Chapter 2-The Girlfriend

3.7K 102 32
                                    

Bernice's POV

Inis kong inihagis ang shoulder bag ko pagkapasok ng classroom.

“Oh bakit parang aburidong-aburido ka diyan ha?” agad na sita sa akin ni Khate na best friend ko ng mapansin niya ang paghagis ko ng shoulder bag.

“Eh kasi eh.” pasalampak akong umupo sa tabi niya. Kakainis lang talaga si...”

Si kuya VJ na naman?Na inihatid ka lang niya pagkatapos,hindi ka na niya masusundo dahil susunduin niya ‘yong model at artista niyang girlfriend.” tuluy-tuloy niyang saad pagkatapos niyang agawin ang sasabihin ko sa kanya.

Bhessy naman eh.” inis kong saway sa kanya.

Bhessy naman eh.” ginaya niya pa ang pagkakasabi ko. Bhessy naman ka diyan eh.Tigilan mo na ngayan Bernice.” inis niyang sabi. Kaganda mong babae tapos doon ka pa sa kuya-kuyahan mo naiinlab.Wow naman bhessy.Ang tindi mo.Spell TANGA nga!” talak pa niya ulit.

Inirapan ko na lang siya at kunwari ay busy na sa book na kaka-bukas ko lang.

Alam kasi ng best friend ko ang totoong nararamdaman ko.Wala akong ni isang itinago sa kanya.

“Move-on ka na kasi Bhessy.‘Wag naman si Kuya VJ.May girlfriend nayon girl at kapatid lang ang turing sa ‘yo n‘on.” nagsalita siya muli.Kahit kailan talaga ang kaibigan kong ito ay ‘di nawawala ang lakas sa kakatalak.

Tiningnan ko lang siya ng masama at bumuntong-hininga.

Alam mo bhessy,marami namang may gusto sa ‘yo diyan ah.Nariyan si James,Daniel,at Alden.Ohdi ba,artistahin ang mga dating.‘Di din naman pahuhuli sa kagwapuhan ang mga iyon dahil ang ga-gwapo din.‘Di naman nalalayo kay Kuya VJ mo.At kung abs lang naman ang gusto mo sa kuya-kuyahan mong iyon,ang mga iyan ay may papa-usbong ding mga abs.Hintay ka lang ng kaunti,lalaki din ang mga abs n‘on.See? ” dere-deretso niyang sabi.

Unlucky PrincessWhere stories live. Discover now