Chapter 32-Waiting

1.6K 71 4
                                    

AN: Uunahan KO na.Wala munang magrereklamo sa update na to.Salamat.Keep on supporting po.

VJ's POV

"Let's go." nakangiti kong salubong sa kanya ng makita ko siyang bihis na bihis at suot 'yong binili ko sa kanya.

God!Sobrang namiss ko ang babaing ito.'Di ko kasi siya kanina nadalaw dito dahil busy ako sa magiging party ng grandparents ko.At bilang panganay na apo,nakiusap sila na ako ang mag-aayos ng lahat.

Ngayong gabi kasi ang party ng wedding anniversary ng grandparents ko.

"Hindi na pala ako sasama sa iyo VJ." anito na siyang ikinabagsak ng balikat at panga ko.Pagkatapos niyang sabihin sa akin ang mga bagay na iyon ay umiwas siya ng tingin.Halata sa anyo ni Bernice na parang galit siya.

Galit siya?

"B-but why?" nagtatanong ang mga mata ko ng tingnan ko siya.

"May pupuntahan kami ni Alden.Nangako kasi ako sa kanya na ngayong gabi kami lalabas.Dahil naudlot noong pinigilan mo ako." paliwanag nito at saka nilampasan ako dito sa sala.

Nagtagis kaagad ang bagang ko ng marinig ang pangalan ng taong ayokong banggitin niya.

"'Alam mong ngayon ang wedding anniversary party ng grandparents ko,'di ba?" pigil ko ang maghimig-galit para lang huwag siyang mainis sa akin.

"So?" hinarap niya ako. "Too early pa VJ.Alas sais pa lang oh." dugtong pa nito na pinasadahan pa ang kanyang wrist watch.Alas otso pa kasi ang simula ng party.

She's right.Maaga pa. Sobrang excited lang siguro ako na makasama siya ngayong gabi.

"Sige na kuya.Pupunta na lang ako doon mamaya.Papahatid na lang ako kay Alden." anito nang mapansing hindi ako nagsalita.

"Bernice..." wala sa sarili na banggit ko sa pangalan niya. "Please stay..." pagsusumamo ko.

"Stay?" ngumisi siya.Bakit parang ang sungit na naman niya ngayon?Pabago-bago ang modo niya. "Narinig mo naman ang sinabi ko VJ 'di ba?Nangako ako kay Alden,Kuya."

Kuya?

Tinawag na naman niya akong kuya ngayon ng dalawang beses.

"Huwag kang umalis Bernice.Baka ma-late tayo sa party." pagdadahilan ko. Ayoko lang na magkasama sila ni Alden ng ilang oras.Baka mabaliw ako sa kaka-isip nang maaari nilang gagawin.

"I'm going VJ.At hindi mo ako mapipigilan this time." agad akong nilampasan pero papayagan ko ba na maka-alis siya?

No!

"Princess..." pinigilan ko ang braso niya.

"Let her go Vincent."

Napalingon ako nang may magsalita sa likuran namin.Kaagad ko namang binitawan ang braso ni Bernice.

"She's going with Alden."

"No!" matigas na tutol ko. "She's going to my grandparents party, Bernie!"

"Tsk!Baliw ka na nga Vincent." ngumisi siya at umiling-iling.Sinusukat talaga ako ng kakambal ni Bernice. "Hindi ka na ba marunong tumingin ng oras Vincent?" nakaka-insultong tanong nito habang tumatawa ng pagak.

Napakuyom ako ng mga pang-aasar nito sa akin.Si Bernice naman ay hinahayaan lang ang kakambal sa mga sinasabi.

“Sige na sis. Umalis ka na.” utos nito sa kakambal.Habang nagsasalita siya, sinenyasan pa niya ito na umalis na.

Unlucky PrincessWhere stories live. Discover now