Chapter 7-Moving On

3.1K 100 31
                                    

VJ's POV

"Eunice,babe?!" agad ko siyang hinabol ng tumakbo siya palabas dito sa parking.

Bigla akong nag-aalala dahil baka may makakita sa kanya.Sikat na actress si Eunice.Baka dagsain siya ng makakilala sa kanya although naka-shade naman ito at simple lang ang suot.

At ng huli ay naabutan ko rin siya.Agad kong hinawakan ang mga braso niya at pinigilan siya.

"Let.me.go.Vincent!" may mga pagdidiin niyang sabi sa akin.Halata sa bawat kataga niya ang galit.Hindi ko naman siy masisisi kung bakit galit siya sa akin.Ang tanga ko kasi.Mas inuna ko pa si Bernice.

"Please babe...mag-usap tayo.I'm so sorry. " saad ko.

"M-mag-usap?" basag ang boses niya.Humarap siya sa akin at pagkatapos ay humugot siya ng hininga. "May pag-uusapan pa ba tayo Vincent?" ngumisi siya.

"Mayroon.Marami Eunice.Dahil alam kong nagkamali ako.Dahil alam kong nasaktan kita.Dahil alam kong may pagkukulang ako sa 'yo.Dahil mahal kita." mabilis kong sagot.

"Naiisip mo rin pala 'yan Vincent?...at mahal? Mahal mo ako?" pumatak muli ang mga luha niya. "Pero bakit parang 'di ko madama Vincent?Bakit pakiramdam ko,ako lang ang nagmamahal sa 'yo?" puno ng hinanakit na sumbat niya sa akin.

"No!Hindi totoo 'yan Babe.Mahal kita.Ikaw ang nagmamay-ari ng puso ko." kinuha ko ang kamay niya at dinala sa kaliwang dibdib ko.Gusto kong maramdaman niya ang pagtibok ng puso ko.Gusto kong maniwala siyang mahal ko siya dahil 'yan ang totoo.

"Hindi ko alam Vincent...hindi ko na alam ang gagawin ko." umiling-iling siya. "Pakiramdam ko kasi,ako lang ang nagmamahal sa 'yo.P-pakiramdam ko kasi..." humikbi pa siya. "....ako lang ang umiintindi sa 'yo.Pakiramdam ko kasi,may kahati ako sa puso mo." mabilis niyang pinunasan ang mga luha niya.

"Hindi totoo 'yang pakiramdam mo Babe.Wala kang kahati.Ikaw lang ang nag-iisang mahal ko." sagot ko sa kanya.Akmang yayakapin ko siya pero umurong siya ng isang hakbang sa akin.

"Diyan ka lang Vincent.'Wag mo 'kong lapitan please." pumatak na naman ang isang butil ng luha niya.

Unlucky PrincessWhere stories live. Discover now