Chapter 38-The Son

Bắt đầu từ đầu
                                    

Napangisi na lang ako.Ganito pala 'yon.Iyong 'di nga kami o 'di ko siya girlfriend pero kailangan kong patunayan sa kanya na totoo ang nararamdaman ko.

Ngayon ko lang din na-realize na boring pala ang naging relasyon namin ni Eunice dahil walang ganitong nangyayari.

"Vincent,anak..."

Napalingon ako kay mommy na nakasandal na pala sa amba ng pintuan habang tinitingnan ako na miserable.

"Hi mom.Akala ko ba matutulog na kayo ni dad?" tanong ko habang nilalapag ang hawak kong goblet.

"Naku,paano ako makakatulog kung nakita kitang papunta dito,aber,ha?"

Lumapit siya sa akin at tumabi ng upo.

"At ang daddy mo,nag-a-alala din sa iyo.Kaya hinayaan niya na lang muna ako na samahan ka dito.And now,tell me nak.What is your problem?" seryosong tanong niya.

Pinasadahan ko lang siya ng tingin at binawi naman ito.Napapansin na rin siguro nila ang pagiging miserable ko.

"I'm in-love mom." amin ko kaagad.

Nakita ko ang nagtataka niyang tingin sa akin habang nangungunot ang noo.

"Ikaw lang talaga ang in-love na problemado at 'di blooming anak." saad niya.

"Iba kasi ang sitwasyon namin mommy.Mahal ko siya.Pero alam kong 'di sapat ang ipina-pakita kong pagmamahal sa kanya kaysa pananakit ko ng damdamin niya noon." bumuntong-hininga ako. "Ang dami kong gagawin para mapaniwala siya at bumalik ang dati niyang pagmamahal sa akin.Marami akong haharapin na tao para patunayan na mahal ko siya, mommy." patuloy ko.

Napakunot naman ng noo si mommy.

"Sino ba 'yan nak?Baka may ipapayo ako sa iyo.Alam mo naman,pagdating sa pag-ibig eh expert 'tong nanay mo." anito na may halong pabiro. "Tell me, kilala ko ba 'yan?Kilala na namin ng daddy mo 'yan?"

"Yes mom.Kilalang-kilala niyo." sagot ko habang nilalaro-laro ang hawak na goblet na may laman pang alak.

"Hm.Si Bernice ba?" tanong nito at saka ngumiti ng nakakaloko.Kita ko rin ang pagkislap ng mga mata niya.Pero saglit lang 'yon dahil umiba ang ekspresyon niya na tila ba may na-realize.

"Yes mom."

Tumingin ako sa kanya at saka nahihiyang binawi ang paningin.Nakaramdam ako ng hiya sa aking sarili.Ito na nga ba ang sinasabi ko.Baka tumutol sila dahil sarili kong kinakapatid ay tinalo ko pa.

Tumungo ako upang maikubli ang kahihiyang nadarama ko ngayon.

"I'm sorry mom." basag ko sa saglit na katahimikan. "Pinigilan ko ang h'wag mahulog sa kanya.Believe me mom,i hurt her a lots.Para layuan niya ako.Kasi iniisip ko na kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya.But i can't help myself to fall in-love with her.Habang tumatagal,lalo ko siyang minahal.A-akala ko noon,isa siyang panira sa relasyon namin ni Eunice.Pero mali pala ako dahil noon pa pala,mahal ko na siya.Mahal ko na siya dahil sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang ibang lalaki,nagagalit ako ng sobra.Akala ko concern lang ako sa kanya dahil kapatid na ang turing ko sa kanya.Pero nitong huli,na-realize ko na mahal ko na pala siya noon pa-noong kahit mga bata pa kami." mahaba kong paliwanag at pag-amin kay mommy.Tama ang mga sinabi ko.Noon ko pa pala mahal si Bernice.Noong mga bata pa kami.

Sa tuwing makikita ko siya noon,may kakaiba na akong naramdaman sa kanya kahit wala pa akong muwang sa mundo.Ina-asar ko siya lagi para mapansin niya ako.Ako palagi ang naglalagay ng pagkain sa plato niya para mapansin niya ako at ma-asar ko siya.

Unlucky PrincessNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ