Chapter 10-Use Me

3.3K 105 9
                                    

Bernice's POV

Nakapangalumbaba akong nakatanaw sa labas.Nandito ako ngayon sa may bintana ng kwarto ko.Panay din ang buntong-hininga ko.Bukas kasi ay graduation ko na.At finally ay malaya na ako sa lahat ng gustuhin ko.

Muli akong napabuga ng hangin.Ewan ko ba.Pero hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang kalooban ko simula noong nag-usap kami ni Eunice tungkol kay Kuya VJ.

Bibihira na rin kaming nagkikita ni kuya dahil naging busy ako sa aking graduation.

At ngayong matatapos na ako ng pag-aaral may panahon na akong agawin si Kuya sa Eunice na iyon.

At si Alden,kahit paano ay okay pa rin naman kami.May mga panahon din na nagpapalipad hangin pa rin siya sa akin pero pinarangka ko na siya ng tuluyan na hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya.

"Mukhang malalim yata ang iniisip ng prinsesa namin ah."

Agad akong napalingon sa kakapasok lang na mga magulang ko.Magka-holding hands pa sila at halatang hindi pa rin kumukupas ang pagmamahalan nila sa isa't-isa.Ang swerte lang ng mommy ko sa aking daddy.At gan'on din naman si Dad kay Mom.

"Wala po mom,dad.Masyado lang akong excited para sa graduation ko bukas." pagsisinungaling ko sa kanila.Pinilit ko pa ang ngumiti ng matamis.Para naman hindi nila makikita ang kalungkutan ko.

Tama.Kalungkutan.Nalulungkot akong mag-isip ng mga bagay-bagay na baka hindi ko kayang gawin.Tulad ng pagplano kung pag-aagaw kay kuya VJ.

"Asus!Ang princess namin talagang dalaga na.At pagkatapos bukas ay hawak mo na ang sarili mong buhay anak." malungkot na may halong kasiyahan na saad ni mommy.Hinila pa ako nito pabalik sa kama ko at pinaupo.Pinagitnaan nila ako ni Daddy Arthur.

"Mom naman." reklamo ko ng guluhin pa niya ang buhok ko.

"Parang kailan lang kasi princess ay nasa pagsubok pa kami ng mommy mo.But look at you now.Soon,kapag magkatrabaho ka na,makakakita ka na ng lalaking mamahalin.Mararanasan mo rin ang mga pagsubok na pinagdaanan namin ng mom mo.Pero payo ko lang my daughter,'wag mong bitawan ang taong alam mong siya na ang makakasama mo habang buhay." Hinila ako ni dad at isinandal sa balikat niya.Kahit kailan kasi sweet ni Daddy sa aming magkakapatid.At si mommy naman ay yumakap din sa akin.Kaya ang posisyon naming tatlo ay magkayakapan. "Kung kailangang,iwan mo ang career mo para sa kanya,just do it.'Wag kang matakot sumugal anak." dugtong pa nito habang hinihimas ang buhok ko.

"Dad naman!" umangat ako ng ulo at tumingala sa kanya. "ano ba 'yang mga pinagsasabi mo.Eh graduation ko pa lang naman bukas ah.Akala mo kung makapayo ka diyan ay ikakasal na ako bukas." nakalabi kong wika sa kanya.Dinig ko ang mahinang pagtawa ni mommy.

"Princess, hayaan mo na si Daddy mo.Hanggang ngayon kasi 'di pa 'yan nakaget-over sa story ng pagmamahalan namin." biglang singit nito.

"Dahil mahal kita sweetheart. Kaya kahit paulit-ulit kong ikwento ang story natin noon ay hinding-hindi ako magsasawa." paliwanag ni Daddy.

Unlucky PrincessHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin