Chapter 16-I Won't Give Up

1.8K 77 41
                                    

Bernice's POV

Pangalawang araw namin dito sa Bohol pero sulit na sulit na.Sulit na,para sa akin dahil palagi kaming magkakasama ni Kuya VJ.Sa paglangoy sa tubig,sa pamamasyal sa dalampasigan,sa pagsakay ng banana boat,at sa hot air balloon.

"Oh saan na naman kayo pupunta?" tanong ni Tito Jacob.Siya kasi ang madalas na nakakapansin sa amin ni kuya VJ na palaging magkasama.

At sa palaging kasama ko si Kuya ay nararamdaman ko ang pag-aalala at pag-aalaga niya sa akin.

"Ipasyal ko lang po dad si Bernice.Gusto daw makita ang kabilang bahagi ng resort." sagot ni Kuya VJ sa daddy niya kaya lumawak ang pagkakangiti ni Tito Jacob dahil sa pinapakita nito sa akin ngayon.

"Oh siya,mag-ingat kayo.Mabato daw sa bandang bahagi doon." paalala ni Tito Benjamin.

Nandito kami kasi lahat sa hotel restaurant para sa lunch namin.

Masayang-masaya kami kapag nag-iipon-ipon ng ganito.Parang reunion na rin ng magbabarkada.

"Ah Bernie,samahan mo ang kakambal mo at si Vincent." biglang singit ni daddy kasabay ng paglingon kay Bernie.

"Bakit pa dad?Nandiyan naman na si Vincent ah." malumanay ang himig ng kakambal ko sa pagsagot kay daddy.Magalang kasi 'yan pagdating sa mga magulang namin.Pero kung sa amin 'yan ni Rhenz,siguradong naubos na ang buhok niyan sa inis.

"Oo nga naman mahal ko." si mommy.

"Hindi 'yan pababayaan ni VJ si Bernice." sulsol naman ni Tita Railey.

"Sus,okay nga ang ganon Arthur.Masyado kang protective sa anak mo eh malaki na 'yan." hindi din papahuli sa pagdaldal ang Tita Jychel ko.Siya pa ba?

Nagkatinginan kami ni Kuya VJ at lihim na nagkangitian.

Gosh!I Can't believe this!

Hindi ko akalain na dito lang pala sa Bohol magiging mabait si Kuya VJ sa akin.Kaya dito na lang kaya kami manirahan?Syempre joke lang.

"Kahit na.Princess ko 'yan eh." inis na salungat ni dad sa mga ito. "Makapag-sabi kayo sa akin,akala niyo ako lang ang protective sa mga anak 'no?" sinamaan ng tingin ni dad si Tito Jacob at Tito Benjamin.Kaya ang mga asawa ay sabay-sabay na tumawa.

"Daddy,ako na lang po ang sasama kina Ate Bernice at Kuya Vincent." presenta ni Rhenz.

"No baby!" biglang tutol ni mommy na siyang ikinasimangot ng kapatid ko.Ginamit kasi ni mommy ang magic word-ang baby.

"Hayaan niyo na sila." napatingin kaming lahat sa gawi ng nagsalita-si Abigail na kanina pa tahimik sa pwesto niya.Akala ko nga wala pa ring pakialam eh.Gan'on naman talaga 'to.Mas nakapag-bonding pa nga kami ni Kuya VJ kaysa kanya.Napaka-misteryosa niya talaga. "Ayaw niyo pa 'yon.Magka-inlove-an sila?" tuloy pa rin siya sa pagkain na parang wala talagang pakialam na namumula na ako dahil sa harap pa talaga ng pamilya namin sinabi.

Sarap batuhin ng kutsarang korteng shell!

"Tama si ate Abigail." singit din ng bunsong anak nina Tito Benj at Tita Jychel.Lalaki kasi ito. "Si Kuya Bernie nga,nakita ko kagabi na may kahalikan sa ilalim ng pun-"

"Shut up!" pikon na saway nito sa pinsan namin. "Excuse me." tumayo siya na pulang-pula ang mukha.Kaya nagkatinginan kaming lahat at nang lumayo na siya sa amin,saka lang kami nagtawanan.

Unlucky PrincessOnde as histórias ganham vida. Descobre agora