saakin. Napasalampak ako sa sahig habang hawak-hawak ang sumasakit kong sikmura. Pinilit ko ang tumayo kahit hirap na hirap na ako. Tiningnan niya lang ako at tila inip na inip dahil sa hindi ko paglaban.

"saan niyo siya dinala? S-saan?!"-medyo napasigaw ako ng maisip ko si nerd. Kinuha nila si nerd. Inilayo nila si nerd saakin.

"Aera,gumising ka! Kalaban siya Aera! Isa siyang traydor!"-mariin niyang wika at sinuntok na naman ako sa labi.

        Natikman ko ang sarili kong dugo dahil sa pagputok ng labi ko.

"wag niyo siyang ilayo saakin,pakiusap. "-sabi ko habang pinupunasan ang dugo sa pumutok kong labi.

        Isang ngisi ang pumorma sa labi niya.

"Aera, ikaw nalang ang natatanging pag-asa. Wag kang magpalinlang sa isang traydor. Lumaban ka! Ipaglaban mo kaming lahat. Ikaw lang ang may taglay niyan. Ilabas mo ang nakakubli mong pagkatao. Ang pagkatao mong handang pumatay para sa kapayapaan ng lahat. Aera, lumaban ka."-sabi niya at pagkatapos nun ay unti-unti na siyang nawala sa aking paningin.

Aera lumaban ka...

Aera lumaban ka...

Aera lumaban ka...

"Haaaaaaaaah!"-isang malalim na buntong hininga ang pinakawala ko.

        Napasandal ako sa kama at inusisa ang sarili ko. Isang panaginip na naman! Pero natigilan ako ng may naramdaman akong kumikirot sa bandang balikat ko. Tumayo ako at humarap sa human size mirror dito sa kwarto ko. Isang sugat na namamaga ang natamo ko?

*ring*ring*ring*

...Kuya Seven Calling...

        Agad ko itong sinagot. Nang bigla kong naalala na puteks! Nalasing ako? Bigla ko namang tiningnan ang suot ko at nakapagpalit ako. Sino ang nag asikaso saakin?

WHEN HATE TURNS LOVEWhere stories live. Discover now