Chapter 34-Luha

1.5K 62 6
                                    

VJ's POV

Nandito kaming lahat sa bahay nina Bernice dahil may pa-dinner ang mommy niya.Ganito naman silang magkakaibigan.Minsan sa bahay din at minsan kina Tita Jychel.Kailangan ding narito kaming lahat pati mga anak.

“So Bernie,kailan mo ba ipapakilala sa amin ang girlfriend mo?” binalingan ni Tito Arthur ang kakambal ni Bernice.Nasa kabesira kasi ito nakaupo.

“Baka next week dad.” sagot nito na patuloy lang sa pagkain.

Kaya naman pala nitong mga huling araw ay hindi na ako kinontra iyon pala ay may iniibig na.Siguro naiintindihan niya na.

“Wow!Mabuti dahil nagkaroon ka rin ng girlfriend nephew.” si Tita Jychel na tuwang-tuwa para sa pamangkin.Ni minsan kasi wala itong pinakilalang girlfriend.

“Good for you Bernie.” si daddy. Kasalan na ba 'yan?Mabuti ka pa.” dugtong pa niya at saglit na pinasadahan ako ng tingin.Iyong tingin na tila bang pinapa-inggit ako.

Lahat sila ay masaya para kay Bernie.Kantyawan at tuksuhan ang napala niya.Dagdagan pa ng mga kapatid ko,si Rhenz na kapatid nila at mga pinsan din nila.

Nag-iingay ang lahat pero kami lang yata ang tahimik ni Bernice.Magkatabi nga kami sa upuan pero walang imikan.Ewan ko ba kung sadyang pinagtabi nila kami ng upuan o nagkataon lang.Parang nagpapakiramdaman lang kaming dalawa.

Nitong mga huling araw kasi ay hindi ko na siya madalas na nakikita dahil hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa nararamdaman ko sa kanya.Ayoko namang gamitin siya na panakip-butas ni Eunice.Gusto kong masigurado kong totoong mahal ko siya.

“So ikaw VJ,kailan ka muling magkaroon ng girlfriend.” si Tito Benjamin na ang nagtanong sa akin.Kaya ang lahat ng mga mata ay nasa akin na.

Nagulat pa ako ng bigla niya akong tanungin kaya hindi kaagad ako naka-imik.

Malamang na na-i-kwento na ni mommy sa lahat ng mga kaibigan niya ang nangyari sa amin ni Eunice o ang pagkamatay nito.

“I don't know Tito.” nagkibit-balikat ako. “Siguro kapag nakita ko na ang babaing mamahalin ko muli.” gusto kong sulyapan si Bernice pero naduwag ako.Ayoko ring sabihin sa kanila na mayroon na pero tulad ng sinabi ko,naguguluhan pa ako.

Pansin ko na may isang pares ng mata ang matalim na nakatingin sa akin.At nang binalingan ko ito,tama nga.Si Bernie,galit ang mga tingin niya sa akin. “S-siguro kapag naka...” napahinto muna ako ng sasabihin at ibinalik ang paningin sa pagkain.Nag-aalangan ako kung dapat ba na sabihin ko ito. “...move on na ako ng tuluyan.” patuloy ko.At kasabay niyon ay ang pagbagsak ng tinidor sa mesa.Si Bernice.Nabitawan niya ang hawak-hawak niyang tinidor.

Nakuha niya lahat ng atensiyon.

“Are you okay Princess?Natamaan ka ba ng tinidor?” nag-aalalang tanong ni Tita Cath.Napatalon kasi mula sa lamesa ang tinidor papuntang hita niya.

“Are you okay?” taranta kong tanong sa kanya kasabay ng pagdampot ko ng tinidor subalit,kasabay ng pagdampot ko rito ay siya ring pagdampot niya kaya nahawakan ko ang mga kamay niya.

“I-i'm okay...” anito at saka inirapan ako.Hinila pa niya ang kamay niya na hawak ko na pala.

Nang maglapat ang aming mga balat,may isang bahagi ng puso ko ang biglang nagdiwang.Gusto ko na tuloy na yakapin siya.Gusto ko na mahawakan muli ang kamay niya para malaman ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko sa tuwing magkalapit kami.

Ang nararamdaman ko noon sa kanya sa tuwing magsasama kami ay siyang pinanabikan ko nitong mga huling araw.At ngayon nga,nahawakan ko siya at nakita na muntikan nang masaktan ng dahil sa tinidor ay natakot ako.Natakot ako na masaktan siya.

Unlucky PrincessHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin