Chapter 38-The Son

2.2K 65 3
                                    

VJ's POV

"Love,matulog na tayo." dinig kong yakag ni daddy kay mommy.

"Mauna ka na Jacob.Bakit ba kasi kailangan pa talagang nasa tabi mo ako,kapag matutulog ka na?" may pagtataray na tanong ni mommy.Kitang-kita ko kung paano siya hapitin ni daddy sa baywang.Hinalikan siya nito sa noo at pagkatapos ay sa mga labi na.Mahal na mahal ni daddy si mommy.Kaya hanggang ngayon na medyo may kaedaran na sila pero ang sweet pa rin nila at palaging naglalambingan.

Napapabuntong-hininga na lang ako sa kanila.Narito kasi ako sa harap ng piano na malapit lang sa sala.Samantalang sila ay naka-upo sa couch habang nanunuod ng 'The Voice'.

Mahilig sila kasing pareho sa music.Kaya nagkakasundo ng pinapanood.Ako naman ay mahilig din sa music pero sa kasamaang palad,ayaw ng awitin sa akin.

"Alam mo namang nasanay na ako na katabi ka bago matulog 'di ba,love?Ayokong matulog ng wala ka dahil wala akong mayayakap." malambing na turan ni daddy kay mommy at saka hinawakan ang kamay nito at hinila na.

"Tsk!Oo na nga.'Di naman talaga ako makakatanggi sa iyo eh." himutok daw ni mommy pero halata naman ang kilig sa tono.

"Siyempre.Mahal na mahal mo ang isang Jacob Samonte eh." pagmamayabang naman ni daddy.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang pinag-aaralan kung paano ko matutunan itong piano.Katabi ng pianong ito ay ang gitara.Kaya napaisip ako.Siguro mas madali kong ang gitara muna ang pag-aralan ko.Nawili kasi ako sa trabaho kaya iyon ang tinutukan ko at binalewala ang music. Gusto kong matuto kahit paano dahil magagamit ko ito.

"Asos!Kung 'di mo nga ako kinidnap eh bakit,nagkatuluyan ba tayo?" hinampas ni mommy si daddy.

Oh oh!

Nagsimula na naman sila sa kanilang love story.Kaya maigi pa na iwan ko na sila.Maririnig ko na naman kasi ang story nila sa kung paano nabawi ni daddy si mommy Railey kay Tito Melvin na siyang mapa-pangasawa sana ni mommy noon.

Naiinggit lang ako sa kanila.Pero ako, heto,paano ko ba ipaglalaban ang pagmamahal ko kay Bernice?Paano ko makukuha muli ang puso niya?Duwag kasi ako.Duwag ako at 'di ako kagaya ni daddy na matapang upang mabawi si mommy.

Agad akong pumunta sa mini bar ng aming bahay.Naalala ko na naman si Bernice.Naalala ko kung paano niya ako sukuan.Ang sabi niya,kailangan niya muna na layuan ako.Kailangan niya muna ng space upang mapagtanto ang lahat kung karapat-dapat pa ba na mahalin niya pa rin ako sa kabila ng lahat?

Ang sabi niya,kailangan niya muna ng divertion.Kaya pinayagan ko na kahit na nasasaktan ako.

Tama siya, kailangan muna namin ang ganito.Ang magkalayo muna dahil medyo mabigat na sa amin ang lahat.Baka kapag ipinilit ko ng hindi sa tamang pagkakataon,magkagulo pa ang pamilya namin.Inaalala ko kasi si Tito Arthur.Mapapatay ako n'on kapag 'di ko nagawa ang pangako ko sa kanya.

Kumuha ako ng whiskey at saka inilagay sa goblet.Pagkatapos n'on ay tinungga ko kaagad.Good thing dahil may mini bar kami dito sa bahay na siyang pinagawa noon ni Daddy.Bibihira lang din akong pumasok dito dahil 'di naman ako manginginum.Kapag kasi may problema ako at gusto kong magpaka-lasing,sa bar ako pumupunta para na rin 'di mapansin ng parents ko ang aking mga problema.

Pakiramdam ko nga,mas mabigat 'tong nararamdaman ko ngayon kay Bernice.Mas mahirap at mas nakaka-panikip ng dibdib.'Di ko kasi nadama ito noon kay Eunice.Naiintindihan ako n'on lagi kapag nag-away kami.Kaya 'di ko na kailangan ng matinding effort at panunuyo sa kanya.Pero kay Bernice? Pakiramdam ko, nanghihina ako.Wala na akong lakas at pati utak ko yata ay 'di na rin gumagana.Kailangan kong mag-effort sa kanya at ipakita na kung gaano ko siya kamahal.Kailangan ko ng bigtime na effort.

Unlucky PrincessWhere stories live. Discover now