Chapter 5-With Someone

2.9K 82 31
                                    

Bernice's POV

“Bro,pasabay ako ah.” mabilis kong hinablot sa tainga niya ang headset na nakasaksak dito.

“What the f*ck Bernice?!” inis na agaw niya sa headset na tinanggal ko sa tainga niya.

Siya si Bernie.Ang kakambal kong weird.Masungit din ito.May sariling mundo.Hindi siya pala-kaibigan na kagaya ko.

Ang sabi ko bro,hatid mo ako sa school.” hindi ko pinansin ang pagsusungit niya at ang kilay niya na halos bumaliktad na sa pagsalubong nito dahil sa inis.

Bro and sis ang tawagan namin.Kasi bata pa kami ay sinanay na kami ng parents namin.

“Hindi mo ako driver Bernice.Doon ka magpahatid sa Vincent na iyon.” sarkastiko niyang saad sa akin.Kahit kailan talaga,Vincent lang tawag niya kay kuya VJ.Bibihira lang siya mag-kuya d'on.Ewan.Pero parang ang init ng ulo niya kay Kuya VJ.

“Eh kasi Bro,maaga ang pasok n'on.” palusot ko.

“Then?I don't care about the reason Bernice.Tsk!” agad niya akong tinalikuran at naglakad na papalabas ng bahay.

“Bernie!Sumbong kita kay daddy!” sigaw ko sa kanya na may halong pananakot.

“I'm scared sis!” balik sigaw niya sa akin at tuluyan nang lumabas.Nasa tunong sarkastiko pa ang sabi nito.

Anong problema princess?” malumanay na tanong ni daddy.Pababa kasi siya ng hagdan.

“Dad,si Bernie kasi.Ayaw akong isabay eh.” nakalabi kong sumbong sa kanya.

“Princess,...” inakbayan niya ako. “....kilala mo naman ang kakambal mo 'di ba?Hayaan mo,si daddy ang maghahatid sa 'yo.Okay ba 'yon ha,princess?” ginulo pa niya ang buhok ko.

“Dad naman eh.” saway ko sa kanya sa panggugulo niya ng buhok ko. “Dad,bakit kasi hindi mo na lang ako paaralin na mag-drive?” tanong ko rito.

“No!” mabilis niyang sagot. “Let's go na Princess.” dugtong pa niya.Alright.Ganyan naman talaga si daddy eh.Ayaw niyang paaralin kami ni mommy sa pagda-drive.Natatakot kasi siya na baka mapaano pa kami.Silang mga lalaki lang daw ang pwede.

Mahirap kasi ang umasa sa driver.Kagaya ngayon,isang driver lang ang naka-duty sa amin kasi nasa leave ang dalawa.

At kapag kay Kuya VJ ako.Ayoko na.Masasaktan lang ako lalo.Masakit pa ang ginawa niya sa akin.Kaya hindi ko pa siya kayang harapin.

“Sweetheart,alis na kami ni Princess natin. ” paalam niya kay mommy na nasa kusina dahil may nililigpit.Almusal yata ng bunso naming kapatid.Hinalikan pa niya ito sa mga labi.

Unlucky PrincessМесто, где живут истории. Откройте их для себя