Chapter 11: Fast Recovery

70 35 2
                                    

[Stacy's Pov]

      Napamulat ako mula sa pagkaidlip nang may marinig akong isang pamilyar na boses na kumakanta. Bago paman ako pumunta kung saan yun naroroon, dinama ko muna ang malakas na ihip ng hangin at pinakinggan ang naglalaksang huni ng mga ibon. Pinikit ko ang mga mata ko saglit at minulat pagkatapos. Nandito lang pala ako sa background ng JP(Jedi Praxeum) Academy. Narinig ko na naman ulit ang pamilyar na boses. 

~♪Take time to realize♪~

~♪That your warmth is crushing down on in♪~

~♪Take time to realize♪~

~♪That I am on your side♪~

~♪Didn't I, didn't I tell you?♪~

            Sa pagkanta niya ramdam ko ang pighati at lungkot na kanyang nadarama. Sinundan ko lang kung saan nagmumula ang boses na yun. Dinala ako ng mga paa ko sa lugar na kung saan makikita ang namumulaklak na mga bulaklak at ang nag iisang kahoy sa gitna nito. Nakaupo sa malaking ugat na nakakonekta sa kahoy ang tao na pinagmumulan ng pamilyar na boses. 

~♪But I can't spell it out for you ♪~

~♪No,its never gonna be that simple♪~

~♪No, I can't spell it out for you ♪~

            Sa bawat kataga na kanyang binibitawan, mararamdaman ko kung gaano kabigat ang kanyang nararamdaman. May gusto siyang ipahiwatig pero hindi niya magawang sabihin. 

~♪If you just realize what I just realized♪~

~♪Then we'd be perfect for each other ♪~

~♪And we'll never find another ♪~

~♪Just realize what I just realized♪~

~♪We'd never have to wonder if♪~

~♪We missed out on each other now♪~

          Bigla nalang nag-unahan sa pag agos ang mga luha ko sa hindi malamang kadahilanan. Pakiramdam ko nakikisabay rin ako sa nararamdaman niya. Yung sakit... Yung sakit na naramdaman ko sa nakalipas na ilang taon ay pilit na bumabalik na tila ba'y ang sariwa pa. Yung sakit na dinulot ng kaisa-isang taong pinagkatiwalaan ko at minahal sa mahabang panahon ay ngayo'y walang pakealam sa nararamdaman kong to. Ang taong nagbigay ng kulay sa buhay ko, at ang taong naging isa sa mga inspirasyon ko ay siya rin ang taong nang-iwan at nagdulot ng matinding sugat dito sa puso ko. 

         Tama na Stacy, hindi siya deserving sa mga luha mo. Tama na ang mahabang panahon sa pagpapakatanga. Nakakapagod ang umasa sa mga taong paasa. Agad kong pinunasan ang mga butil na luha ko ay inayos ang nagusot kong damit sabay chin up. Nasaktan man ako... pero kailangan kong bumangon para sa sarili ko. Marami man ang nagbago sakin, marami man akong pinagsisihan at marami mang luha ang nasayang.... Kailangan kong lumaban kasi kahit anong mangyari patuloy parin ang buhay. 

"Bakit ka nandito? "-tanong niya

         Nagulat ako sa tanong niya.  P-paano niya nalaman na may tao dito? Na nandito ako? Nakatalikod siya! 

"I could feel your emotions from beyond natural realms of yours ."-dagdag niya

           He was able to feel emotions? So.... He is?.... 

"what are you?! "-tanong ko ng walang pag-aalinglangan

"katulad mo... 


.....hindi karaniwang tao. "-sabat niya at humarap saakin

          ⊙_⊙??? nasindak ako sa nakita ko.

WHEN HATE TURNS LOVEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora